•Persephone•
Tinalikuran ko na siya at nagtungo na sa may hagdan.
"Hintayin mo ako!" sigaw nito.
Di ko siya pinansin pero alam ko na nakasunod pa rin ito sa akin, sa halip na sa kwarto ako dumeretso ay huminto ako sa isang guest room na naroroon.
Napaigtad ako nang bigla ako nitong hawakan sa braso. Mabilis nitong binuksan ang pintuan ng kwarto at hinila ako papasok doon. Unti-unti ko na naramdaman ang pagbundol ng kaba sa aking dibdib dahil sa ginawa nito.
Bigla kong hinila ang kamay ko rito dahil sa kuryenteng naramdaman. Ang rupok lang Persephone?
"Explain," maikli nitong sabi.
Napataas ang kilay ko at naglakad papunta sa kama na naroroon. Ilang taon kaming hindi nagkita at isang 'explain' lang ang sasabihin nito?
Mabilis naman itong sumunod sa akin. Inilagay nito ang kaliwang kamay sa gilid ng kamang kinauupuan ko, at ang isa naman ay nasa aking mukha.
"Mr. Hades Villarico, can I still consider you as my husband? You left remember?" nakangisi kong tanong sa kanya.
Umiigting ang mga panga nito habang nakatingin sa akin ng seryoso. Inilapit nito ang mukha sa akin kaya halos magdikit na ang aming mga labi.
Bumuntong-hininga ako bago siya itinulak palayo. Akmang tatayo ako nang hinawakan nito ang aking balikat para di ako makagalaw sa aking kinauupuan.
"What now, Hades? Did you also do this to your woman? Ganoon ba kadali sa'yo na mapalapit sa mga babae? Iyong kahit di mo kilala kaya mong halikan at ibigay ang iyong katawan?"
Nanlalaki ang mata niya nang sakupin nito ang aking labi. Hindi iyon ang nasa isip ko na gagawin niya.
Segundo lang naman nagdikit ang labi nila ngunit iba ang epekto nito sa katawan ko. Hindi ko dapat maramdaman ang mga bagay na'to, at baka sa bandang huli ako na naman ang masasaktan.
"I almost forgot the sweet taste of your lips, wife."
"Hindi ko alam kung bakit mo ako tinatawag na ganyan. Simula nang umalis ka at nagtungo sa China ay naging estranghero ka na sa akin!"
Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ito naaapektuhan sa nangyari sa amin. Tatlong taon kaming hindi nagkikita. Wala itong pakialam sa akin sa loob nang tatlong taon na iyon, pero bakit hindi ko man lang mahimigan ang pagkailang mula sa kanya?
"I'm sorry," mahina nitong usal.
Malakas akong tumawa at tumayo mula sa aking kinauupuan. "Maibabalik pa ba ng sorry na iyan ang nasayang kahapon, Hades? Hindi ko alam kung ilang ulit akong umiyak ng dahil sayo!"
"Gagawin ko ang lahat maging maayos lang tayo, Persephone—" Tinaas ko ang aking kamay para patigilin siya sa pagsasalita.
"Bakit ka bumalik? Bakit ka bumalik at sinasabi 'yan sa akin ngayon?!" Nasasaktan ako gusto kong isumbat sa kanya ang lahat ng sakit na naranasan ko. "Ayaw ko ng umiyak ulit dahil sa iyo, Hades. Hindi pa ba sapat ang tatlong na paghihirap ko?"
Akmang lalapit ito sa akin kaya kaagad akong umatras. Ayaw kong magdikit ang mga katawan namin dahil kapag nangyari iyon naaalala ko ang mga babaeng nakahawak sa kanya.
"Tanggapin mo ako ulit, Persephone. Pangako ko na magbabago na ako."
Deretso itong nakatingin sa akin ramdam ko ang senseridad sa boses niya, ngunit bakit ayaw ko ng maniwala pa rito?
"Sa tingin mo ba ganoon lang kadali iyon?" malungkot na tanong ko rito. "You cheat. Kahit sabihin mo pa na hindi mo ako mahal noong panahon na iyon."
"Alam ko ang pagkakamali ko. Gusto ko ng magbagong buhay kasama—"
Lumapit ako rito para tingnan siyang mabuti. Mula sa aking tagiliran ay itinaas ko ang aking kamay para mahawakan ang mukha. Nanginginig iyon habang dahan-dahan na dumampi sa kanyang mukha.
"Alam mo ba na nagseselos ako sa lahat ng babaeng nakasama mo sa loob ng tatlong taon? Ma-swerte sila at nakuha ka nila ng libre. Paano naman ako, Hades?" Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Alam mo ba ang nararamdaman ko nang malaman ko na magpapakasal ka lang sa akin dahil babagsak na ang negosyo ninyo? Dama mo ba ang sakit sa puso ko habang iniisip na magpapakasal lang ang lalaking mahal ko sa akin, dahil gusto niyang mailigtas ang babaeng mahal niya?!"
Where are you when I need you the most, Hades?" Hinaplos ko saglit ang kanyang mukha, bago tinanggal ang kamay ko roon.
"Hindi ko alam. Magulo ang utak ko ng mga panahong iyon, Persephone. Pero pangako ko na babawi ako."
"Hindi ko alam kung maaayos pa ba natin ito. Bukas na lang tayo mag-usap matulog ka na muna. Alam ko na pagod ka sa byahe." Iniwan ko na siya roon at pumunta na sa sarili kong kwarto.
—
Napatingin ako kay Rowoon nang pumasok ito sa kwarto ko at may dalang gatas. Napangiti ako at inabot iyon mula sa kanya. Gawain na niya iyon dati pa.
Aalis na sana ito nang hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay at pinaupo iyon sa may tabi ko. Tumingin ito sa akin nang nakakunot-noo.
"May gusto ka bang sabihin? May problema ka ba? O may masakit sa'yo?" mahinahon ngunit sunod-sunod niyang tanong.
"Mali ba ang desisyon ko kung tatanggapin ko ulit siya, Rowoon?" mahina kong sambit. "Nahihirapan akong magdesisyon."
"Mahal mo pa?" Napatingin ako sa kanya nang marinig iyon. Ngumiti ito at marahang ginulo ang aking buhok. "Kung mahal mo pa bakit di mo subukan ulit?"
"Natatakot akong masaktan na naman, Rowoon. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba kung sasaktan na naman niya ako—"
Inilagay nito ang isang daliri sa aking labi kaya naitikom ko ang aking bibig. Tinignan ko siya nang may pagtataka.
"Hindi ka ba masasaktan kung hahayaan mo siyang lumayo sa'yo?" Napaisip ako sa sinabi niya. Alam ko na masasaktan ako kapag nangyari iyon, pero sa tingin ko ay makakaya ko naman iyon. "Lady Persephone, ayaw ko rin na bumalik ka kay Hades at masaktan muli. Pero kung iyon ang gusto ng puso mo, bakit di mo subukan? Tandaan mo na kapag nagmamahal ka normal na makaramdam ka ng sakit."
Humilig ako sa kanyang balikat para kumuha ng lakas. Itinuring ko ng kapatid si Rowoon, bukod sa matagal na kaming magkasama ay nobyo pa ito ng kapatid niya.
"Inumin mo na ang gatas mo at matulog ka na, Young Lady. May kakausapin ka pa bukas."