•Persephone• "What? Seriously?" pasigaw nitong tanong. Matalim ko siyang tiningnan kaya nagkakamot siya sa noo na tumingin kay Rowoon. "I'm sorry. Pero 'di ko pa rin makakalimutan ang sinabi mo na pumapasok ka sa loob—" Tinakpan ko ang bibig niya para di na niya maipagpatuloy ang sasabihin. Binalingan ko kaagad si Rowoon na mahinang tumatawa. Tumahimik naman kaagad ito nang makita akong nakatingin sa kanya. "Rowoon," mahina kong tawag sa kanya. Kaagad naman itong nagtaas ng kamay na akala mo ba ay susuko sa mga police. "Nagbibiro lang naman ako, Lady Persephone. Hindi ko naman aakalain na maniniwala siya." Kaagad akong lumapit sa kanya at piningot ang tenga nito. "Sorry na, Persephon—aaaa!" Nagtatalon pa ito para mabitawan ko ang kanyang tenga na unti-unti ng namumula. Hindi ko pa sa

