TRISTAN POV Nang gabing iyon, hindi ko muna inisip ang tungkol sa sinabi ni Ronan, alam ko namang hindi bakla si Cleo hindi nya ako kayang hawakan at makipag talik sakin, mabait lang talaga ito at malambing kaya mahilig ito yumakap at humalik. 'Bukod pa doon, isang malaki at kyut na Bear ang tingin ko Cleo, kaya... kaya hindi ko sya nakikita kagaya ng sinasabi ni Ronan.' Sa totoo lang, yun man ang nasa isip ko magdamag pero heto ako ngayon, walang tulog dahil sa pagkailang na aking naramdaman habang magkatabi kami kagabi. Kawawa naman si Cleo, pinag iisipan ko sya ng ganung mga bagay. Nakakahiya talaga. Sorry Cleo. Napailing na lang ako habang nagluluto ng agahan, alam kong hindi pang mayaman na mga pag kain ang kaya kong lutuin pero masaya ako dahil kinakain pa rin iyon ni Cleo. S

