3RD PERSON POV "TRIX!" masayang sigaw ni Tristan at mababakas sa mukha nito ang ginhawa nang makita nito si Cleo. Mabilis itong tumakbo palapit sa kinalalagyan nito dala ang eco bag na may lamang tanghalian. Sinalo naman ito ni Cleo na bukas ang mga braso, niyakap din nito ang maliit at payat ni Tristan na katawan habang tiningnan kung may masakit ba sa kanya. "Trix, okay lang ako haha tama na nakikiliti na ako ih," natatawang ani Tristan, habang pinipigilan ang paggapang ng kamay ni Cleo sa katawan nito. "T-Trix?" hindi makapaniwalang bulong ng mga ito. "S-Si Boss?" takot na nagkatinginan pa sa isa't isa ang dalawang gwardya. Nang masigurado na ni Cleo na okay naman si Tristan, naniningkit ang mga mata nito sa galit habang nakatingin nang deretso sa dalawang gwardya. Nang makita na

