PROLOGUE
Micaela
"Mickie!"
Kasalukuyan akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng eskwela nang marinig ko ang sigaw ng lalaking tumawag sa'kin. Bitbit ko sa aking kanang kamay ang mga libro ko sa Math at Chemistry habang maingat ko namang binabalanse sa aking kaliwang kamay ang ginawa kong project na diorama sa Biology class namin. Ingat na ingat akong hindi iyon malaglag kahit medyo nararamdaman ko na ang pagkangalay ng kamay ko. Ang platform kasi nito ay yari sa maliit na lumang aquarium. Nasa kabilang dulo pa ang classroom namin kaya kahit nagmamadali ay kailangan kong mag-ingat para hindi malaglag at mabasag ang ilang gabi kong pinagpuyatan na proyekto.
Minsan niya pang tinawag ang pangalan ko. Medyo nakaramdam ako ng inis dahil nagmamadali na nga ako, heto pa siya't walang paawat sa pagtawag sa akin.
Huminto ako sa paglalakad para madatnan niya ako. Dinig ko na ang yabag ng pagtakbo niya sa direksyon ko. Hinintay ko na lang siyang makarating sa kung saan ako nakatayo para hindi na lumingon pa. Ngalay na ang mga kamay ko sa bitbit ko. Hindi naman kasi magkasya itong mga libro ko sa bag ko dahil may ibang mga libro at ilang notebooks din ang nasa loob nito.
"Good morning!"
Sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Juancho nang makarating siya sa harapan ko. Kita ko ang paghingal niya mula sa mahabang pagtakbo. He looks fresh in the morning, medyo basa pa ang buhok at amoy na amoy ko ang panlalaking cologne niya na swabe sa pang amoy ko.
Juancho is my classmate. Payat ngunit matangkad. Meztisuhin pero lalampa-lampa. His posture says so. Medyo kuba rin kaya kahit matangkad siya, hindi magandang tingnan ang tindig niya.
He wears an eyeglasses na kulay itim at makapal ang frame nito. Ang sabi niya sa akin, nasa pamilya raw talaga nila ang labuin ang mata. Nagsimula siyang magsuot ng salamin sa mata noong Grade 8 pa kami. Mababa pa noon ang grado ng mga mata niya. Ngayong Grade 12 na kami, paniguradong mas tumaas ito dahil sa kapal ng lens na gamit niya.
Dati nga, naka-brace pa ito. Buti na lang, pinatanggal na niya noong magpasukan na sa eskwela.
Pinilit kong suklian ang ngiti niya kahit alam kong magmumukhang hilaw iyon. Paano ba naman kasi, nagmamadali na nga akong makarating sa room, napahinto pa ako dahil sa tawag niya.
"Morning, Cho!"
Agad ko ring pinalis ang ngiti sa mukha ko. It's not that I'm glad that I saw him here now. I just reciprocated his morning greeting.
Bumaba ang tingin niya sa mga bitbit ko. Kahit na may bitbit din siyang makapal na libro, inipit niya iyon sa kanang kili-kili niya at inabot ang diorama na bitbit ko.
"Ang aga mo ah? Ako na riyan!" Sabay abot niya sa project na bitbit ko.
Para akong tinanggalan ng mabigat na pasanin nang mawala sa pagkakahawak ko ang bitbit ko. Nagpakawala ako ng buntong-hininga dahil ngayon ko lang napansin na nagpipigil din pala ako ng hangin habang naglalakad.
Kaso nang tingnan ko siya, parang ako rin ang nahihirapan. Pilit niyang iniipit ang libro sa kili-kili niya para hindi malaglag, at the same time, bitbit niya ang mabigat na project ko. I can see that he's struggling by looking at the way he tries his best to balance the book in between his arms.
I sighed. Inabot ko at kinuha mula sa kanya ang librong nakaipit roon at pinagsama sa librong bitbit ko.
"Uh...Mickie, kaya ko!" Awat niya sa akin.
Umirap ako sa kanya. "Ako na sa libro mo, para hindi ka mahirapan."
"Pero mabigat yan! Baka mangalay ka."
I rolled my eyes and started walking. He started walking behind me. Dahil nauna ako sa kanya, mabilis ang paglalakad niya para mahabol ako.
Bigla akong kinabahan sa project ko. Baka malaglag niya!
Agad ko siyang nilingon para i-check iyon. Buti na lang, maayos naman ang pagkakahawak niya.
"Ingatan mo 'yan, Juancho! Baka malaglag mo 'yang project ko. Wala akong maipapasa sa Biology!" Litanya ko sa kanya.
He smirked boyishly. "Ako'ng bahala sa project mo. Don't worry."
Tumaas ang isang kilay ko bago ko nilingon ulit ang nilalakaran. Kahit papaano, lihim akong nagpapasalamat sa pagbitbit niya roon. Kaya kahit medyo nakaramdam ako ng inis kanina dahil sa pagtawag niya, agad din naman itong nalusaw dahil kahit papaano, natutulungan niya ako.
Mabait si Juancho. Matalino rin. Katunayan nga niyan ay vying for valedictorian siya sa batch namin. Tatahi-tahimik lamang sa isang tabi but he aces all our subjects.
Unlike me, pumapasa naman ang mga grado ko pero hindi nadikit kailanman sa kanya. Masipag lang akong mag-aral, lalo na kapag nagpapagawa ng mga projects ang mga teachers namin. Doon ako bumabawi para kahit papaano, umangat ang mga puntos ko.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng babae sa campus namin, ako pa...ang napili niyang...ligawan.
Oo. Nanliligaw sa akin si Juancho. Nagsimula siyang manligaw sa akin noong Grade 8 kami. Mga bata pa kami noon kaya hindi ko sineseryoso ang mga ganoong klaseng bagay. Kaya tinanggihan ko siya. Wala naman sa isip ko nang mga panahong 'yon ang mag-boyfriend kaya basted siya sa akin.
Saka sa itsura niya noon, hindi ko talaga siya sasagutin! He looked like a nerd. Thick glasses and braces? Nah.
Sa madaling salita, hindi ko siya type!
Pero hindi siya sumusuko. Buntot pa rin siya ng buntot sa akin. Noong una nga'y sukdulan ang inis ko sa kanya dahil pilit niyang kinukuha ang atensyon ko. Naging tampulan pa kami ng tukso sa klase namin. Sa tuwing pinapansin nila kaming dalawa, umiiyak ako. Lalapit naman siya para aluhin ako. Pero hindi iyon nakakatulong, bagkus, mas lumalakas pa ang pang-aalaska nila sa amin.
Hanggang sa...nasanay na lang din ako. Mabait naman talaga kasi siya eh. Natutulungan pa niya ako sa mga aralin namin kapag may hindi ako naiintindihan. Kapag may mga requirements at by partner ang groupings, walang may gustong makipagpareha sa kanya. Kaya...nagboboluntaryo akong maging kapareha niya.
Ilang hakbang bago kami makarating sa pintuan ng classroom namin, tinawag niya ako ulit, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at lingunin siya sa likod ko.
"Bakit?" Takang tanong ko.
Sinulyapan niya ang pintuan bago ibinalik ang tingin sa akin. He looked a bit worried. Inayos niya ang pagkakabitbit niya sa project ko bago niya iyon iabot sa akin.
"Ako na lang sa mga librong hawak mo. Sisimplehan ko na lang ang paglapag niyan sa arm chair mo mamaya. Ikaw na ang magbitbit dito."
Tumaas ang kilay ko. "Bakit? Nabibigatan ka na ba?"
Umayos siya sa pagkakatayo at ilang ulit na umiling.
"H-Hindi!"
"Oh? Eh bakit tayo magpapalit ng bitbit?"
Hindi siya agad umimik. Tss. Ilang segundo kaming nagtitigan. Tinitimbang ko ang mga reaksyong nakikita ko sa kanyang mukha. Takot na may kaunting pangamba.
Nagpakawala ako ng hangin. Mukhang may ideya na ako kung bakit iyon ang naging suhestiyon niya sa akin. Akma ko na siyang lalapitan para makapagpalit kami ng mga hawak namin pero nagsalita siya.
"Baka kasi tuksuhin ka na naman nila kapag nakita nilang...magkasama na naman tayo." Aniya. Bahagya pang lumiit ang boses niya nang sambitin niya ang ilang huling salita sa sinabi niya.
Sinasabi ko na nga ba.
"Eh ano ngayon? Hindi ka pa ba sanay? Halos araw-araw naman tayong tinutukso dahil araw-araw ka ring lumalapit sa akin. Hindi ka naman maawat sa panliligaw mo," katwiran ko.
His lips curved. Iniwas niya ang tingin sa akin. Tila...nag-iisip ng magandang sasabihin. Pero walang namutawing mga salita sa bibig niya.
Natigilan din ako. Bahagya akong nagsisi sa mga sinabi sa kanya. Parang may mali yata sa mga sinabi ko. Hindi ko man sinasadya, pakiramdam ko...napahiya ko yata siya sa sinabi ko.
Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga bago ko marahang hawakan ang baba niya at para iangat ang tingin niya sa akin. Ngumisi ako sa loob ko. Parang ako pa ang lalaki sa aming dalawa ah?
Agad ko rin namang binitawan 'yon nang magpantay na ang mga mata namin.
"Hayaan mo sila. Huwag mo na lang silang pansinin."
"Pero-"
"Kung talagang ayaw mo akong inaasar ng mga 'yan, layuan mo na lang talaga ako ng minsanan. Tigilan mo na ako sa panliligaw mo. Oh ano?" Medyo maangas kong hamon sa kanya.
Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Lihim akong napangiti. I know what he'll answer.
"Ayaw ko," Matamang sabi niya.
Tuluyan akong ngumisi. "Tara na, pasok na tayo."
Tinalikuran ko siya at diretso akong naglakad papasok sa classroom. I braced myself for a wave of teasing with my bully classmates. Inaasahan ko na iyon. Lalo na nang maramdaman ko na ang kilos ni Juancho sa gilid ko.
"Uuuuyy heto na ang loveteam of the century!" Buyo ng kaklase naming si Alex na sinundan naman ng ilang mga barkada niyang bullies din.
I rolled my eyes and continued walking until I reached my seat. Si Juancho, dumiretso sa likod para ibaba ang project ko na ipapacheck sa aming teacher mamaya. May ilan pang kantiyaw ang mga kaklase ko tungkol sa aming dalawa pero hindi ko na sila pinansin pa. Instead, sinulyapan ko si Juancho sa likod para makita ko kung saan niya ipu-pwesto ang aking proyekto.
Nang masiguro niyang okay na iyon ay tinahak naman niya ang upuan kung saan siya uupo...sa tabi ko.
Naka alphabetical arrangement kami sa klase para sa lahat ng subjects, base sa unang letra ng apelyido naming dalawa.
Salvadora. Sylvestre.
“Kinikilig si Juancho!”
“Oo nga. Nagba-blush, ‘tol!” Sabay tawa nila ng malakas.
Umirap ako. Ang aga-aga, ang lakas nila mabwisit. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ng aking palda at itinuon doon ang reaksyon. Panay ang scroll ko sa aking f*******: account para hindi ako maapektuhan sa mga pangangantiyaw nila.
“Juancho, may assignment ka ba sa Math?” Muling tawag sa kanya ni Alex.
Narinig ko ang pagtikhim ni Juancho sa tabi ko.
“Meron,” sagot niya.
Nakarinig ako ng ilang mga yabag palapit sa amin. I rolled my eyes and expected what he’ll say next.
“Pakopya naman ako ‘tol,”
I knew it.
“Hindi ako nagpapakopya ng assignment, Alex.”
Ngumisi ako. Ganyan nga. Tumanggi ka, Juancho.
“Parang assignment lang, eh! Sige na!”
“Responsibilidad mo ang gumawa ng assignment, Alex. Kung hindi mo alam, pwede ka namang magtanong sa akin at tuturuan kita—-“
“Nagtatanong nga ako, ‘di ba? Kung may assignment ka?” Alex backfired.
Dinig ko ang pagod na pagbuntong-hininga ni Juancho.
“Pero hinihingi mo ang sagot ko. Paano mo gagawin ‘yon kung—-“
Pinutol ni Rowell si Juancho sa pagsasalita.
“‘Tol, hindi talaga nagpapakopya yan,” aniya. “Si Mickie na lang ang tanungin mo. Tiyan may assignment yan.”
Umangat ang tingin ko sa kanya. Hindi ko naitago ang inis sa mga sinabi niya. Parang alam ko na ang patutunguhan nito pero pinigilan ko ang sariling pumilosipo.
“Siyempre meron—-“
Hindi ko na natapos ang magsalita dahil agad siyang sumagot.
“Kitams? Siyempre, ikaw ba naman ang may manliligaw na matalino, eh!”
Tamad akong nag-ayos sa pagkakaupo ko. Sinandal ko ang aking likod sa kahoy na armchair at tinaasan siya ng isang kilay.
“Malamang, gumagawa ako ng assignment.”
He mockingly smiled at me. Aba’t…
“Maniwala ako sa’yo. Baka ang ibig mong sabihin, eh, pinakopya ka ni Juancho—-“
Malakas na napaatras ang kahoy na upuan ko dahil sa biglang pagtayo ko. Gumawa iyon ng ingay, dahilan para makuha ko ang ibang atensyon ng mga kaklase namin. Inis akong tumayo para sugurin siya.
Sira ulo pala siya, eh! Ano’ng gusto niyang sabihin? Na sinasamantala ko ang pagiging manliligaw ni Juancho sa akin para makakopya ng mga sagot?! Oo, nagpapaturo ako sa kanya minsan kapag may hindi ako maintindihan pero hindi ako kailanman nanghingi o nagpagawa sa kanya ng mga school requirements namin!
“Gago ka ah!” Galit kong bulalas sa kanila.
Hindi ko na maiwasan ang hindi pansinin ang mga pangbu-buska nila sa amin. Kung kanina, kaya ko pang magtimpi, ngayon, hindi na!
Pero hindi ko siya nakitaan ng takot o pangamba kahit alam nilang susugurin ko siya. Imbes na tumahimik at tumigil sa pang-aasar, narinig ko pa ang nakakalokong hiyaw mula sa grupo niya.
Maabot lang talaga kita, kamao ko ang magiging almusal mo!
Pero hindi ako umabot man lang sa kanya dahil may malakas na pwersa mula sa aking braso ang pumigil sa akin. Marahas akong lumingon para tingnan kung sino ‘yon. It was Juancho, who looks worried and afraid with my actions.
“Tama na, Mickie. H-Hayaan mo na lang sila.” Kahit sa boses niya, ramdam ko ang pag-aalala niya.
“Uyyy, ang sweet niyo naman! Ipinagtatanggol niyo ang isa’t-isa! Kakilig!” Ani Alex!
Hinarap ko sila, “Bwisit kayo!” Sigaw ko.
“Mickie, tama na!” Si Juancho ulit.
“Tama na raw kasi, prinsesa! Pinipigilan ka na nga ng jowa mong palaka eh!” Muling hirit ni Alex. Naghalakhakan silang dalawa ni Rowell at ibang mga kasama niya.
“Princess and the Frog pala mga ‘to, eh!” Dagdag ni Peter. “Halikan mo na yang palaka mo at baka biglang magkahimala, maging prinsipe pa ‘yan!”
Mas lalong lumakas ang halakhakan nilang tatlo. May naririnig na rin akong ibang mga boses, nakikitawa sa walang sawang pang-aasar nila. Pero ang iba, naririnig ko na ring umaawat.
Lalong nadagdagan ang galit ko. Mabilis na namuo ang init ng galit sa katawan ko pataas sa aking ulo. Siguradong namumula na ang leeg at mukha ko sa galit na nararamdaman. Pero hindi ko inaasahan ang mangyayari sa akin dahil imbes na sugurin ko ulit sila, namuo ang luha sa mga mata ko at hindi ko napigilan ang pagbagsak nito sa magkabilang pisngi ko.
Pambihira naman, oh. Umagang-umaga, sira na ang araw ko.
I felt Juancho tugged my hand again. Marahas ko ulit siyang nilingon. Dalawang beses siyang umiling at marahan niya akong hinihila pabalik sa upuan namin. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit imbes na sundin na lang siya, nadagdagan lalo ang inis ko. Hindi lang sa mga kaklase kong malakas mang-asar, kundi…pati na rin sa kanya.
I cannot deny the fact that Juancho is kind to me. He’s a gentleman. Even with my other classmates, he treats them with kind and respect. I witnessed that countless times. He offers his hand for help if they need it, but he helps them in a right way. Hindi iyong nang i-spoon feed siya.
Hindi nga lang talaga palaimik.
Pero siyempre, iba ang treatment niya sa akin. He’s extra caring to me. He worries for me. He…likes me.
Iyon nga lang, sa mga oras na ito, tuluyan nang kinain ng galit ang utak ko. I cannot think straight anymore because I felt being accused of taking advantage on Juancho’s affection towards me.
I harashly pulled my hand from his hold. Galit ko siyang pinukulan ng matalim na tingin. Dumoble ang takot na nakita ko sa kanhang mukha kaya nang bawiin ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya, agad ko iyong nagawa at hindi ko na naramdaman ang pagpigil niya roon.
“Bitawan mo nga ako!” Sigaw ko sa kanya. “Ikaw din kasi, eh! Buntot ka ng buntot kahit ilang beses na kitang binasted!”
I saw him hurt. I saw his tears pooled in the side of his eyes. Namumula ang mukha niya, dala ng pagkapahiya sa pagsigaw ko sa kanya. I felt a pinch of guilt with what I said but anger succumed me.
“Ligaw ka ng ligaw! Dikit ka ng dikit!” Dagdag ko pa.
But another wave of tears fell down on my cheeks. Why do I feel hurt while shouting at him?
Umiwas siya ng tingin at tuluyan nang yumuko. Bagsak ang magkabilang balikat niya, tila nawalan ng lakas dahil patuloy pa rin ako sa pagsasalita ng masakit sa kanya.
Hindi tumitigil sa paghiyaw ang tatlong bugok na mga classmates ko. Mas natuwa pa sila na nagalit ako kay Juancho.
“LQ na sila!” Si Alex.
“Hoy! Tama na nga ‘yan!” Sumigaw ang isang classmate ko.
I need to go out. I need to breath.
As I wiped my tears from my cheeks, I stormed out of the room to prevent myself from talking hurful words towards him.