CHAPTER 3

1248 Words
"Diba sinabi kong wag kang pupunta sa boundary?" isang pamilyar na boses ang ume-echo sa aking madilim na isipan. "M-ma? ikaw ba iyan?" tanong ko habang wala pa rin akong makita. "DIBA SABI KONG WAG KANG PUPUNTA SA BOUNDARY?!" pasigaw niyang sabi habang naiiritang tunog ito sa aking tainga at isipan kaya dumugo ang aking tainga. Nataranta ako ng biglang may ilaw sa taas ng aking kinatatayuan habang madilim pa rin ang paligid ko. "Hindi ka nakikinig sa akin, diba sabi kong wag kang PUPUNTA SA BOUNDARY!" palakas niyang sabi kaya akin nalang tinakpan ang aking mga tainga sa lakas. _____________________________ Biglang bumuklat ang aking mga mata, pawis na pawis ang aking mukha at naghihingalo sa aking pagtulog. Tumayo ako agad at pinunasan ang aking pawis. "Anung nangyari?" tumingin ako at nakita si Roswald na nakaupo sa tabi ng aking kama. "Yung panaginip ko..." sabi ko habang minamasahe ang aking noo. "Panaginip?" "Nagalit yung mama ko....d-dapat daw hindi ako pumayag saiyo" napatingin ako sakanya at mukha syang seryosong nagagalit sa akin. "So susundin mo yung nanay mo sa panaginip mo?" tanong niya sa akin. "H-hindi..." at napatingin ako sa baba. Tumayo sya mula sa upuan ko at umalis sa kuwarto ko, "Basta ikaw dapat magdesisyon..." ang kanyang sinabi. . . Papunta na akong eskuwela at sinusundan pa ren ako ni Roswald habang nagpapacute sa tabi ko, "Bakit ba sinusundan mo ako?!" galit na pabulong kong tanong sa kanya. "Alam mo bang dahil nabuksan na yung third eyes mo na iyan marami kang makakasalamuhang ispirito sa eskuwelahan ninyo?!" sabi niya habang tumayo sa ere sa aking harapan. "Umalis ka diyan, baka matapilok ako" ani ko sakanya. "Edi wag kang magagalit kapag andito ako" Napadaing naman ako sa sinabi niya at sinubukan kong hindi magalit sa first day ng linggo. . . Nasa Math class na ako at iniikutan pa rin ako ni Roswald, pinagsasamantalahan niya yung pagiging multo niya para inisin ako ng walang nakakakita sa kanya. Huminga nalang ako ng malalim at tumingin sa bintana kung saan marami akong naiisip at kung saan pumapasok ang iba't ibang imahinasyon ng biglang humarang si Roswald dito. "Balak mo ba talagang inisin ako hanggang uwian?" nagtitimpi kong bulong sakanya. "Bakit hindi ka nakikinig?" "Desisyon ko naman and hindi makinig" sabi ko at tumingin sa kasalungat na direksyon ng bintana pero hinarap niya parin ako. "Kung kaya mong magdesisyon na hindi makinig sa guro mo, bakit di ka makapagdesisyon sa magiging buhay mo?" Huminga ulit ako ng malalim, "Hindi kasi magkaparehas iyon..." "B-bakit?" tinawag ng katabi ko na si Lucy. "Anong sinabi mo?" tanong niya, at akala niya sya ang kinakausap ko. "W-wala yun, nagiisip lang ako ng kung ano-ano" sabay tawa ng mahina at tumingin sa ibang direksyon. "Punyemas ka talaga, Roswald..!!" gigil kong bulong habang may narinig akong hagikgik mula sa kanya. . . Pagod na ako sa eskuwela at pagod akong naglakad paalis sa gate ng- "Saan ka pupunta?" biglang sumulpot si Roswald mula sa ulo ko at kinagulat ko ito, pero since nasa public place kami medyo humirit nalang ako. "H-huwag kang susulpot kung saan saan, kelan ko ba dapat sabihin iyon sa iyo?!" bulong ko ulit sa kanya. "Saan ka pupunta?" ulit niya "Sa bahay, malamang" "Punta muna tayo sa sementeryo" "..Bakit naman?" "Ilang araw na akong hindi nakakabisita sa boundary eh, kaya unti unting naglalaho yung katawan ko" sabi niya at nung tinignan ko ang kanyang katawan ay kalahating katawan na niya ang hindi ko nakikita. "Anong mangyayari kapag nawala ka ng tuluyan?" tanong ko. "Edi mawawala na ako, at mawawala rin ang chansa kong mareincarnate sa Gate to Heaven" sabi niya ng may blankong ekspresyon. "Bakit ayaw mong pumunta doon ng saglit?" "Diba sabi mo pupunta ka sa boundary?" napatingin naman ako sakanya. "Gusto ko kapag pasok ko ulit doon kasama na kita, tsaka para makita mo narin yung itsura ng boundary" "Saan tayo pwedeng pumasok sa boundary?" tanong ko ng may seryosong mukha. . . Pumunta kami sa entrance ng sementeryo at tumayo lamang doon, "B-bakit tayo andito?" awkward kong tanong. "Kasi ito yung isa sa mga lugar mula sa mortal world kung saan nagkakasalamuha ang mortal at ang immortal creatures, kaya malakas ang energy mula sa boundary dito. Dito ako nagiistay para mas humaba oras ko sa mortal world" paliwanag niya at ako'y napa-"ah sige sige" na lamang. "Paano makapasok sa boundary?" "Hindi....koren alam eh..." at napatahimik kaming parehas dahil dito. "Anong dimo alam?! diba mula ka doon?!" galit na ani ko sakanya "A-alam ko kung paano ako makakapasok pero di ko alam kung paano ikaw makakapasok" paliwanag niya sa akin at kumalma naman ako dahil doon. "Naghahanap ka ng kasamang mortal para maglakbay sa boundary pero dimo alam kung paano sila ipapasok? Bobo kaba?" sarkasmo kong tanong sakanya. "S-sorry naman!" galit niyang sagot. Napatahimik kaming parehas at bigla naman siyang nagmotion na parang may binuksang pinto sa ere, "Nakikita moba?" tanong niya. "Ang alin?" "Yung itsura nung boundary?" "Hindi!" sabi ko ng hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. "T-teka, may ideya ako" sabi ko at ipinatong ko ang aking kamay sa likod ng kanyang kamay. "P-paano kaya kapag binuksan ko ito gamit ang kaluluwa ng isang immortal at-" inikot ko ang aming kamay at binuksan ang pintong nasa ere at nasulyapan ang kakaibang mundo puno ng maliwanag na kulay dugong kalangitan at madilim na asul na sahig. "N-nakikita mona?" tanong niya sa akin. "Oo...at to be honest, hindi ganitong itsura ng boundary ang iniisip ko..." sabi ko, at bigla niya akong hinatak papunta sa loob ng pinto. At noong nakapasok na ako biglang lumiwanag ang aking paningin dahilan ng aking pagkapikit. . "Buksan mo nalang mata mo" narinig ko ang boses ni Roswald kaya aking binuksan ang aking mga mata at nakita ang nakakamangha at nakakatindig balahibong senaryo ang aking nakita. "Ano sa tingin mo, nakakamangha diba? Maligayang pagbisita sa boundary!" Maligalig na sabi ni Roswald at nung tumingin ako sa aking likuran na kita ko kung saan kami tumagos, tila isang hindi makitang pader ang itsura at sinasalamin nito ang buong senaryo at umaabot ito hanggang sa dulo. "Iyan ang tinawag ko na invisible na wall na nagseseperate sa mundo mo at mundo ko, kung saan ka pumasok diyan lalabas ka rin sa pinagpasukan mo" tapos sabay siyang ngumiti. May nakita akong mga di pamilyar na makukulay na malalaking insekto sa kulay asul na lupa. Kinuha ko ang isang insekto na kumikinang na kulay na dilaw at link at kasing laki ng isa kong palad, "Ang mga tawag sa insekto na iyan ay Pixies" "...Pixies?" patulala kong sinabi. "May kaya silang pumasok at lumabas ng boundary ng ayon sa gusto nila, at yang hinahawakan mo ay tawag ninyo sa mortal na mundo na uod o caterpillar" paliwanag niya at binaba ko ito ng dahan-dahan. "G-grabe nakakamangha talaga ang mundo kung saan hindi ka pamilyar.." sabi ko sa aking sarili at ngumiti ako. Napansin ko namang nakatingin sa akin ng gulat si Roswald, "B-bakit ganyan ka naman makatitig...?" nahihiya kong sabi. "Kasi ngayon lang kita nakitang ngumiti since nakilala kita eh, ang ganda mo talaga" ngumiti siya hanggang tenga at napablush ako sa kanyang sinabi, first time kong nakakuha ng compliment sa isang lalaki...pero parang pangalawa na ata to..o baka pangatlo...Ah basta! "Halika! pumunta pa tayo ng malayo-layo dito!" Sabi niya at patakbo sa ibang direksyon. Natawa naman ako at hinabol siya, "Teka kalang! huy!" ..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD