Chapter 3

1588 Words
3RD PERSON POV PARANG malakas na bomba na sumabog ang dating ng balitang iyon sa kanya. Sa bilis ng kanyang pagtakbo ay nasira na ang plastic bag na kanyang dala. Wala siyang pakialam kahit nahuhulog na ang lahat ng pasalubong niya para kay tris. 'KAILANGAN KONG MAKA-UWI AGAD!!!' yan lamang ang bagay na tumatakbo sa kanyang isipan habang binabagtas ang daan pauwi sa kanilang bahay. Humahangos at pawis na pawis siya nang makarating sa kanyang destinasyon. Ang kanilang unit sa apartment ay napapalibutan ng mga tao, mga pulis at iba pa. "Makikiraan po!" "Padaanin nyo ako!" sigaw pa niya sa mga taong nakaharang habang pilit nakikipag siksikan palapit. Nang makapunta na siya sa harapan ay nagsimula na siyang tumakbo papasok sa kanilang bahay para hanapin ang lalaking pinakamamahal niya, kaso hindi niya iyon nagawa ng harangin siya ng mga pulis. "Bitawan nyo ko!!! -- Ano ba!" pagpupumiglas pa niya habang pinipigilan siya mg mga pulis. "Utoy, crime scene ito hindi ka pwede lumapit," inis na saad sa kanya ng isang pulis. "C-Crime scene?" hindi makapaniwalang tanong niya dito. Parang sasabog ang ulo niya dahil sa mga bagay na sabay sabay na nangyayari at tumatakbo sa kanyang isipan. "Anong nangyari, Cleo?" hindi mapakaling taong ni Rizzy sa kanya habang seryosong nakikinig sa kanyang kwento. "He was abducted by my creditors," nakayuko naman niyang sagot dito. "Nang gabing iyon lamang natagpuan ng aming mga kapit bahay ang nangyari kaya noon lang sila tumawag ng pulis. Ang loob ng bahay namin ay magulo, may mga bakas din ng dugo at iba pa--" "---sinubukan kong kausapin yung mga kidnappers pero hindi na nagparamdam ang mga ito." ISANG linggo ang nakalipas mula ng mangyari iyon, hindi niya inaasahan na babalik makalipas ng ilang taon ang kanyang ina. Ipinaalam niya ang nangyari at tinulungan siya nito. Linggo na ang lumipas hanggang sa naging buwan pero wala pa rin silang balita. Ramdam niya ang sakit at lungkot na unti-unting lumalamon sa kakaunti niyang pag asa. Ang bawat araw na dumadaan ay parang isang malaking parusa. Pinipilit niyang tibayan ang sarili, kalooban at isipan habang nagpapatuloy sa paghahanap. Nararamdaman kasi niya na kaunti na lamang at bibigay na ang kanyang isipan. Kaunti na lang at mababaliw na siya sa lahat ng nangyayari. Makalipas ng ilang buwang walang tigil na paghahanap ay nahuli na rin sa wakas ang mga taong dumukot kay Tris. Halos mapatay niya ang mga ito sa bugbog kung di nga lamang siya inawat ng mga pulis at ng kanyang ina nang magharap sila sa prisinto. "NASAAN NA SI TRIS!!!" "IBALIK NYO NA SYA SAKIN!!!" galit at nagtatangis ang mga bangang na sigaw pa niya sa mga ito. Akala niya ay ayos na ang lahat sapagkat nahuli na ang mga salarin, pero di niya inaasahan ang sunod na sasabihin ng mga ito. "P-Patay na siya, nagalit ang boss namin kaya iniligpit na ang batang iyon ilang buwan na ang n-nakalipas. Yung bangkay ay itinapon namin sa isang ilog sa bandang nort---" nakayukong pag amin ng isa. Habang nagsasalita ito ay wala nang boses o kahit anong ingay ang kanyang naririnig isang bagay na lamang ang umiikot sa kanyang isipan. PATAY NA PATAY NA? "HINDI YAN TOTOO!!!-- ILABAS NYO SYA!!!" nagwawalang aniya habang lumalandas pababa sa kanyang mukha ang masaganang luha. Kahit anong pigil ng mga lahat ay di na kinaya ang kanyang pagwawala. "C-Cleo tama na, please!" umiiyak na turan ng kanyang ina. Pero ang lahat ng ingay sa paligid ay parang naglalaho sa kanyang pandinig. Ang pag awat at pakikiusap ng lahat ay hindi na niya napapansin pa. Matapos ang tagpo na iyon, napakabilis na ng mga pangyayaring sumunod. Halos di na niya maalala kung ilan nga bang psychiatrist at counselor ang kumausap sa kanya. Ilan na nga bang mga rehabilitation at mental institution ang kanyang pinanggalingan para lang maging kung sino siya ngayon. Para lang makabangon siya sa pagkawala ng taong iyon. Habang idinedetalye niya ang mga pangyayaring iyon ay bumabalik na naman sa kanyang isipan ang sakit at pagdadalamhati na naranasan niya noon. Para maibsan ang kanyang pinagdadaanan ay nakaramdam siya ng mahinang paghaplos sa kanyang likodan. Nakangiti pero nangingilid ang mga luha nito habang nakatingin sa kanya. "I-It's not your fault Cleo, ginawa mo na ang lahat," pabulong na saad pa nito sa kanya habang patuloy na hinahaplos ang kanyang likod. "No, I-If only I hadn't left him. Sana buhay pa siya ngayon at magkasama kami," aniya habang pumapatak ang luha sa kanyang mga mata. Ang sakit, bigat ng kalooban na tiniis niya ng mahabang panahon ay hindi niya mapigilang lumabas at bumuhos ngayon. Napasubsub na lamang siya sa mesa ng bar habang tumatangis. MAKALIPAS ang ilang sandali ay medyo maayos na ang kanyang pakiramdam. "Thank you," aniya kay Rizzy. Kung hindi nito siguro gusto na maging fiance siya, baka pwede pa niya itong ituring na kaibigan. Ngayon lamang siya nagkaroon ng taong aalalay sa kanya at makikinig. "No worries, I'll always be here for you Cleo," nakangiti namang sabi pa nito sa kanya. "Naiintindihan ko na ang nararamdaman at pinagdadaanan mo ngayon, pero hindi mo ba naisip na ikaw lang ang nagkukulong sa sarili mo hanggang ngayon sa nakaraan?" Natigilan naman siya dahil sa pahayag nito. "Cleo, pito o walong taon na ata ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenteng iyon. Sana palayain mo na si Tris, para mapalaya mo na rin ang sarili mo," parang nagmamakawala na anito habang nakatitig sa kanyang mga mata. Alam niya at nararamdaman na halos wala nang patutunguhan ang lahat ng kanyang ginagawa pero may parte ng pagkatao niya na nagsasabi na wag siyang tumigil, na mahahanap din niya ito. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapaiwas ng tingin kay Rizzy bago magsalita... "I-I know but I can feel that he's still alive. I just need to find him." "Hays, hopeless ka na Cleo," hindi makapaniwalang sabi pa nito sa kanya. "I'm really sorry for ---" "No, please pag isipan mo muna, di ba mamayang madalimg araw na ang huling misa ng simbang gabi?" Anito sabay abot sa kanya ng isang piraso ng papel. "Yeah and what's this?" "Mamaya kapag ako ang pinuntahan mo imbis na ang misa, It's only mean one thing. Ako ang pinili mo at pinalaya mo na si Tris. So please think about it Cleo." ---------+++ Pag uwi niya sa kanyang bahay ay kahit makakaramdam na ng antok at pagod ay mas pinili niyang dumeretso sa kwarto na ipinagawa niya para kay Tris. Ang kwartong ito ay may asul na pintura tulad ng paboritong kulay ng mahal niya. Marami ding stuff toys dito at mga regalo. Bawat pasko, birthday, new year at kahit valentines day ay bumibili siya ng regalo para dito. Mula noon kasi ay iniisip niya na matatagpuan pa rin niya ito. Mahahanap at magkakasama ulit silang muli. Ang bahay na ito ay ipinagawa niya katulad ng pangako niya noon. May malaki at maganda na nga siyang bahay, maraming masasarap na pagkain. Pero yung nag iisa namang tao na pinaglalaanan niya ng lahat ng ito ay wala. Pagod at pasuray suray siyang lumapit at humiga sa malambot na kama ni Tris. Napangiti siya ng mapait habang tumutulo ang kanyang luha. 'Siguro kung narito ang Tris ko, magugustuhan niya ang higaan na ito. Malambot, mabango at kumportable.' Bago siya lamunin ng antok at kadiliman ay nagawa pa niyang bumulong. "Kailangan na nga ba kitang kalimutan?" 3:20 am, narito na siya ngayon sa loob ng kanyang sasakyan. Naka upo lamang at nag iisip. Kung pupunta siya sa restaurant, ibigsabihin ay pinili niya si Rizzy at handa na niyang kalimutan si Tris. Kung dadalo naman siya sa huling simbang gabi. Ibigsabihin si Tris naman ang pinili niya. "Arrggh, sakit sa ulo!" Hindi niya alam kung ano ang desisyon na dapat niyang gawin ngayon. Pero habang nakasandal at nakapikit sa loob ng sasakyan ay bigla niyang naalala ang panaginip kanina lamang. "Trix." malambing saad ng isang boses mula sa di kalayuan. "T-Tris ikaw ba yan?" tanong pa niya habang pilit inaanig ang pigura ng isang tao na natatakluban ng usok. "Namiss mo ba ako?" humahagikgik na tanong pa nito sa kanya habang naglalakad palabas sa usok. Nang masilayan niya muli ang maganda at maamo nitong mukha ay hindi na niya nagawa pang makagalaw. Lumapit ito sa kanya at inabot ang kanyang pisngi, likas siyang matangkad sa sukat at tangkad na 6'1 habang ito naman ay 5'4 lamang. Tanda niya noon na lagi siyang napapagkamalan na matanda na dahil sa mature niyang itsura, habang si Tris naman ay nabiyayaan ng baby face na mukha at maliit na pangangatawan. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya dahil sa galak na masilayan muli ito. "Wag ka nang umiyak Trix, hindi mo kasanalan ang lahat," anito habang tinitingnan ang kanyang ekspresyon. "P-Pero Tris ---" "Hindi, pakiusap wag mong sisihin ang sarili mo." Nanlaki ang kanyang mata ng mapansin na unti-unti na itong naglalaho. Kahit anong kapit at hawak niya at nalulusaw ito na parang isang usok. Bago ito tuluyang maglaho ay nakangiti itong humalik sa kanyang pisngi sabay bulong ng... "Sana mapatawad mo na ang sarili mo at wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita, Trix ko." Napamulat siya mula sa pagkakapikit. Dahil sa panaginip na iyon ay humantong siya sa isang desisyon. Inayos niya ang sarili at binuhay ang makina ng sasakyan ng nagmaneho patungo sa napili niyang destinasyon. Ilang sandali pa ay nakarating na din siya sa lugar na iyon. "Cleo?" gulat at di makapaniwalang turan ni Rizzy ng makita siya. "Hey."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD