3RD PERSON POV Napabuntong hininga na lang siya nang maisip na isa pa iyong dahilan para hindi sumuko. 'Hm ano na bang oras na? sayang ang araw na ito kung wala akong gagawin.' Tumayo na siya mula sa kahoy na upuan sa ilalim ng puno at nagbabalak nang pumasok nang biglang marinig niya ang isang ingay. Sa halip na tumuloy sa pagpasok sa bahay ay napalingon siya habang hinahanap kung saan nagmula iyon. Wala naman siyang makita sa paligid, pero nang napatingin siya sa kanyang paanan, doon niya nakita ang isang pamilyar na bagay. 'Kilala ko ang bolang ito ah,' isip-isip pa niya habang pinupulot ito sa lupa. Nang pagmasdan niya ito, napansin niya na may nakasulat sa gilid nito. 'P.D? baka initial ng pangalan ng may ari, at sa tingin ko din, kilala ko ang may ari nito.' Nawala ang pagka

