Chapter 2

2060 Words
3RD PERSON POV KAHIT hindi lumingon, marinig lamang niya ang boses nito ay alam na niya kung sino ang taong ito. "Alam kong napaka-insensitive ng mga sinabi ko kanina." Habang nakatitig sa baso ng vodka na hawak ay inisip niya ang mga sinabi nito kanina. Buong maghapon ay pinag isipan talaga niya ng maayos ang lahat na halos sumabog na ang kanyang ulo. "No, I think you're right," bulong pa niya. Sya na nga lamang ba ang humahawak at kumakapit sa paniniwala na buhay pa ito makalipas ng mga taon na lumipas. Siya na nga lamang ba ang di maka-move on? Dahil ba talaga sa pagmamahal kaya hindi sya makalimot o dahil baka naman guilty at sinisisi pa rin niya ang sarili hanggang ngayon? "Ano ba talagang nangyari, Cleo? Bakit di mo sya mapalaya?" 'Ano nga ba ang nangyari nang gabing iyon?' MAY isa pang dahilan kung bakit hindi pwede magtrabaho si Tris, una dahil ayaw niyang mapagod ito pangalawa ay dahil mahina ang katawan nito. Mula pagkabata ay sakitin na talaga si Tristan, hindi ito pinalalabas ng mga magulang sa bahay kaya naman limitado ang mga nagiging kaibigan nito. Pero kahit ganun, mula pa lamang nang una niyang makita ito noon ay sinabi na niya sa sarili na magiging matalik silang kaibigan at laging magiging magkasama. Nagkatotoo naman iyon sapagkat kahit anong hirap sa buhay ay na nanatili pa rin silang magkasama. Sabi nila ang buhay daw ay puno ng pagdadalamhati at hirap. Minsan dadating ang mga pagsubok na halos magpapadapa sayo at magpapasuko. Para kay Cleo, masasabi niyang totoo ang bagay na iyon sapagkat naranasan na nila iyon noong 3rd year high school pa lamang sila, isang normal na hapon. Umuwi siya sa kanilang bahay matapos ang nakakapagod na trabaho. Pagdating niya ay nakakapagtaka na walang Tris na sumalubong sa kanyang pagdating. Napuno ng kaba ang kanyang puso, mabilis siyang pumasok ng bahay at natagpuan niya itong nakahiga sa kawayan na higaan nila. "Tris, anong nangyayari?" nagmamadali niyang saad habang tumatakbo palapit dito. Pawisan ito at mukhang nahihirapan, sinalat niya ang noo nito at nanlaki ang kanyang mga mata sapagkat inaapoy ito ng lagnat. Natataranta na siya, hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Pero habang nakikita niya ang paghihirap nito ay mas lalo pa siyang nasasaktan. Minabuti niyang lumapit sa mabait nilang kapit bahay na si aling lela para madala si Tris sa ospital. Doon nalaman niya na may dengue pala ito. Malala ang kalagayan nito at kinakailangan na masalinan ng dugo. Parang mababaliw siya sa pag iisip kung saan kukuha ng pera pang gastos. Napara dami ng babayaran, sa ospital, sa mga gamot at iba pa. Nagawa na niyang lumapit sa mayor, konsehal at sa lahat makahingi lang tulong. Nagamit na rin niya ang kaunting ipon nila, nakapangutang na rin siya sa kanyang mga amo sa trabaho pero kulang pa rin ang lahat. Makalipas ang dalawang linggo, maayos na ang kalagayan ni Tris. Nagpapahinga ito ngayon habang hinihintay nila ang resulta. "Tris, ito kain ka ng apple," aniya habang sinusubuan ito. "Salamat Trix," nakangiti nitong turan sa kanya. Makita lang ang mga ngiti nito muli ay parang nawawala lahat ng kanyang problema. Masaya siya sapagkat magaling na ang pinakamamahal niya. Habang nagbabalat ng prutas ay nabigla siya sa tanong nito. "Trix, san ka kumuha ng pangbayad sa blood transfer?" "A-Ah, wala naman Tris, galing sa donation ang dugo na iyon. Wala akong ginastos," kinakabahang sagot pa niya dito. Hindi sya makatingin ng deretso sapagkat malalaman nitong nagsisinungaling siya. Nanatili na lamang siyang nakayuko habang nakikipag usap dito. Sinusulyapan na lamang niya ito kung kinakailangan. Maya-maya pa ay naisip niyang umuwi muna para makakuha ng damit. Habang naglalakad pauwi ay napapangiti siya sapagkat akala niya ay maayos na ang lahat lalo na at mukhang magaling at wala na sa kapahamakan si Tris. Pero dun siya nagkakamali. Gulat at nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang nakatambak sa harap ng bahay ang kanilang mga gamit. Mabilis niyang hinanap ang landlord para kauspin. "Bakit ngayon nyo pa kami papalayasin, maawa naman kayo, kagagaling ko lang sa ospital----" "---- wala akong pakialam, dalawang buwan na kayong di nakakapagbayad ng bahay," mataray at galit na saad pa nito. "Pakiusap po, may sakit pa si Tris, san kami tutuloy pag pinalayas nyo kami," Nakaluhod na saad pa nito dito. Nangingilid na ang kanyang mga hula pero kailangan niyang tibayan ang kanyang kalooban. Siya lamang ang pwedeng asahan ni Tris wala ng iba pa. Pero imbis na umimik ay walang gana lamang siyang tiningnan nito at saka nagsalita. "Kunin nyo na ang mga gamit nyo, may bagong titira na sa unit na yun," walang awang saad nito sa kanya sabay talikod. Gusto niyang umiyak at magmakaawa pa pero alam niyang di na mababago pa ang isip nito. Tulala at malungkot na tumayo siya mula sa pagkakaluhod. Naglakad siya pabalik sa harap ng dati nilang bahay at unti-unting kinuha ang kanilang mga gamit. Hindi niya alam kung paano haharapin at sasabihin kay Tris na wala na silang matutuluyang bahay. Abot na naman sa sukdulan ang kanyang problema. Hindi niya napansin na makarating na pala siya sa loob ng kwarto ni Tris. Tulala kasi siyang naglalakad patungo doon. "Trix, okay ka lang?" Mabilis siyang natauhan dahil sa tanong na iyon. Ngumiti siya na parang walang problema at saka lumapit dito. "Haha wala naman Tris ko, hintayin na lang natin ang resulta sa ngayon," aniya sabay g**o sa buhok nito. Nagkukwentuhan sila bilang nagpapalipas sila ng oras nang bigla namang may kumatok at pumasok sa kwarto. Ang doktor na pala iyon kaya umaayos na siya ng upo at handa nang alamin ang resulta. "Good afternoon, masaya akong ibalita sa inyo na negative na ang resulta ng lahat ng mga test." Nakahinga siya ng maluwag at nagpasalamat sa doktor. Ngumiti naman ng maganda ito bago sabihin na pwede na idischarge ang pasyente mamaya. Dahil sa tuwa ay nakalimutan na niyang sabihin kay Tris ang tungkol sa problema. Maya-maya, naihanda na nila lahat ng kailangan sa paglabas nito sa ospital, dun niya naalala na wala pala silang uuwian na bahay ngayong gabi. Ayaw naman niyang lumaki pa lalo ang bill nila sa ospital kung magtatagal pa sila kaya nagpasya na siyang ipagpatuloy ang pag alis. Habang naglalakad sila sa kalsada. Kahit nahihiya at nag aalinlangan ay sinabi na niya ang kanilang tunay na sitwasyon. "Tris, pasensya na pero --- pinalayas na tayo sa bahay," napapakamot sa ulo na saad niya habang inaalalayan ito. "Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Trix a-ako ang may kasalanan ng lahat," naluluhang sabi nito kaya napatigil sila sa paglalakad. Madilim na at malamig, wala silang matutuyan na lugar kaya nagpasya na lamang muna na manatili siya sa ilalim ng tulay. Naghanap siya ng karton at duon pina upo si Tris, ibinaba din niya ang lahat ng mga bag at gamit na dala saka tumabi dito. "Hays, Tris ko wala kang kasalanan, di mo ginusto na magkasakit." pagpapatahan pa niya dito. Mas nasasaktan siya pagnakikitang malungkot ito. "Pero kung sana sumama ka sa mama mo noon, sana maayos ang buhay mo ngayon," pahayag pa nito. Napangiti naman siya. "Ano bang sinasabi mo, kahit anong mangyari di ako nagsisisi na ikaw ang pinili ko," Aniya habang inihihiga ito sa kanyang dibdib. Tunay ang sinabi ni Tris, nang mga oras na naghiwalay ang kanyang mga magulang ay isinasama siya ng kanyang ina sa Germany pero nagpa-iwan siya dito sa bansa para makasama si Tris. Para sa kanya kahit anong hirap ang pinagdadaanan niya ngayon ay ayos lang basta magkasama sila. Mula sa pagkakayakap at paghaplos niya sa buhok nito ay napansin niyang nakatulong na pala ito. Siguradong mahina pa rin ang katawan nito dahil sa sakit kaya hinayaan niyang makapagpahinga ito. Habang pinagmamasdan ang maamo at payapa nitong mukha ay doon niya naramdaman ang awa sa kalagayan nila ngayon. Hindi na niya napigilang mapaluha dahil sa mga pangyayari sa kanilang buhay. "Hindi ito ang buhay na gusto ko para sayo Tris ko." bulong pa niya. "P-Pangako, pagnakatapos tayo ng high school, magtatrabaho na ako ng full time. Pag aaralin kita sa college, tapos magtatrabaho pa ako lalo para makapagtayo ako ng bahay para sa ating dalawa. M-Makakain din tayo ng masasarap na pagkain---" hirap man pero pinipigilan niyang magpadala sa kanyang emosyon. "-----magiging maayos din lahat Tris ko, kaya wag ka sanang susuko," aniya sabay halik sa ulo nito. Matapos ng pagpapalipas nila ng magdamag sa ilalim ng tulay ay nagpursige siya na maghanap ng malilipatan na bahay. Ayaw niyang manatili pa sila sa lugar na iyon, bukod sa madumi ay siguradong hindi makakapahinga ang Tris niya doon, kailangan nila ng maayos na matitirahan. MAKALIPAS ng isang linggo, nakahanap din sila ng maayos na mauupahan. May bahay na ulit sila. Magaling na din ang Tris niya mula sa sakit nito. Masaya na ulit siya kahit baon sa utang. Medyo nagpaparamdam natin ang mga taong inutangan niya. Isang gabi pagkalabas niya sa trabaho ay napansin niyang may mga kahina-hinalang tao sa labas ng shop. Hindi sana niya papansin ang mga ito ng biglang lumapit ang mga ito papunta sa kanyang dereksyon. "Bibigyan ka pa namin ng dalawang linggo ha. Pag di ka nakabayad malilintikan ka samin," bulong pa ng isa habang pinalilibutan siya ng halos tatlo pang mga lalaki. Napatango na lamang siya, nagawa pa siyang banggain ng isa na para bang nagyayabang. Ito ang bagay na hindi niya nasabi kay Tris, dahil kailangan ng malaking halaga dahil sa pagsasalin ng dugo ay nagawa niyang kumapit sa patalim. Umutang siya ng pera kahit napakalaki ng interes nito. Wala na talaga kasi siyang pagpipilian sa mga oras na iyon. Habang namomoblema siya kung saan kukuha ng pangbayad sa lahat ng utang ay nagdilang anghel naman ang isa niyang kaibigan. Ayon dito, may barge na dadaong sa pier. Kailangan ng mga kargador. Malaki ang sweldo dahil mga foreigners ang may ari ng barkong iyon. Halos umabot sa langit ang pasasalamat niya, sa wakas ay may pagkukunan na siya ng pangbayad. "Yun nga lang pre, isang linggo ang trabaho. Kasama ka pati sa pagdedeliver nun." "A-Ah ganun ba, sige pag uusapan muna namin ng Tris ko. Tatawagan na lang kita pag sasama ako," aniya sa kaibigan. Napangisi pa ito sa kanya dahil parang isang under na asawa siya na kailangan pang magpaalam sa misis nito. Wala naman siyang pakialam kung anong tingin nito sa kanya. Basta makabayad sila sa utang at maging maayos na ulit ang buhay nila. Umuwi siya sa kanilang bahay at masigla naman siyang sinalubong ng mahal niya. ∆∆∆ "Iniwan mo sya?" tanong pa sa kanya ni Rizzy. "Yeah, and that's my ultimate mistake," sagot niya sabay lagok ng alak. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa kanyang alala ang lahat ng nangyari. Malungkot man pero wala siyang nagawa kundi umalis. Habang paakyat ng barko ay tumatakbo pa rin sa kanyang isipan ang sinabi ng Tris niya bago siya umalis. 'Trix, hindi ko kailangan ng kahit anong pasalubong, basta umuwi ka lang ng ligtas sakin.' Hindi niya mapigilang mapangisi dahil sa pahayag na iyon ng mahal niya. 'Kaunting sakripisyo lamang naman ito, matapos ng isang linggo ay makakauwi at makakasama ko din sya.' Kahit mahirap ay tiniis niya ang pangungulila. Sa loob ng isa't kalahating linggo ay hindi manlang siya makatawag sapagkat mahina ang signal sa barko. Tumagal din ng ganun ang trababo niya dahil nagkaroon ng aberya kaya nadelay ang pagdaong ng barko. Gabi na nang makababa sila sa barko. Parang mapupunit ang labi niya sa saya ng iabot na sa kanya ang sweldo na punaghirapan niya. Nagmamadali siyang umuwi para makita at makasama muli ang Tris niya. Alam niyang galit ito sapagkat natagalan siya pero kahit ganun, dadaanin na lamang ito sa lambing at sa pasalubong. Bago umuwi ay dumaan muna siya para bumili ng paborito nitong empanada at iba pang pasalubong. Halos mga alas nuebe na ng gabi nang makauwi siya. Habang naglalakad papasok sa kanilang compound ay may napansin siya. "Bakit kaya ang daming kotse ng pulis dito?" bulong pa niya. Sa paglalakad niyang iyon ay may nakasalubong siyang isang kapit bahay. Gulat at nagmamadali itong lumapit sa kanya. "Utoy! Buti bumalik ka na!!!" "Ano pong problema manong gureng?" Nagtataka pa niyang tanong dito. Ang sumunod na sinabi nito ang nagpaguho sa kanyang mundo. "May nangyaring masama kay Tristan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD