3RD PERSON POV Nanlaki naman ang mata ni Cleo sa gulat at saka inenspeksyon ang kanyang ulo. "T-Trix okay lang ako." pinipigilan niya ang kamay nito pero hindi ito nakikinig at patuloy lamang sa ginagawa. "What happen, where did you get this?" seryosong tanong pa nito at tinutukoy ang bukol sa kanyang ulo, dahil naman sa takot ay hindi na siya nakapag palusot pa at itinuro ang bolang hawak ng isang binata. Namilog naman sa takot ang mata ng mga kabataan, napailing pa ang isa na para bang hindi alam ang sasabihin. Nang oras naman ni Cleo para tumingin ng masama, parang mga batang nanliit sa kinalalagyan ang mga lalaking ito. Nauutal na nagsalita pa ang isa. "S-Si Patrick po ang may gawa," takot na anito, habang itinuturo ang dereksyon ng mayabang na lalaki. "I don't f*****g care. Do

