TBW 05:

1149 Words
•Hades• Napatingin ako sa dalawang taong pababa ng hagdan. Pupuntahan ko sana silang dalawa sa itaas nang makita ko na silang pababa. "Hades, bakit ka nandito? Hindi ka pa nagsisimulang kumain?" Umiling ako sa tanong nito at lalapitan sana si Nike nang nagtago ito sa likuran ni Persephone. "Naninibago siya sa iyo. Hayaan mo muna iyong bata." Hinawakan nito ang kamay ng bata at naglakad na patungo sa kusina. Dati ayaw kong magpakasal kay Persephone, dahil takot akong makulong sa taong hindi ko naman mahal. Pero ngayon natatakot na akong hiwalayan ako nito. Siguro dahil natatakot na rin akong mawalan muli.  Baka matulad na naman ito kay Zia na hindi na bumalik sa akin. Napabuntong-hininga ako bago bumalik sumunod sa kanila, ngunit napatigil din nang makita silang nagtatawanan. "Lady Persephone, alam ko kung bakit kayo bumalik!" usal ng tinatawag niyang Rowoon. "Gutom na ang mga alaga ni Nike!" Kiniliti pa nito ang huli na tumatawa naman at nagpabuhat pa sa lalaki. Naiilang ako, naninibago, estranghero silang lahat sa akin. Para akong bisita rito at hindi ko alam ang gagawin sa harapan ng pamilyang nagkakatuwaan. Napalunok ako nang biglang humarap sa akin si Persephone. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan ng inilahad nito ang kanyang kamay sa akin. "Hades, halika. Hindi ka ba nagugutom?" Inabot ko naman ang kamay nito at lumapit sa kanila. "Naninibago ako—" Napatigil ako sa pagsasalita nang pinitik nito ang aking noo, bago lumuhod para pantayan si Nike. "Anak, kausapin mo na ang daddy mo," utos nito kay Nike na nakataas kilay na nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon. Inilahad naman nito kaagad ang kaliwang kamay sa akin. "Nike po ang pangalan ko. Let's protect both of them." Napatulala ako sa sinabi nito. Hindi ko aakalain na maririnig ito sa kanya. Sa murang edad nito sa tingin ko mas alam pa nito ang salitang responsibilidad kaysa sa akin. "Anong tinitingin niyo po? Ayaw niyo?" Napatikhim ako bago inabot ang kanyang maliit na kamay. "Gusto. Bati na ba tayo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagawa niyo na po ng maayos ang trabaho niyo." Rinig ko ang hagikhikan nila Persephone, kaya napaiwas ako ng tingin. "Tama na 'yan. Kanina pa kami nagugutom dito." Napatingin ako kay Rowoon na inilalayan si Persephone at Gaea para makaupo. "Lady Persephone, pupunta po ba tayo mamaya sa G@A?" Pinaupo ko muna si Nike bago umupo sa tabi nito. "Sige nandito naman si Hades para bantayan ang mga bata—" "Can I invite you with us? Gusto ko sanang kumpleto tayong mamasyal ngayon." Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ako saglit bago iyon ibinalik kay Rowoon. Gusto ko sanang hilahin siya para sa akin lang siya tumingin, pero wala naman akong rason para gawin iyon. "Okay lang ba na ikaw na lang muna, Rowoon?" tanong nito, tumango naman kaagad ang una. "Sabihin mo sa kanila Fei na may evaluation tayo next week, okay? "Miss, may nag-eskandalo po kahapong customer at gusto ng refund sa kinain, dahil pangit daw ang lasa." Tumawa ito sa narinig. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya parang mayroong nag-uudyok sa akin na tingnan lang ang bawat galaw niya. "Hindi ko alam kung bakit may ganyang complaint. Remember last time? Naubos na niya yung pagkain 'tsaka niya pa sinabi na pangit ang lasa." Sabay silang humagikhik at napapailing. Wala akong maintindihan sa sinasabi nila pero tumawa na lang din ako para makuha ang atensyon nila. Muntikan ko ng masampal ang sarili ko ng lahat sila ay tumingin sa akin. "Anong nangyari sayo?" tanong ni Persephone. Tumayo naman si Gaea sa kinauupuan nito at hinawakan ang aking noo. Mabilis ko siyang ibinalik sa kanyang upuan at baka malaglag ito. "May masakit ba sayo, daddy?" Mabilis akong umiling at itinuro ang pagkain sa mesa. Nagdikit ang kanilang mga kilay habang nagpabalik-balik sa akin ang tingin. "Anong meron sa pagkain?" sabay nilang tanong. Napalunok ako nagpeke ng tawa. "Masarap siya," nagkakamot sa batok na sagot ko sa kanila. Nag-iwas na sila ng tingin at nagsimula na namang kumain. Ramdam ko pa ang pagtulo ng pawis sa gilid ng aking mukha. Siguro iniisip nila na nababaliw na ako dahil tumatawa ako sa sarap ng pagkain. — Kanina pa ako tapos at hinihintay ko na lamang ang mag-ina ko para makaalis na kami. Medyo kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin. "Kids, are you done?" Napalingon ako sa kwarto ng mga bata nang marinig ang boses ni Persephone. "Bakit ang tagal niyo yata today?" Binuksan ng kaunti ang pinto para makita kung ano ang ginagawa nila sa loob. Nakaluhod si Persephone sa harapan ni Gaea, habang inaayos ang suot nitong sapatos. Si Nike naman ay nasa harapan ng salamin at sinusuklay ang basa nitong buhok. Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ang eksenang iyon. Ang sarap nilang pagmasdan, iyon ang eksenang gusto kong makita habang buhay. "Young Master." Napatingin ako kay Rowoon nang tinawag ako nito. "Gusto ko sanang pumasok para magpaalam kay Lady Persephone, pero nakaharang po kayo." Umiwas ako rito ng tingin at dahan-dahang umalis sa aking kinatatayuan. Papasok na sana ito ng hinawakan ko ang damit nito. "Pwede ka ng umalis. Ako na lang magsasabi kay Persephone na nauna ka na," saad ko at binigyan siya ng isang pilit na ngiti. "Nagbibihis pa ang asawa at anak ko." Tinanggal naman nito ang kamay ko mula sa kanyang damit at ibinalik iyon sa aking tagiliran. Tumaas kaagad ang kilay ko dahil sa ginawa nito. "Sir, gawain na po namin ni Lady Persephone at ng mga bata na pumasok sa kwarto ng bawat isa para magpaalam," nakangisi rin nitong balik. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya, pero sa oras na ito ay gusto ko na lamang na suntokin ang pagmumukha niya. "Anong ibig mong sabihin na pumapasok ka kahit naliligo ang asawa ko?" Tumango naman ito sa tanong ko. Magsasalita pa lang sana ito nang sinuntok ko ang kanyang mukha. Naiinis ako sa isinagot nito sa akin at hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin iyon. Mabilis naman na lumapit sa amin si Persephone, kasunod nito ang mga bata na dinaluhan kaagad si Rowoon. "What is your problem, Hades?" naiinis na tanong sa akin ni Persephone. Hindi ako sumagot, tiningnan ko lamang siya na sinusuri ang pagmumukha ng butler niya. "I'm asking you! May problema ka ba at bigla ka nalang nanununtok—" "Lalaki mo ba iyan kaya mo ipinagtatanggol ng husto?" Kita ko ang pag-ikot ng mata nito at binitawan si Rowoon. "Gosh, Hades! Stop being so childish—" Hindi na natapos nito ang sasabihin nang hinapit ko ang bewang niya at inilapit siya sa akin. "Okay," mahinahon kong saad. Ayaw kong makipag-away dito, kasalanan ko naman talaga ang nangyari. "Say sorry," utos nito sa akin. Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya. "What? Seriously?" pasigaw kong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD