Chapter 1: New School

2556 Words
New school Sophia Pov "MISS Sophia, gumising na po kayo, ngayon po ang unang pasok niyo" Nagising ako sa sunod sunod na pag katok at pag sigaw ng isang katulong dito. Huhu inaantok pa ako! "Gising na po!" sigaw ko din pabalik, nag unat unat muna ako bago pumasok na ng cr. Ano kayang mangyayari sa new school ko? sana lang ay mag karoon ako kaagad ng mga kaibigan. Si kuya ang mag hahatid sa'kin sa new school ko dahil madadaanan naman daw yun ng university na pinapasukan niya. Akmang aalis na sana ako ng kwarto ng maalala ko na hindi ko suot ang eye glasses ko, hindi kasi ako kumportable pag wala yun at isa pa medyo malabo narin yung mga mata ko. Kinuha ko na yung eye glasses ko sa cabinet at isinuot ito, hinawakan ko din muna ang kwintas na ibinigay sakin ni Aj 8 years ago at saka itinago sa loob ng t-shirt ko. "Good morning mommy, daddy at kuya" sabi ko at isa isa silang bumeso. Umupo narin ako sa upuan ko at kumain, ang totoo medyo kinakabahan ako sa bago kong school siguradong mga mayayaman yung mga nandoon hayy nababasa ko pa naman sa mga novel na binubully lagi ang mga transfer pero duh baka si Sophia Althea Cortez yata ito walang kinakatakutan tsk tsk. Hindi ko na namalayan na nakanganga pala ako buong byahe, grabe dito sa maynila sobrang daming matataas na building puro kotse din at taxi ang kalimitang nakikita ko, malalaki rin ng mga bahay, ibang iba talaga ito sa lugar namin. "Nandito na tayo" sabi ni kuya at itinigil ang kotse sa harapan ng gate ng school. Wow! Sobrang ganda ng school ang daming building at sobrang lawak ng field ganto ba talaga pag private school? "St. Joseph International School" pagbasa ko. Naalala ko tuloy yung dati kong school siguro mga 4 na building lang tapos hanggang 2nd floor pero ito grabe para akong nag tatrabaho, sobrang malalaki ng mga building at sobrang dami ri'ng naka park na mga kotse at motor. Bumalik ang diwa ko ng tawagin ako ni kuya. "Are you okay? naka ilang tawag ako sayo pero hindi ka sumasagot" napakamot naman ako ng ulo. Hehe busy kasi ako sa pag tingin dito sa school. "Ayos lang po ako" nakangite kong sabi at inayos ang eye glasses ko na malapit ng pumatak. "Great so samahan pa kita sa loob?" tanong niya, umiling naman ako. "Kaya ko na po" sabi ko, hindi naman ako kinder para samahan pa at isa pa madali ko lang siguro mahahanap ang principal office. "Fine, so i go ahead na bye" nag paalam na sya sa'kin at saka sumakay sa kotse at umalis. So Sophia sarili mo nalang ang tutulong sayo, tara na sa office! Naka ilang oras ko na yatang nilalakad itong school at hindi ko parin mahanap ang office. Asan na ba kasi yun? Paano ko malalaman ang building at sched. ko kung hindi ko makikita yung office na yun hyss mag tanong na kaya ako? tama! tama! "Ah hello po" pag harang ko sa isang babaeng studyante dito, ngumite naman ito. "Ah hi? Kailangan mo?" tanong nya. "A-ah alam mo ba kung saan yung principal office? Kanina pa kasi akong naliligaw dito sa school eh bago lang pati ako dito" sabi ko tumawa naman sya. Hala baliw kaya 'to? "Ah so you're the transferee right?" tanong nya uli, tumango naman ako. "Okay samahan kita sa office btw I'm Maxine Coleen Lopez and you are?" "Sophia Althea Cortez" nakangiti kong pag papakilala at nakipag shake hands sa kanya. "Oh nice name Sophia huh?" Ngumite naman ako. "hehe thank you" Sumunod na ako sa kanya papuntang office, sumakay pa kaming elevator dahil 3rd floor pa pala yun at sa 1st building. Ang yaman ng school na ito grabe, sanaol may elevator. "Come in" kinig kong sigaw ng isang boses na matandang babae, binuksan naman ni Maxine yung pinto at tumambad sa'min ang isang babae na i think mga late 40 na sya. "Ms. Cortez, kanina pa kitang hinihintay" sabi nya ngumite naman ako. "So, here your schedule at nakasulat narin d'yan kung saan ang building mo and bukas maaari mo ng makuha yung uniform mo" sabi sakin ni Mrs. Rosales. Wala lang nakita ko lang yung name nya sa name plate sa table niya. "Salamat po" sabi ko at nag paalam na, mag kaklase pala kami nitong si Maxine kaya hindi na ako mahihirapang mag hanap ng building. "Buti nalang mag kaklase tayo girl" Sabi niya. "Uhm oo nga hehe" sabi ko at lumabas na ng 1st building pupunta na kaming 3rd building dahil nandoon daw ang mga 4th year highschool. "Matagal ka na bang nag aaral dito Max?" tanong ko tumango naman sya. "Yeah, actually simula nung 1st year highschool dito na talaga ako nag aaral" tumango naman ako ngayon ay naglalakad na kami sa field. "May mga bully ba dito?" tanong ko napatawa na naman sya. Ano kayang trip nito? "Hmm nice question of course hindi nawawalan dito, at karaniwang mga nerd ang binibiktima nila" napalunok naman ako ng wala sa oras, nerd? Parang saktong ako ah! "Hey natakot ba kita? don't worry hindi ka naman nila i bubully kung hindi mo sila gagawan ng 'di nila gusto except nalang pag trip nila" Patay mukang mabubully pa ako dito pero wag naman sana, nag punta ako dito para mag aral pero teka nga kanina pa nyang sinasabing nila eh. "Sino bang nila yang sinasabi mo?"tanong ko. "The handsome kings" napangiwi naman ako ano daw? Handsome king? Hahaha ang corny naman nila! "Hey don't laugh baka pag nakita mo sila mag laway ka" napairap ako, me? mag lalaway kapag nakita sila? baka nga mas gwapo pa sakanila si Aj eh! "Tsk eh pano ba naman ako hindi matatawa eh ang corny nila anyway sino sino pala yung mga yun?" tanong ko. "Mamaya makikita mo, classmate natin sila" napatango nalang ako, langya hindi ko parin malimutan yung name nila pfft- handsome kings. - "GOOD morning Ma'am Valia" pag bati ni Maxine sa isang babae, i think advicer namin siya. "Good morning din Miss Lopez and siya naba yung transfer?" tanong nung Miss Valia at saka bumaling sa'kin. "Yes Ma'am" "Okay you may sit Miss Lopez and you Miss?" tanong nya napalunok tuloy ako. "Cortez, ma'am" pag sagot ko tumango naman sya at sinenyasan akong pumasok sa classroom. Parang binobomba ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito, nyeta mag kakasakit pa ata ako sa puso dahil lang sa pag pasok sa room. Dahan dahan akong nag lakad papasok at inilibot ang tingin sa mga kaklase ko yung iba ay walang pakealam ngunit mas marami paring nakatingin sakin. Isa na don ang mga grupo ng kalalakihan sa likod. Napalunok ako sila ba yung sinasabi ni Max na Handsome kings? Sh*t ang gwa-gwapo nga pero erase erase mas gwapo parin Aj. Tama! "Can you introduce yourself Miss Cortez?" tanong ni ma'am Valia, tumango naman ako. Grabe yung kamay ko nanginginig na sa sobrang kaba, wag kang kabahan Sofie. "Goodmorning everyone hehe my name is Sophia Althea Cortez nice to meet y'all" nakangiteng sabi ko, lumaki ang ngite ni Max at pasimple pang kumaway samantalang wala paring reaktion yung iba grabe ha! "Okay, Miss Sophia you may sit beside ni Miss Lopez" Tumango nalang ako at umupo sa upuan katabi ni Maxine. Nagsimula ng mag discuss ang teacher sa harap namin at syempre kailangan kong maging active sa klase kasi transfer ako. Napapansin ko rin na parang may nakatitig sa'kin sa may bandang likuran kaya pasimple akong lumingon sa likuran ko. Nagtama ang tingin namin ng isang lalaking gulong gulo ang buhok, walang necktie at hindi ayos ang pag kakabotones ng uniform niya, medyo gwapo pero waley parin siya pag nagkita kami ni Aj. Medyo kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin, hindi naman ako nagpatalo at sinamaan din siya ng tingin. Sino ba siya sa tingin niya? ano siya hari? "What?!" sigaw niya kaya napatigil sa pag di-discuss ang advicer namin at nabaling ang atensyon ng lahat sa lalaking ito na hanggang ngayon ay masama parin ang tingin sa'kin. Ano kayang problema ng taong ito? kung makatingin sa'kin ng masama ay para bang may ginawa ako sakaniya. "What's going on Mr. Suarez?" Ma'am Valia asked. "I saw Sophia staring at me ma'am" sagot nung lalaki. Bwesit anong sinasabi nitong nakatitig ako sakaniya? kapal ng mukha ah?! kaagad akong napatayo at lalo siyang sinamaan ng tingin. "Ano?! Sira ulo kaba? Eh ikaw nga yung kanina pang nakatitig sa'kin " singhal ko dito, kinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase ko. "Ang kapal naman ng mukha ng babaeng yan!" "True, sabihan ba naman si king Alex ng sira ulo my gosh" "Bagong bago tapos sinisigawan si king Alex" "Who do she think she are?" Napairap nalang ako sa bulungan ng tao rito, yah so siya pala ang hari ng mga abnormal dito. Sabagay hindi narin naman kataka-taka, mukha siyang King. King-kong! Natawa nalang ako sa naisip, bad Sophia! hahaha. "Its that true Mr. Suarez?" Muling tanong ni ma'am Valia. "Of course no ma'am, kung tititig narin naman ako sa isang babae ay—" tinignan nya muna ako mula ulo hanggang paa bago ituloy ang sasabihin"–dun na sa maganda at sexy. Look at her, she's like an idiot" natatawang sabi nito, kinig ko na naman ang tawanan ng lahat. Gago! Napabalik nalang ako sa pag kakaupo dahil sa kahihiyan, kakainis! unang araw palang tapos napahiya agad ako ng dahil sa kaabnoyan ng Alex na 'to, tsk ang pangit ng pangalan niya, walang ka class class! "Uyy Sophia let's go na sa cafeteria" kinig kong sigaw ni Maxine sa unahan ko. Matapos ng pag kakapahiya ko kanina ay parang mas gugustuhin ko nalang na wag ng lumabas, kainis na lalaki yun eh! "Ikaw nalang wala akong gana" pag dadahilan ko bumuntong hininga naman sya at hinila ako papatayo. "Lets go na girl" sabi niya habang hinihila ako papalabas, wala narin akong nagawa kundi ang mag pahila nalang sakaniya. Hindi ko na namalayan na nakanganga na pala ako. My goodness grabe ang ganda at ang laki ng cafeteria nila! Nabaling naman ang tingin ko sa mga lalaking nag tatawanan sa isang table, yung Alex lang pala at yung mga alagad nya, hinigit na ako ni Maxine papunta sa isang table at pinaupo na ako "Anong gusto mo?" tanong niya. "Hmm sandwich nalang at juice" tumango naman sya at umorder na maya maya ay bumalik na siya sa table dala ng order namin. "What the hell??!!" Nagulat kami ni Maxine ng may sumigaw banda sa likuran namin, si Alex lang pala at may pagkain sa uniform nya at halatang galit na galit, napatingin naman ako sa babae na nasa harapan niya at nakayuko at mukang umiiyak na. "S-sorry"mahinang sabi nung babae ngunit kinig din naming lahat, napabuntong hininga naman si Alex. "Sorry? Look at my uniform you ruined it f*ck!" Galit na galit na sabi nya. Tss nagalit na siya ng dahil lang dun? What a immature he is, kinig ko din ang mga bulugan ng mga tao dito sa cafeteria. "Im sorry hindi ko sinasadya" iyak ng babae at lumuhod pa sa harapan niya. "Master you know what to do" kinig kong sabi ng isang lalaki na nakaupo sa table nila. "Master ano na?" Nakangising sabi naman nung isa. "Go master bwhahahahaha" "Here master spaghetti masarap 'yan" kinuha naman ni Alex yung spaghetti at tinikman pa ng walangya. Pare parehas kaming nagulat sa sumunod na eksena, biruin mo naman isinampal lang naman ni Alex yung spaghetti dun sa nakaluhod na babae dahilan para lalong lumakas ang pagiyak nito pati narin ang tawanan ng iba. "Awww poor girl" "Bagay lang sakanya yan look tinapunan nya si king Alex" "Siguradong aalis na yan here sa school" "Good thing mababawasan na tayo ng mga taong cheap" Naiyukom ko nalang ang kamao ko at nanggigigil sa mga studyante dito, ayoko sa lahat ay yung mga ganyan. Lintik lang ang walang ganti. Hindi ko na masikmura ang nangyayari dito. "Sophia!" kinig kong tawag sakin ni Maxine pero hindi ko ito pinansin, kaagad kong hinawakan yung babae at itinayo. Kung hindi ba naman kasi lalampa lampa. "Yow master mukang may tagapagligtas" bulong nung isang lalaki. Nakangisi namang nakaharap sakin si Alex. Anong ngini-ngisi ngisi nito? mukha siyang sira ulo! "Hi miss transfer" nakangisi nitong sabi pinandilatan ko naman sya ng mata. " Ang gago mo talaga 'no?" Inis na tanong ko kita ko naman ang pag kunot ng noo nito at tawanan ng mga kasama niya sa table. "Master, gago ka daw" natatawang sabi nung isa inirapan naman siya nitong si Alex. "What did you say?" inis na sabi niya ako naman ngayon ang ngumisi. "Bingi kaba? O talagang tanga lang?" mapangasar na tanong ko lalong lumakas ang bulungan dito pero hindi ko sila pinansin. Kita ko naman na nanggagalaiti na sya sa galit dahil naka ikom na ang dalwa niyang kamao. "Ang epal mo rin talaga 'no?" Halata ang pag kainis niya sa'kin. "Epal? Really tignan mo nga ang ginawa mo sakanya, sinampal mo sya nang spaghetti na yan eh kung sayo ko kaya gawin yan?!" Sigaw ko, nag tangis naman ang bagang nya at konting konti nalang ay baka masapak nako nito. "Eh ano bang pakialam mo ha? Bago kalang dito at kayang kaya kitang patalsikin" "Edi gawin mo sinong tinakot mo? ngayon mag sorry ka sakanya!" Sigaw ko uli tumawa naman siya pero halata namang peke. "What if i don't anong magagawa mo?" Nakangisi muli nyang sabi, Napalunok naman ako hayy naman Sofie ano nga naman ba ang magagawa mo? bakit ba kasi nag paka bayani ka ngayon, patay ako nito. "Basta mag sorry ka nalang" dahilan ko at hindi na makatingin sakanya ng diretso. Letse patay na talaga ako nito naalala ko na matapang lang ako sa una hehe. "Tsk" kita ko naman na kumuha uli sya ng spaghetti kaya napalunok ako ng sunod sunod huhu katapusan kona. "Whoa! master akin yan" sabi nung isang lalaki na may ari ng spaghetti. "Bibilhan nalang kita mamaya" sabi niya. "Sabi mo yan ah with puto please" "Sure, balik sayo tutal nag paka bayani karin naman edi mag sama kayo" napaatras ako ng unti unti syang lumapit, akmang tatakbo na sana ako ng may dalwang lalaki na humawak sa mag kabilang braso ko. bwesit! wala na talaga akong takas nito, bakit kasi nag paka bayani pa ako? R.I.P to me. "Ano ba bitawan nyo nga ako!" Sigaw ko "Sophia!!! hoy kuya, at ikaw Arsen bitawan mo siya!" Kinig kong sigaw ni Maxine sinamaan naman siya nitong isang may hawak sa'kin sa kabilang braso kaya napalunok siya at binigyan niya ako ng sorry-look nginitian ko naman siya, tutal nagpaka bayani narin ako eh bakit hindi ko pa harapin ito huhu goodbye earth. Patay ito na yung demonyo, lumapit ito sakin at bumulong. "Know your lesson nerd" napalunok ako ng ngumisi sya, muntik na akong mapa iyak ng isampal niya sakin yung spaghetti. Ang sakit, huhu isusumbong ko sya kay Aj pag nakita kami. Tuwang tuwa syang umalis kasama ang mga alipores nya, naiiyak naman na lumapit sakin si Maxine. Gagantihan kita Alexander! END OF CHAPTER Author's Note: How's the first part? hope you like it! Thank you for reading and have a good day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD