3RD PERSON POV Si Anton, ang nag iisang anak nina Lolo Tonyo at Lola Clara. Kahit mahirap ang pamumuhay nila sa probinsya ay hindi naman nagkulang sa pagmamahal ang mag asawa at ibinigay lahat ang pag aaruga sa kanilang nag iisang anak. Pero katulad ng isang normal na kabataan, napabarkada at nadala sa masamang mga bisyo ang kanilang anak. Masama ang loob ng mag asawa dahil sa uri ng tao na kinalabasan ng kanilang anak. Matigas ang ulo nito at napakapasaway. Laging nauuwi sa pagtatalo ang mga usapan na meron sila dito. At isang araw, napuno na din si Lola Clara dahil sa asal nito kaya napagbuhatan niya ito ng kamay at nasampal ito. Matapos iyon ay galit na umalis at walang paalam ang anak nilang si Anton. Dumaan ang mga araw pero hindi ito umuuwi at nagpapakita man lang sa kanila. Na

