bc

MANUEL'S INFERNO (SPG/R18)

book_age18+
248
FOLLOW
1.2K
READ
dark
possessive
billionairess
bxg
mystery
small town
crime
virgin
sacrifice
villain
like
intro-logo
Blurb

PROCEED WITH CAUTION: THIS STORY CONTAINS THEMES THAT MAY BE UNSETTLING OR TRIGGERING TO SOME READERS. READER DISCRETION IS ADVISED.

"Magmula ngayon, ang itatawag ko na sa iyo ay Karina."

Namilog ang mga mata niya sa ibinigay na pangalan sa kanya ng lalaking iyon na matayog ang pagkakatayo sa kanyang harapan. Tila kasi’y noong mga sandaling iyon ay inako na nito ang kanyang pagkatao.

Mariin niyang pinagmasdan ang kabuuan nito. Ah, wala pa rin pagbabago: matipuno at gwapo pa rin, gaya ng una niya itong nakita may limang taon na ang nakakaraan.

Sa pagpasok niya bilang katulong sa malapalasyong bahay ng taong matagal nang hinahangaan at kalaunan ay lihim na inibig, may pag-asa kayang maisakatuparan ang matagal nang inaasam na mangyari; ang mahulog rin ang loob nito sa kanya kahit pa alam niyang doble ang agwat ng edad ng lalaki?

Handa na ba si Karina sa mala-impyernong buhay na naghihintay sa kanya sa piling ni Don Manuel Guevara; ang kapitapitagang doktor, na kung gaano kaganda ang panlabas na kaanyuan ay may madilim rin na sikretong itinatago na iilan lamang ang nakakaalam?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
“Tonta!” Malakas na sampal ang dumapo sa kanyang kaliwang pisngi pagkatapos mahuli ng may-ari ng pinagtatrabahuang bakery na patago niyang kinakain ang ipinuslit na mainit-init at bagong bake na tinapay noong hapong iyon. “Pagkatapos kitang kupkupin at pakainin ay ito ang igaganti mo sa akin! Hala, lumayas ka! Hindi kita kailangan dito sa tindahan ko!” “Ho? Huwag naman ho! Nagawa ko lang naman iyon dahil hindi pa ako kumakain ng tanghalian,” pagdidipensa niya sa sarili kasabay ng panginginig ng mga kamay habang hawak ang nasaktang parte ng mukha. Nangingilid na rin ang mga luha sa kanyang mga mata. “Eh, paano? Ang kupad-kupad mong kumilos kaya naubusan ka na ng pagkain! Kasalanan ko ba iyon?” singhal ng punggok at may kalaparang babae. “Sige! Lumayas ka nang mabawasan ang palamunin ko dito!” Pinagtulakan siya nito papunta sa likurang pintuan ng establisyemento at nang makalabas ay pinagsaraduhan ng pinto. “Patawad po! Sadyang nagugutom lang po talaga ako kaya ko nagawa iyon. Hindi na po mauulit! Pangako!” kalampag niya sa pintuan nito habang wala nang patid ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga pisngi. “Ay hindi! Umalis ka na kung ayaw mong tawagin ko si Kagawad para ipa-baranggay ka! Wala kang utang na loob!” Iyon ang huling narinig niya mula rito na dahil sa takot na baka totohanin nito ang banta ay dahilan upang tuluyang lisanin ang lugar na iyon. Suot ang maruming apron na ginamit niya sa pagtulong sa paggawa ng mga tinapay kanina ay binagtas niya ang makipot na eskinita hanggang sa magpalakad lakad sa kalsada at makarating sa kalapit na palengke. Nagpalipat-lipat ang kanyang paningin sa mukha ng mga taong dumaraan doon. Inilingo niya ang mukha sa magkabilaang direksyon ng kalsada, at dahil hindi malaman kung saan pupunta ay napaupo na lamang sa isang tabi habang hikbi pa rin sa pag-iyak. Maya-maya pa ay nagulat na lamang siya nang may isang lalaking huminto sa kanyang harapan. Mula paa hanggang ulo ay napasadahan niya ito ng tingin. Sa napansing porma nito’y halata na kapitapitagan ang lalaki. Nang ilang sandali pa’y mamangha nang makilala niya ito noong pakatitigang mabuti ang kaharap. Iyon ay si Doktor Manuel Guevara, ang pamoso at mahusay na manggagamot sa kanilang lungsod. “Anong problema mo hija? Bakit ka umiiyak?” may pag-aalalang tanong nito na tumalungko pa sa pagkakaupo para magpantay ang kanilang mga mata. Natigil ang kanyang pag-iyak ngunit hindi ang paghikbi. Paano’y unang beses niyang pakatitigan ang Doktor ng malapitan. Tama nga ang kuro-kuro ng mga tao roon na napaka-tikas at napaka-gwapo ng lalaki. “Anong pangalan mo? Hindi bagay sa iyo ang umiiyak, ang ganda-ganda mo pa namang bata,” mula sa bulsa ng suot na amerikana nito ay hinugot nito ang puting panyolito. Hindi na ito nagdalawang isip na ipahid iyon sa pisngi ng batang babae. Natigilan naman siya sa ginawa nito kung kaya hindi siya nakaimik mula sa mga tanong na ipinupukol nito. “Nagugutom ka ba? Halika, bibilhan kita ng makakain?” sa sinabing iyon ng Doktor ay ipinalabas nito ang magandang pagngiti kasabay ang paglahad nito ng isang kamay sa harapan ng bata. Pagkatapos pahirin ng mga bisig ang may luha pang mga mata ay walang takot sa dibdib na iniabot niya ang isang kamay rito. Doon ay dinala siya nito sa kalapit na tindahan ng ice cream. “Masarap ba?” Tanong pa nito ilang minuto matapos nitong ibigay sa kanya ang ice cream na nasa apa na kasalukuyan na niyang kinakain. “Opo. Maraming salamat po!” saad niya dito kalakip ang magandang ngiti sa mga labi. “Ito oh, sa iyo na ang sukli,” sambit pa nito na kinuha ang kanyang isang kamay at ipinatong sa kanyang palad ang sukli sa limang daang piso na binayad nito sa tindero. Nakapaibabaw iyon sa puting panyo na ginamit nitong pamunas sa kanyang mga luha kanina. “Ipangako mo sa akin na kahit anong problemang kaharapin mo sa buhay ay hindi ka na muling iiyak pa,” saad nito sa kanya habang pinakatitigan siya sa mga mata. Isang tango lang isinagot niya dito na kapagkuwan ay tinalikuran na siya at nagsimulang maglakad palayo mula sa kanyang kinaroroonan. Sa sandaling iyon, mula sa pagiging isang batang paslit na puno ng sama ng loob ang laman ng dibdib dahil sa mga pinagdaanang hirap sa buhay, gumaan ang kanyang pakiramdam at tila ba itinanim sa utak na balang-araw ay magbabago rin ang direksyon ng buhay. Ipinangako niya sa sarili na darating ang panahon na magkukrus ulit ang landas nila ng lalaki at sa mga panahong iyon ay mapapabilang rin sa mundong ginagawalan nito. Ngunit sa muli nilang pagkikita, mapanindigan kaya niya ang pagnanais na pasukin ang madilim na mundo ng lalaki?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook