3RD PERSON POV May kilabot na gumapang sa braso ni Tristan habang nakatingin sa eksenang nasa harapan niya ngayon. Akala pa naman niya ay maayos at desenteng babae itong si Elena, hindi rin pala o baka nasilaw lang sa sobrang kagwapuhan ni Cleo. Napabuntong hininga din siya nang mapansin ang masyadong revealing na bistidang suot nito ngayon dahil sa mababang collor ng damit nito na para bang sinasadya na ipakita ang malaki at malusog nitong dibdib. Nang makita ang malaking hinaharap ni Elena, wala sa sariling napatingin din siya sa kanyang dibdib pero katulad ng kanyang inaasahan, mas flat pa sa pader ang meron siya. Napailing na lamang siya dahil sa mga kalukohang ginagawa. 'Hindi ko naman gusto maging babae kaya bakit ba ako na-iinggit kung malaki ang hinaharap niya.' Bago pa siya m

