Chapter 4

1530 Words
3RD PERSON POV MABILIS na tumayo si Rizzy sa kinauupuan nito para salubungin siya. "Cleo, i-ibigsabihin ba nito ay ---" "No, I---" BLAHHHGGG!!! Isang malakas na ingay mula sa parking lot ng restaurant ang kanilang narinig. Nagmamadaling lumabas ang ilang crew ng lugar ganun din ang mga guards. "Tsk, bwisit talaga ang mga batang hamog na yan. Lagi na lang nang gugulo," Rinig niyang bulong pa ng isang crew sabay lapit sa kanila para kunin ang kanilang order. HABANG nag uusap si Cleo at Rizzy sa loob ng restaurant ay may isang kaganapan na nangyayari sa labas lamang. Sa parking lot ng restaurant ay may nagaganap na habulan. Mabibilis na yabag ng paa at mga sigawan ang maririnig sa paligid. Pagod at habol ang hininga na nagtago ang isang lalaki sa likod ng isang sasakyan. "MGA ENGOT HANAPIN NYO!!!" Pinipigilan niya ang malakas na paghinga sapagkat baka mahanap siya ng mga taong humahabol sa kanya. "BOSS, DITO KAMI MAGHAHANAP!!!" rinig pa niyang sigaw ng mga kasamahan nito. Napaupo siya habang nakatapat sa puso niya na parang lalabas na sa kanyang dibdib dahil sa bilis at lakas ng pintig nito ang nanginginig niyang kamay. Kahit malamig ang paligid sapagkat iilang araw na ang pasko ay ramdam pa rin niya ang init at pagtagaktagak ng kanyang pawis dahil sa kaba. Sa isang kamay ay mahigpit niyang hawak ang kaunting perang pinagbentahan ng mga kandila at sampagitang tinda. Alam niyang pagnahap siya ng mga sigang iyon ay bubugbugin siya at kukunin ang kaunti niyang pera. Pinaghirapan niyang itinda at kitain ang perang ito kaya wala siyang balak na ibigay na lamang ito ng biglaan. Habang nagtatago ay nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat ng maramdaman at marinig ang papalapit na yabag ng paa papunta sa kanyang pinagtataguan. Dahil sa pagkataranta ay mabilis siyang lumipat ng lugar at nagtago sa isa pang kotse. Hindi niya inaasahan na sa pagtakbo niya ay nakita pala siya ng isa sa mga ito. "BOSS NAKITA KO NA SYA!!!" "DITO BILIS!!!" Parang mahihimatay siya sa takot at kaba, di na niya alam ang gagawin kaya nagtatakbo na lang ulit siya. Kaso mukhang napapalibutan na ng mga ito ang buong lugar. Sa pagliko niya ay may napansin siyang isang bagay. Puno ng pag asa na napangiti siya nang makita na bukas ang trunk ng isang sasakyan. Mabilis siyang pumasok dito at nagtago. Mula sa labas ng trunk ay rinig niya ang pagdaan ng mga ito. Halatang di makapaniwala sa kanyang biglang pagkawala. "Boss, hindi na namin sya mahanap." "MGA ENGOT PANO KAYO NATAKASAN !!!" Dahil madilim ang paligid ay hindi na siya makita ng mga ito. Dahil sa galit ay narinig pa niya ang malakas at galit na sigaw ng boss ng mga ito. "MAKIKITA KA DIN NAMIN---- ---- TRISTAN!!!" Nakatakip sa kanyang bibig ang isang kamay para di marinig ng mga tao sa labas ang ang malalim niyang paghinga. Mabilis at malakas pa rin ang t***k ng kanyang puso pero ngayon, kahit papaano ay may seguridad siyang nararamdaman habang nagtatago. Maya-maya pa nang maramdaman niyang nakaalis na ang mga humahabol sa kanya ay napasandal na lamang siya sa loob ng trunk at napapikit. 'Magpapahinga muna ako at magpapalipas ng oras, para paglabas ko mamaya wala na ang mga yun,' isip-isip pa niya. Dahil madilim sa lugar na pinagtataguan niya ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya doon. Habang mahimbing na natutulog, hindi niya lubos akalain na ang sasakyang pinagtaguan niya ay ang kotseng na may plakang TRS-143. CLEO POV Habang nagmamaneho ako paalis sa restaurant kung saan kami nagkita ni Rizzy ay hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. 'Tama nga ba ang naging desisyon ko?' naguguluhan ko pang tanong sa aking sarili habang nagda-drive patungo sa simbahan. 'Sigh, alam kong tanga na ako para piliin pa rin si Tris hanggang sa huli kahit alam kong wala namang kasiguraduhan ang lahat ng aking ginagawa.' Habang naluluhod ako sa malalim na pag iisip ay hindi ko agad napansin ang palapit na kotse sa aking dereksyon. Gulat kong nakita ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa headlights nito. Mabilis at puno ng kaba kong nailiko ang aking sasakyan para di mabangga ng kasalubong na iyon. "s**t, that was close," di makapaniwalang saad ko pa sa aking sarili habang nagpapatuloy sa pagmamaneho. Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na din ako sa simbahan. 'It's okay, this will be the last time,' bulong ko pa habang lumalabas sa aking kotse. Mabilis akong naglakad papasok sa simbahan at tumayo sa gilid para makinig ng huling misa ng simbang gabi na ito. At mukhang ito na rin ang huling beses na dadalo ako rito. Ito na ang huli kong hiling, pagkatapos nito. Pipilitin ko nang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay na meron ako ngayon. Matapos ang misa, lumapit ako sa isang bakanteng upuan at lumuhod sa baba nito para magdasal at ibigay ang huli kong hiling. 'Lord, Salamat sa paggabay mo sakin sa mga taong lumipas, kahit napakahirap ng aking pinag daanan nagpapasalamat pa rin ako at hindi naghihinanakit sa inyo--- ngayon, narito muli ako sa inyo para humiling ng isang bagay na matagal ko nang inaasam.' 'Alam ko pong ilang beses at lagi ko itong hinihiling sa inyo pero ngayon, masasabi kong ito na ang huli. Kung sakali man na hindi ito matupad, hindi ako nagsisisi at tatanggapin ko ng maluwag saking puso.' 'Lord, pakiusap gusto ko nang makita si Tris. Please give him back to me,' matapos bigkasin ang aking hiling ay dahan-dahan akong tumayo at yumuko bilang pagbibigay ng galang sa dyos. Nang makalabas ako ng simbahan ay hindi ko mapigilang di mapahinga ng malalim at malasap ang malamig na simoy ng hangin. Ewan pero pakiramdam ko ay mas maliwanag at masaya ang darating na paskong ito. Habang naglalakad ako pabalik sa parking lot ng simbahan, maraming tao na ang nakakasalubong ko, siguro ay dadalo naman ang mga ito sa sunod na misa sa simbahan ngayon, ang maiingay at masasayang mukha ng mga kabataan at pamilya. 'For sure, I will miss this simple things.' malungkot na saad ko pa. Naipilig ko ang aking ulo para mawala ang mga isipin at bagay na iyon sa aking isipan. Pinili ko ang desisyon na ito kaya kailangan kong panindigan. Sumakay ako sa aking kotse, imbis na patungo sa kompanya ay minabuti ko munang uwi sapagkat gusto kong magpahinga sa araw na ito. Habang nasa byahe ay tinawagan ko na ang secretary kong si Jude para ipaalam ang aking balak. "Copy, sir." saad pa nito mula sa kabilang linya. Ibinaba ko na ang tawag at napansin na malapit na pala ako sa aking bahay. Bumaba muna ako para buksan ang gate ng garahe atsaka ipinark sa loob ang kotse. Paalis na sana ako ng may mapansin akong isang bagay. Nagtataka akong napasilay sa likod ng aking sasakyan. 'Hmm, kanina pa ba itong bukas?' May kung anong kaba akong naramdaman ng hawakan ko ang handle sa trunk ng sasakyan. Bubuksan ko na sana tinangnan ang loob ng biglang may kumalabog sa loob ng bahay kaya nagmadali akong pumasok para hanapin kung saan galing ang ingay na iyon. "s**t, san galing ang pusang yun?" napapakamot sa ulo na bulong ko habang nakatingin sa makalat na kusina. Dahil sa pagod ng paglilinis sa kusina ay hindi ko na naalala ang tungkol sa trunk ng aking sasakyan at minabuti na lamang na magtungo paakyat sa aking kwarto para magpahinga. Hinubad ko ang damit at aking pantalon, tanging ang itim na boxer shorts na lang ang natira sa aking katawan. 'Mas kumportable akong matulog pagganito.' Dahan-dahan akong humiga at yumakap sa malambot at mabango kong unan at kumot. Dahil sa kulang na tulog at labis na pamomoblema nang mga nakaraang araw ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na magpadala sa matinding antok. Makalipas ang ilang oras, antok akong napamulat at napatingin sa alarm clock na nakapatong sa aking bedside table. '8:00am, pero madilim pa rin ang kabuohan ng kwarto. Siguro dahil sa makulimlim na panahon na dulot ng mahihinang ulan sa labas ng bahay. Kruuu~ Napaupo ako at napahimas sa kumukulo ko ng tiyan dahil sa gutom. Nag inat pa ako ng aking mga braso bago bumaba sa kama. Patungo na sana ako sa banyo para maghilamos nang may isang bagay na umagaw ng aking atensyon. Sa aking kama ay may pigura ng isang tao na natatakpan ng kumot. Hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o magagalit sa sitwasyong ito. 'May ibang tao sa bahay ko, at mismong sa kwarto ko pa.' Dahil sa inis na nararamdaman ay nagawa kong hawakan ang kumot at mabilis na hinigit ito para makita ang nilalang sa ilalim nun. . . . . . . Nang mapagtanto ko kung sino ang taong iyon ay laglag ang panga na napatingin ako dito. Mahina at pabulong kong nabigkas ang pangalan nito. "TRIS?" Habang nakatitig ako sa maamo at mahimbing na mukha niya ay hindi ko maiwasan na maalala ang kasabihan ng matatanda noon. 'Wag mong hanapin ang isang bagay, kusa itong dadating sayo' Mukhang magiging masaya na ang darating na pasko at araw-araw ng buhay ko mula ngayon. 'Kung panaginip man ito, handa kong manatili dito makasama lamang kita, Tris ko.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD