TBW 04:

1014 Words
•Persephone• Maaga akong nagising dahil inayos ko pa ang mga gamit sa kwarto. Ayaw kong makita ni Hades ang mga litrato namin na nakasabit doon. Gusto ko man na tanggapin siya kaagad para sa mga bata, ay di ko magawa dahil may takot pa rin sa akin. Ayaw ko ng masaktan muli dahil sa maling desisyon ko. "Mommy, hotdog at bacon po today? No pancakes po?" tanong ni Gaea habang kinukusot ang mata nito. "Bukas na lang ulit ang pancake, okay?" Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago binuhat. Tumango-tango naman siya habang kinakawayan ang kakambal niya na nasa pintuan. "Mommy, sino po yung guy kagabi?" Napalingon ako kay Rowoon dahil sa tanong ni Nike. Kinuha naman nito kaagad sa akin si Gaea at dinala sa may sink para maghugas ng kamay. "Parang nakita ko na po ang mukha niya." Lumuhod ako sa harapan niya at ginulo ang kanyang buhok. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung si Gaea ay gustong-gustong makilala ang ama niya, kabaliktaran naman nito si Nike. "Good morning!" Napatingin ako sa pintuan ng marinig ang boses ni Hades. Kaagad naman na iniunat ni Nike ang kanyang kamay sa aking harapan para protektahan ako. Mas lumapad ang aking ngiti nang makita ang ginawa niya. Mas nasisigurado ko na ngayon na hindi ako nagkulang sa pagpapalaki sa kanya. "Sino ka? Anong kailangan mo sa amin? Bakit nandito ka sa bahay namin?" parang imbestigador na tanong nito. "Pipi ka ba po?" "Asawa ko yang nasa likuran mo," Akmang lalapit si Hades nang itinaas ni Nike ang kamay niya. "Sinong anak ka ba bubwit?" "Anak ako ng babaeng inaangkin mong asawa!" Parehong nanlaki ang mata nila at lumingon sa akin. "Daddy kita? Paano kita naging daddy kung wala ka sa tabi ni mommy habang pinapalaki kami?" Tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Nike. Walang gustong magsalita lahat kami ay pinapakiramdaman ang bawat isa. "Nike—" "Mommy, daddy ko po siya? Saan po siya galing?" Tiningnan ko si Hades na nakatingin pa rin kay Nike. "Bakit po hindi ko po siya kilala?" Napalunok ako habang hinahaplos ang mukha ni Nike. Nakakunot na ang noo nito at di matanggap ang mga pangyayari. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol kay Hades. Kung magtatanong man si Gaea tungkol sa ama, sinasabi ko lang na umalis ito at pumunta sa malayo. "Daddy?" Ang maliit na tinig ni Gaea ang bumasag sa katahimikang namumuo sa amin. "Ikaw yung sa litrato na nakita ko sa kwarto ni mommy? Wow! May daddy na ako?" Nagpababa ito kay Rowoon at tumalon-talon na lumapit kay Hades. Kaagad naman itong sinalubong ng huli nang isang mahigpit na yakap. "Gaea!" inis na sigaw ni Nike sa kapatid. "He's a stranger!" Hinila nito ang kapatid palayo sa ama at inilagay iyon sa tabi. Nakakunot-noo naman na tumingin sa kanya si Gaea. "Gusto ko may daddy tayo, Nike! I want to tell may kalaro na may daddy na ako. Hindi na ako mabubully doon dahil may daddy na akong tagapagtanggol katulad nila!" mariin nitong saad sa kakambal. Hindi ko alam iyon. Hindi ko alam na nabubully pala ito ng ibang bata. Kasama nito minsan si Nana Lucy sa park para makipaglaro, at sa tuwing umuuwi ito ay palagi naman itong masaya. "Kilala mo ba siya?" nakataas ang kilay na tanong ni Nike rito. Nagdikit ang kilay ko nang itinuro nito ang kanyang dibdib. "Anong ibig sabihin niyan?" "Hindi mo ba nararamdaman ang t***k ng puso mo, Nike? My heart thump thump, ibig sabihin alam niyang daddy ko siya!" Hinawi nito ang kamay ng kakambal at bumalik sa bisig ng ama. Inis naman na naglakad palabas ng kusina si Nike at binangga pa ang huli. Matalino ang mga anak ko kaya minsan kapag nag-aaway sila ay ang hirap nilang kausapin, dahil bawat isa sa kanila may sariling opinyon at paniniwala. "Gaea, kailangan mong mag-sorry sa kapatid mo." Tiningnan niya muna ako bago kumapit sa leeg ng kanyang ama. "Gaea, kilala mo ang kakambal mo." Ayaw ko man na pagalitan ito ay kailangan pa rin nitong matuto sa pagkakamali. "I won't say sorry, mommy. Wala akong kasalanan!" naiinis niya saad. Bumuntong-hininga ako bago sinundan si Nike. — Napatingin ako sa nakabukas na kwarto ng mga bata. Nakadapa sa kama si Nike habang nagtaas-baba ang kanyang balikat. Mahina kong kinatok ang pintuan para malaman niya na papasok ako. Mabilis itong lumingon sa akin na namumugto ang mata. "Why are you crying?" mahinahon kong tanong sa kanya. Mabilis naman nitong hinawakan ang mukha at pinahid ang luha. "Mommy, bakit galit po si Gaea sa akin? Hindi ko naman po siya inaaway. Totoo naman po na hindi namin kilala ang lalaking iyon," mahaba nitong lintanya. Bumuntong-hininga ako at pinaayos siya sa pagkakaupo. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag kay Nike ang mga pangyayari. Alam kong sinabi ni Hades na babawi siya sa amin, pero paano kung iiwan na naman niya kami ulit? Paano ang mga bata? "Matagal nating di kasama ang daddy niyo kaya malayo ang loob mo sa kanya." Tumango-tango ito sa aking sinabi. Nakatingin ito sa aking mga mata naghihintay sa kasunod kong sasabihin. "Pero gusto ko sanang magkalapit kayong dalawa, anak. He's  your dad. Subukan lang natin na kilalanin siya. Pwede ba iyon?" "Hindi niya po ba kami sasaktan? Magiging katulad po ba siya ni Tito Rowoon? Aalagaan din po ba niya kami?" Ngumiti ako at ginulo ang kanyang buhok. "Ayaw ko po na masaktan kayo ni Gaea." Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Matagal na akong nasasaktan ng dahil kay Hades, at ayaw kong mangyari iyon sa mga anak ko. Pero mga anak din niya ang mga bata at may karapatan siyang kilalanin ang mga ito. "Kapag naging bad guy siya sabihin mo lang kay mommy, okay? Aawayin ko siya kaagad." Tumawa ito at mas niyakap ako nang mahigpit. Nagpigil ako ng tawa nang marinig ko ang ingay na nanggagaling sa kanyang tiyan. Nagugutom naman pala ang gwapo kong anak. "Mommy, tara na po sa kitchen nagugutom na ako," aya niya at hinila na ako patayo sa kama. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD