3RD PERSON POV Halos mawalan siya ng ulirat nang maramdaman ang dila nito na naglalaro at gumagalugad sa loob ng kanyang bibig. "Hmn--- T-Trix," pagtawag pa niya sa pangalan nito para mapigilan ito sa ginagawa, hindi siya sanay sa mga ganitong bagay kaya naman mabilis siyang naubusan ng hininga. Napansin naman nito ang kanyang paghahabol ng hininga kaya tumigil ito at lumayo nang kaunti para masilayan ang kanyang mukha na mas mapula pa sa kamatis at basa ng pawis. Masuyong hinaplos nito ang kanyang pisngi na nagdulot nang kakaibang kiliti sa kanyang katawan, napaiwas siya ng tingin dito at ibinaling sa ibang dereksyon ang mukha. Nang makabawi na siya sa pagkagulat at napagtanto na totoo ang lahat, hindi niya napigilan ang sarili na di ilagay ang kamay para itago ag mukha. "Tris ko."

