3RD PERSON POV MABILIS na nagtungo si Tris sa kanilang gate para alamin kung sino ang nagdo-doorbell at kung ano ang kailangan nito sa kanila. Nang mabuksan ang gate, nanlaki sa gulat ang kanyang mga mata habang nakatingin sa taong nasa kanyang harapan. "A-Ah-- sino po ang hanap nyo?" magalang na saad pa niya sa isang babaeng hindi niya namumukhaan. "Naku wala naman hijo, bagong lipat kasi kami dito, ayun ang bahay namin oh," anito, sabay turo sa bahay na kulay asul. 'Hala paborito ko ang kulay ng bahay nila.' "Ganun po ba, masaya po akong makilala kayo," magiliw din niyang sagot. "Kami din ng pamilya ko, nahihiya lang sumama ng aking mga anak kaya ako na lang ang nagpunta dito para makipagkilala, at dahil magiging magkapit bahay na tayo, eto may niluto akong spaghetti sana magustuha

