3RD PERSON POV Makalipas ang ilang oras na byahe dahil sa traffic, nakarating na sila sa wakas sa police station. "Officer, is there any news?" Tumango naman ang pulis at ginabayan sila na umupo sa dalawang silya sa harap ng table nito. "Si Baron Grassini ang may hawak ng isa sa mga pinakamalaking d**g cartel dito sa bansa, kalat na kalat ang mga tauhan nito sa maynila at iba pang kalapit na probinsya. Ang mga droga na hawak nito ay sariling gawa na dito mismo sa bansa." pagpapaliwanag pa ng pulis sa kanila. Napatango na lang sila habang seryosong nakikinig. Ni si Tristan ay hindi makapaniwalang isang napakalaking personalidad pala nitong si Baron pagdating sa illegal na negosyo. Hindi na rin naman siya nagtataka sapagkat, ilang buwan din siyang nagtrabaho sa Billie's bar pero isang

