3RD PERSON POV "Arrg, tangna ang sakit." "Wag ka muna gumalaw, baka bumukas ang sugat mo." Nang imutan niya nang maayos ang mga mata at luminaw na ang kanyang paningin, doon niya nakita ang inis pero nag aalalang ekspresyon sa mukha ni Elton. "E-Elton?" "Oo, pasalamat ka sa akin, kundi tinuluyan ka na ni boss at malamig na bangakay ka na ngayon." "Ano bang nangyari?" nagugulang tanong pa niya dito, ang naaalala lamang niya ay ang katunayan na nawalan siya ng malay dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanyang katawan. Akala ni Ronan ay iyon na ang kanyang katapusan, ipinagpalagay na niya ang kanyang kalooban kung mamamatay man siya nang oras na iyon. At least kahit papaano ay nailayo niya si Tristan sa kapahamakan at may tao na din na nagmamahal at poprotekta dito kahit mawala man si

