3RD PERSON POV Mula nang mapag usapan nila ang dapat gawin tungkol sa issue ni Ronan, nangako si Tristan na magfo-focus muna siya sa ibang bagay at gawain para di na mag alala pa at ipaubaya na sa mga pulis ang pagtugis sa grupo ng d**g lord na si Baron. Lumipas ang mga araw na tahimik naman ang kanilang pamumuhay. Masaya silang dalawa ni Cleo kahit sila lamang ang magkasama sa araw-araw. Sanay na din naman siya sa pagiging house wife sapagkat lahat naman ng kanyang ginagawa ay parang trabaho na nga ng isang asawa. Nahihiya man siyang aminin pero parang ganun na nga. 'Balak ko ba talagang maging isang house wife?' tanong pa niya sa isipan habang nakatingin kay Hamlin na abala sa paglalaro at paghabol sa mga paru-paru sa garden. Narito din siya at nakaupo sa damuhan para naman makalang

