Chapter 12

2392 Words

3RD PERSON POV OFFICE "Good morning, ma'am," magalang na bati pa ng gwardya sa babaeng pumasok sa building ng kumpanya na pagmamay-ari ni Cleo. Dumeretso na ito sa private elevator para magtungo sa office ni Cleo, siguradong mangungulit na naman ito at magrereklamo. Simula kasi nang makilala ni Rizzy si Heimich dito. Hindi na siya nito tinigilan. Kahit bilang kaibigan na lamang kung di talaga sya kayang mahalin ni Cleo ay okay na manatili lamang sya sa tabi nito. Nang makarating sa top floor kung nasaan ang office, naglakad siya sa carpeted floor patungo sa silid nito. Nagtaka siya pagkatapos ng ilang katok na ginawa pero wala pa ring nagbubukas, hinawakan at pinihit din niya ang doorknob pero sarado ito kaya naman naglakad siya pabalik sa may table ng secretary ni Cleo na si Jude.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD