TBW 02:

2340 Words
•Persephone• "Mommy! Gusto ko po bili doll." Tiningnan niya si Gaea na pumipikit pa ang mata para pagbigyan niya. Kinurot niya ang pisngi ng anak at pumunta sa lugar kung saan naka-display ang mga manika. Kinuha nito ang manikang una niyang hinawakan at nagtatalon sa tuwa. Napangiti siya habang pinagmamasdan ito. Lumapit naman kaagad si Rowoon at Nike sa kanilang dalawa. Nakita niya pa ang pagsimangot ni Nike nang makita ang hawak ng kapatid. "Gaea, bibili ka naman ng toys? Marami ka ng ganyan sa bahay diba?" pangaral ni Nike sa kakambal. Tumingin naman kaagad si Gaia sa kanya na may namumuong luha na dahil sa sinabi ng kakambal. Lumuhod siya sa harapan ng anak at nginitian ito. "Huwag kang mag-alala sa kakambal mo, ako ang bahala." mahinahon niyang saad. "Mommy," tawag ni Nike sa kanya. Ramdam pa niya ang maliit na daliri nito kumukulbit sa kanyang likuran. "Bakit may problema ba ang baby ko?" turan ko nang maiharap ko ito sa akin. Tiningnan muna nito si Gaea bago bumuntong-hininga. "Mommy, pwede mo naman pong huwag bilhin 'yung manika. Marami na po siyang laruan sa bahay," pangungumbinse nito sa kanya. Narinig niya pa ang mahinang pagsinok ni Gaea dahil sa sinabi ng kapatid. "Gaea, stop crying. Wala akong ginagawang masama sayo." "Nike, hayaan mo na kapatid mo." "But mommy!" Hinalikan niya ito sa pisngi para tumigil ito sa pagrereklamo at baka umiyak na ng tuluyan ang kakambal nito. Sumimangot naman kaagad ito ngunit mabilis niya itong hinawakan sa kamay at niyakap. "You need to play more Nike, so when you grow up you won't regret everything you do when you were just a child," malambing niyang sambit. "I know you're smart enough to understand me. Tandaan mo anak, na ikaw ang kakampi ng kapatid mo. Huwag mo siyang paiyakin, sa halip ay mahalin mo siya at huwag hahayaang mawala ang magandang ngiti sa labi niya." Tiningnan siya nito sa mata bago tumango at nilapitan ang kapatid. Kinuha muna nito ang manikang nahulog sa may paanan nito at nakangiting ibinigay ito sa kakambal. "Sorry, Gaia," paghingi nito ng paumanhin. Hinalikan nito sa noo ang kapatid kaya napangiti silang dalawa ni Rowoon. "You raise them well, Lady Persephone," humahangang sambit ng butler niya. "Thank you," tugon niya sa sinabi nito. Sinundan niya ng tingin ang mga anak na nagtatakbuhan sa loob ng mall. Binalingan niya saglit si Rowoon dahil may ipag-uutos siya rito. Nakalimutan niyang i.check ang restaurant bago pumunta sa mall. "Rowoon, puntahan mo muna ang G&N, baka may mga kailangan doon. Ilang araw ko na rin na hindi natitingnan ang Restaurant." Pinatayo niya ang Restaurant ng mag-isang taon ang kambal, dahil wala naman siyang ginagawa sa bahay ay iyon na ang tinuunan niya ng pansin. Naging successful naman ang restaurant niya, dahil maraming tao ang dumadayo roon. Hinanap niya kaagad ang mga anak nang makaalis na si Rowoon. May nakita siyang nagkukumpulang tao sa di kalayuan. Hindi niya sana ito papansinin, nang marinig niya ang boses ni Nike. "Don't touch my sister!" galit nitong sigaw. Hindi pa siya nakakalapit nang may nakita siyang isang dalagita na lumapit sa mga ito. "Pasensyahan niyo na po ang mga bata di naman siguro nila sinasadya, at nasampal niyo pa po ang batang babae," saad nito sa ginang. Agad na kumulo ang dugo niya sa narinig at mabilis ang lakad na lumapit sa mga ito. Nabuwag naman ang mga taong naroroon. Nakita niya pa ang pag-ngisi ng ginang nang makita siya nito. "Ano ang nangyayari rito?" mahinahon iyon ngunit may diin ang mga salitang kanyang binitiwan. Yumuko siya para tingnan ang anak na umiiyak. Namumula ang mukha at tenga nito kaya mas lalong sumiklab ang galit na kanyang nararamdaman. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinagbubuhatan ng kamay ang mga anak niya. Kahit minsan ay hindi niya nagawa iyon sa mga bata tapos ang ibang tao na wala namang karapatan ay tila ba kay dali lang nitong gawin. Binuhat niya ang anak para patahanin. Hinawakan naman kaagad ni Nike ang kamay niya, ramdam rin niya ang panginginig nito. "Kaya pala walang modo ang anak mo dahil katulad mo rin siya," may pang-iinsulto na sabi nito. "Bakit kasi maagang nagpabuntis mga kabataan nga naman ngayon." Humugot siya ng maraming hangin bago bumuntong-hininga. Nag-iinit ang katawan niya gusto niyang manakit ng tao sa oras na ito. Mabait siyang tao, huwag lang talagang pakialaman ang mga anak niya. "Bakit mo sinampal ang bata? Kaya mo bang panagutan ang ginawa mo?" Isa siyang De Silva at kung may isa man na pinagkakapareho ng ugali ang angkan nila. Iyon ay ang ayaw nilang inaapakan ng ibang tao. Wala itong sagot sa tanong niya, ngunit may kinalikot ito sa bag at may pinakitang card. Nakasulat doon ang pangalan nito, napangisi siya at binaba muna si Gaia na tumigil na sa pag-iyak. "I can even buy you, hija," nakangising sambit nito. Kung masama lang sana akong tao ay kanina ko pa ito nasampal ng pera, kaso hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para magyabang ng bagay na meron ako. "Watch your words, madame. Baka ilang minuto lang ay pagsisihan mo ang mga sinabi mo ngayon," mariin kong saad. Hindi ako nanakot alam ko ang kaya kong gawin. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa, hindi niya matatanggap ang pagbuhat kamay nito sa mga anak niya. "Hello, Mr. Ruiz, this is Lady Persephone De Silva. I want you to come here with our top lawyers. I have something very important to settle right now. Yes, E-Mall," pagbibigay impormasyon niya sa attorney. Binaba niya na ang tawag at tiningnan ito, nakangisi pa rin ito habang nakatingin sa kanila ng mga anak. "Di man lang maalagaan ng husto ang mga anak na bastardo. Panigurado walang ama ang mga batang 'yan." Pilit niyang kinakalma ang sarili kahit na naiinis na siya sa bunganga ng kaharap. Ilang minuto rin ang kanilang hinintay bago dumating si Attorney Ruiz. Kasunod nito ang dalawa pang top lawyers ni Daddy. "Sino 'yan? Inuubos niyo oras ko! Makaalis na nga-" "Miss Salidaga, kailangan niyo po kaming harapin. Kami po ang pinadalang attorney ni Mrs. Villarico." Pinigilan ito ni Attorney Ruiz sa paglalakad bago ako tiningnan. Napatingin din naman sa kanya ang Ginang. Ang kaninang puno ng kumpiyansa niyang mukha ay napalitan ng takot. "Wala akong ginagawa-" "Republic Act 7610, Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act," saad ni Mr. Ruiz. "An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Again Child Abuse, Exploitation and Discrimination, Providing Penalties for its Violation and for Other Purposes," mariin na sambit ni Mr. Romualdez. "Nabibilang po rito ang ginawa ninyo sa anak ni Mrs. Villarico. Sinampal niyo po ang bata na walang kalaban-laban." "Section 3, kung sakali man na hindi niyo alam ang ibig sabihin ng salitang 'children o bata' Madame Salidaga," pagsasalita ulit ni Mr. Romualdez. Children refers to person below eighteen (18) years of age or those over but are unable to fully take care of themselves or protect themselves from abuse, neglect, cruelty, exploitation or discrimination because of a physical or mental disability or condition. Kitang-kita naman po na mas mababa sa edad na labingwalo ang mga anak ni Mrs. Villarico." Tinatawag silang 'De Silva's Top Lawyers', dahil sa angkin nilang kakayahan. Mapili si daddy sa mga attorney sa firm niya, at sa tingin ko naman ay di ito binibigo ng mga napili niya. "Child abuse first, Psychological and physical abuse, neglect, cruelty, s****l abuse and emotional maltreatment and second any act by deeds or words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of a child as a human being," diin ni Mr. Roswell. "Sa tingin ko naman alam na ninyo ang ginawa niyo kanina at ang pagkakamali ninyo." Tatalikod na sana siya at hahayaan na lamang ang mga ito ang magtatapos ng pangyayari nang may biglang kumapit sa damit niya. Nilingon niya ito at nakita ang batang kasama kanina ng matandang babae. "Hi, little girl. What do you want?" mahinahon niyang tanong rito. Tiningnan niya ang ina nito na umiiyak habang napapailing na kinakausap ang mga lawyer nila. Tumulo naman ang luha sa mga mata ng bata at pinagkiskis ang dalawang palad. "Please po patawarin niyo na ang mommy ko. Wala na po akong daddy," pagmamakaawa nito. "Lady Persephone, anong nangyari?" Nakuha ni Rowoon ang kanyang atensyon kaya di niya nasagot ang bata. Sasagot pa sana siya sa tanong nito nang marinig niya ang malakas na pag-iyak ng bata sa tabi niya. Lumuhod siya para pantayan ito, ngumiti pa siya rito para matigil ito sa pag-iyak. "Hush now, little angel. Papatawarin ko na ang mommy mo. Tumigil ka na sa pag-iyak, okay?" "Mommy!" sabay na sigaw sa kanya ng dalawa. "Look at her, Gaea, Nike. Kung kayo ang nasa posisyon niya, makakaya niyo bang makulong ako?" mahinahon niyang tanong sa dalawa. "But mommy she's bad. She slap me, mom!" inis na sagot sa kanya ni Gaea. "Yeah at di pa po siya nagso-sorry sa amin ni Gaia. Bad po yun diba mommy?" tanong sa kanya ni Nike. "Humingi na rin ba kayo ng tawad sa kanya? Kapag humingi siya sa inyo ng sorry, patawarin niyo na siya. Pwede ba 'yun, anak?" Lumapit si Rowoon sa kanila, at binuhat si Nike na nakakunot-noo pa rin. Ayaw talaga nitong pagbigyan ang hiling ng bata. "Nike, kapag nakulong ang mommy niya ay walang mag-aalaga sa kanya. Ganito nalang kapag nag sorry sa inyo ang mommy niya ay papatawarin niyo siya. Okay ba yun? Bigyan natin ng isang pagkakataon please, baby?" Bumusangot ito at tiningnan ang bata na di pa rin natigil sa kakaiyak. Galit pa rin siya sa ina nito kung hindi lang dahil sa bata ay pinakulong na niya ito kaagad. Tinawag ni Rowoon si Mr. Roswell, lumapit naman kaagad ito sa kanila. Tiningnan pa nito ang namumulang pisngi ni Gaia, bago bumaling sa kanya. "Lady Persephone, we can-" "Mr. Roswell, I want her to apologize. We can't file a case against her, since she's the only guardian of this kid. Nais ko na lamang na humingi siya ng kapatawaran sa harap ng mga anak ko," mahinang kong sabi. "Young Lady Persephone, if Master Zeus know about this-" "Don't worry about dad. I'll talk to him after this," putol niya sa sasabihin nito. Napatango nalang ito at lumapit na sa kanila ni Mr. Ruiz. Nag-uusap ito tungkol sa kanyang sinabi. Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Gaea, nagtatampo pa rin ito sa ginawa niya. Tinawag niya ito para palapitin sa kanya ng hinawakan ito ng bata. Namumugto na ang mga mata nito dahil sa pag-iyak, agad naman iniwaksi ng anak niya ang kamay nito. "Gaea!" tawag niya rito. "Please-" Hindi pa niya natapos ang sasabihin nang lumuhod ang bata sa harapan ng kanyang anak. "Gaea, patawarin mo na ang mommy ko please," umiiyak na sabi nito. "Don't do that!" malakas nitong sigaw sa bata at pinatayo ito kaagad. "Hindi mo kailangang gawin iyon. Hindi naman ikaw ang may kasalanan sa akin." Napangiti siya sa ginawa nito. Lumapit siya rito at tinapik ang balikat ng anak. "What's your name? I am Gaea De Silva Villarico, the daughter of Hades and Persephone Villarico," may pagmamalaki sa boses na saad nito. "My dad is the owner of Villarico's Hotel and Resort." "Aphaea Salidaga," simpleng pagpapakilala nito. Lumapit naman ang ina nito sa kanila at walang pagdadalawang isip na lumuhod sa harap ng mga anak niya. Nakasunod rito sila Mr. Ruiz, minamatyagan ang kilos ng ginang. Mabilis na nagpapababa si Nike kay Rowoon, at pumunta sa harapan ni Gaea. "Patawarin niyo sana ako. Hindi ko sinasadya," hinging paumanhin ng ginang. "Kung hindi po kami mayaman at wala ang mga attorney ni Grandpapa, hindi po siguro kayo magso-sorry," may inis sa boses ni Nike habang sinasabi iyon. Tama nga naman ito kanina lang ay hindi nito mapigilan ang bibig na magsalita ng masama. "Pero papatawarin pa rin po namin kayo dahil sa kanya. Sana lang po di na po mauulit sa ibang bata po," saad niya. "Mommy, tara na po." Hinawakan nito ang kamay ng kapatid at lumapit na sa kanya. Nagbubulungan pa rin ang mga taong naroroon. Alam niya na napahiya na rin ito dahil sa pagkakamaling ginawa. Nauna na sa kanila si Rowoon para kunin ang kotse sa parking lot. Bago sila umuwing apat ay kumain muna sila sa isang restaurant na malapit lang doon. Gabi na ng nakauwi sila, nakita niya ang isang Lamborghini Veneno sa may garahe. Bago iyon sa kanyang paningin kaya mabilis siyang tumingin kay Rowoon na nagkibit-balikat lamang. Dumating ba ang kanyang mga magulang? O ang magulang ni Hades? Bumaba siya kaagad at binuksan ang pintuan para sa mga bata. "F*ck, sino ang lalaking 'yan?" may galit sa boses na saad tanong nito. Mabilis niyang tinakpan ang tenga ng mga anak nang marinig niyang magmura ang nabungarang lalaki. He's leaning on the wall, his deep eyes are looking intently to her. She laugh sarcastically and look back to butler Rowoon. Agad naman nitong naintindihan ang ipinahiwatig niya, at binuhat ang mga bata papunta sa kwarto. Mabilis na lumapit sa kanya si Hades. Oo, si Hades ang dumating sa bahay niya. "Do you even know me?" mga salitang namutawi sa labi niya. Napatigil ito sa paglalakad papunta sa kanya, dahil sa tanong niya na 'yun. Tama, hindi siya nito kilala pero kung umakto ito ay parang isang araw lang silang di nagkita at may kasama siyang lalaki na pinagseselosan nito. "Don't act like my husband, Mr. Hades Villarico. The day you left-" Di niya natapos ang sasabihin nang mahigpit nitong hinapit ang kanyang bewang. Nagbago ang anyo ni Hades, ngunit hindi pa rin nababago ang bilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing malapit. Nakakatakot. Natatakot ako na baka mas lumalim na naman ang pagmamahal ko sa kanya at masaktan na naman ako. "I want you back, wife. Ibabalik na kita ulit sa tabi ko." Natawa siya at napailing sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala, bakit ngayon lang ito dumating? Kung kailan gusto na niyang makawala sa sakit na idinulot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD