3RD PERSON POV Nang matapos sila kumain, narito siya sa kandungan ni Cleo at kumportableng nakaupo doon habang nagsisimula naman magtrabaho ito. Nakadantay ang mukhang niya sa tapat ng puso nito at nakapatong naman ang kanyang kamay sa dibdib nito habang abala ito sa pagbabasa ng mga papeles na nasa folder. Wala naman siyang naiintindihan sa mga nakasulat doon kaya pumikit na lamang siya at tahimik na nakikinig sa mapayapang pintig ng puso ni Cleo. Dahil sa katahimikan ng paligid, hindi niya mapigilan ang isipan na mapadako na naman sa kaibigan niyang si Ronan. Sobra na talaga ang pag aalala niya dito, pakiramdam niya ay nasa panganib ang kalagayan nito sa lahat ng oras. Hindi na rin naman siya nagtataka sapagkat sangkot sa droga ang trabaho nito, lagi talagang nasa panganib ang buhay n

