CHAPTER 2

1450 Words
May naririnig akong matamis na himig mula sa madilim na kapaligiran. 'Ano kaya yon? Parang pamilyar sa akin iyon eh..." ani ko sa sarili ko habang unti unting lumiwanag ang aking paligid at ang sahig ay parang salamin na sumasalamin sa aking mga ginagalaw. Naglakad lakad ako ng sandali at bigla nalang akong may natanaw na babae mula sa malayo na mukhang pamilyar. Bigla nalang may tumulo sa aking mukha at nakilala ko kung sino ang nakatayong babae, "Mama..?" ani ko at tumingin sya sa aking direksyon, halos nanlamig ang aking buong katawan, parang siya nga iyon. Unti unti syang lumapit sa akin at bumulong sa aking tainga at sinabing, "Wag kang pupunta sa boundary...." nagulat ako sa kanyang sinabi at biglang may malakas at nakakairitang tunog ang sumira sa paligid nang parang salamin. _______________________________ Minulat ko ang aking mga mata ng marinig ang napakalakas kong alarm, pinatay ko ito at umupo sa katahimikan ng aking kuwarto. May basa akong nararamdaman sa aking pisngi at nung pinunasan ko, luha pala ito. "Ano kaya yon?.....T-teka...ano nga ulit yung panaginip ko?" Unti unti kong inalala ang mga imahe na nasa isip ko at ang salitang 'Wag kang pupunta sa boundary...' tinignan ko lang ang aking palad ng ilang minuto at kinamot ang aking ulo. "Andami talagang nangyari ever since nung nag 18th birthday ako.." ani ko sa sarili ko na may kaunting inis dahil masyado akong nasanay sa tahimik at boring na buhay. Tumayo ako habang kinukusot ang aking mga mata, at nung binuksan ko ito nasulyapan ko ang isang pamilyar na mukha na nakalutang sa ere at nakatingin sa akin ng diretso. "KUUAAAAAAHHHHHHH!" gulat kong sigaw. "A-ah! ah! Alphonse! ako ito!" sabi nya habang tinuturo ang sarili sa taranta. "BAKIT KA ANDITO SA BAHAY?! DIBA DAPAT NASA SEMENTERYO KA?!" tanong ko habang tinatakpan ang aking dibdib. "E-eh....nabo-bored nako sa sementeryo kaya pumunta ako sa bahay mo!" saad niya na mukhang nagmamakaawa. "Hindi parin yun sapat na excuse kung bakit ka andito!" sabi ko habang binato ko sakanya yung unan ko, pero tumagos lang ito sa kanyang katawan. "Di yan gagana, hehehe" sarkasmo nyang sabi habang mas lalo akong nainis. Pero huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Diba sabi ko sayo na pupuntahan kita ngayon, di kaba makahintay?" ani ko habang naiinis na kinamot ang aking buhok. "P-pasensya na, antagal na kasi nung simulang magka-enteraksyon ako sa tao eh" sabi niya habang umupo sa taas ng aking drawer. "Umalis kana muna dito..." malamig kong saad at narinig ko ang kanyang daing. "Ehh?!? hindi na ako makahintay sa sagot mo ehh" ani nya habang nagiinarte sa ere. "May napaniginipan ako..." tumigil sya sa pagaarte nya at pinakinggan ako. "Sabi nung nanay ko sa panaginip ko na...wag akong pupunta sa boundary" sabi ko ng may pagkalungkot. Narinig ko naman syang huminga na parang may sasabihin, "So susundin mo yung panaginip mo?" tanong nya sa akin. "Huh?" "Susundin mo yung panaginip mo?" ulit niya. "M-malamang, baka maging lugar ng kamatayan ko yung pagpunta doon sa boundary" saad ko habang niyakap ang akinh sarili. "Bakit, alam mo na ba kung kailan ka mamamatay?" tanong niya habang ang itim niyang buhok ay nakaharang sa isa nyang mata at ang isa nyang mata ay parang tumutusok sa aking dibdib at hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. "Hi-" "Hi?" Napatingin ako sa ibaba ko at hindi alam kung ano ang aking sasagutin. "..H-hindi naman sa ganon..." Lumapit sya sa aking mukha at sinabing, "Bakit naman hindi? Diba gusto mong malaman kung anong nangyayari sa kamatayan? Pero bakit ayaw mong mamamatay? Tao nga naman..." sabi nya at nanlaki ang aking mga mata at tinaboy sya, lumayo naman sya kahit na alam niyang hindi ko siya mahahawakan. "MAY IBA'T IBANG KLASE NG TAO AT MAY DAHILAN SILA KUNG BAKIT NAGKAGANON SILA! SIGURO DI KA NAGING TAO KAYA DIMO ALAM IYON!" sigaw ko at umalis, habang siya naman ay napatingin sa kanyang kamay at may binulong na hindi ko maintindihan. . . Naliligo ako at inalala ang aking panaginip, Ano kayang meaning noon? Bakit kaya ayaw ako papuntahin sa boundary? May meron ba sa akin na hindi ko pa alam? Ayoko ba talagang mamatay? ang mga tanong na lumilipad sa aking isipan habang tumatama ang tubig sa aking kutis. Natauhan lang ako sa aking nga iniisip ng biglang nagalarm ang aking cellphone. . . Nagbihis na ako at pumunta na ng eskuwela. "San ka pupunta?" biglang nagsalita sya sa aking tabi. "Ginulat mo naman ako, sa eskuwela malamang" saad ko ng may diin. "Anung eskuwela-" "Hindi mo alam kung ano yung eskuwela?!" "Ibig kong sabihin, anong eskuwela e Sabado ngayon.." Biglang nanahimik ang paligid at isang mahinang hangin ang humampas sa akin. "Ano...?" "Sa-ba-do ngayon..." inulit nya ng mahinhin, at napabuntong hininga nalang ako doon. . . Nilapag ko ang mga bulaklak sa puntod ng aking nanay habang nagpabuntong hininga ako sa aking katangahan. "Bakit hindi ko narealize na Sabado ngayon?!" inis na sabi ko sa aking sarili habang kinakaltok ang aking noo. At tumatawa lang sya sa likod ko, "Nung paggising mo kasi di ka tumingin sa orasan mo eh!" tapos sumabog nanaman sya sa kakatawa. "Manahimik ka na nga lang!" inis kong sigaw sa kanya, "Pero parang gustong gusto mo talagang pumasok eh, marami kabang kaibigan?" "Sa itsura kong ito, mukha ba akong maraming kaibigan?" "Bakit anong problema sa itsura mo? maganda ka naman eh" napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. "Kapag maganda ka maraming magkakagusto sayo at marami kang magiging kaibigan, pero itong pangong nakasalamin at maraming freckles na mukhang ito ay hindi magiging maganda sa tingin ng mga lalaki" sabi ko with a straight face habang at nagcontinue akong sagutan ang aking mga takda. "Wag mong sabihing panget ka" ang simpleng sabi niya, and somehow gumaan bigla ang dibdib ko doon. Nang may bigla akong narinig na umiiyak. "Narinig mo iyon?" "Yung ano?" "Parang...umiiyak na bata" sabi ko at pumunta sa direksyon ng iyak, "T-teka Alphonse!" ang huli kong narinig sa sigaw sakanya. . Napunta ako sa direksyon ng iyak pero wala akong nakita at bigla nalang naging maulap ang maligid at halos hindi kona makita ang aking kinatatayuan. "Normal na tao?" "Pero narinig nya yung iyak eh, baka di sya normal" "Baka hybrid sya na mula sa Far Shore" "Kahit sino pa man sya, masarap paren ang dugo ng nabubuhay" Ang mga naririnig kong nagsasalita sa hangin at ako'y nalilito sa nangyayari. At bigla nalang may nagbato sa binti ko ng patalim at nagdugo ito, napabagsak ako sa nangyari at patuloy ang pagtingin sa paligid. "A-ano bang nangyayari?! mamamatay na ba ako?!" ang unang naisip ko nang halos maiyak na ako sa aking sitwasyon ng biglang- "Humawak ka!" sumigaw sya sa tabi ko at binuhat ako, at tinakbo niya ako paalis sa hamog. Binaba nya ako at sinabing. "Halika! umalis tayo dito!" kaya tumakbo kami palabas sa sementeryo. . . Hiningal kaming dalawa kakatakbo, teka.. "Bakit ka hinihingal?!" sabi ko ng nakaturo sakanya, at mukhang hindi niya rin ito narealize at nagulat rin sya. "Ah! Oo nga no!!" taranta nya. "T-tsaka paano moko nabuhat! eh multo kana!" isa kopang tanong ng may taranta. "Yung kanina kasi, nung nasa bahay tayo at nung tinaboy mo ako...feeling ko nun mahahampas mo talaga ako, kaya trinay ko na hawakan yang katawan mo..." sabi niya habang tinitignan ang kanyang mga kamay. "Ang init mo pala" sabi niya habang nakatingin sa akin na parang batang first time na makakain ng ice cream. "Ew, para kang bastos..." sabi ko ng may nadidiring mukha sa kanya. "Ah! hindi! pasensya na antagal na kasi since may naramdaman akong mainit, anlamig kasi ng katawan ko!" ani niya. "Pero salamat talaga-" unti unti akong lumingon sa kanya at tinignan niya rin ako. "Ano nga palang....pangalan mo..." di ko siguradong tanong sakanya. "Pangalan ko..?" ani niya at tinignan niya ako. "Kapag sinabi ko pangalan ko, sasamahan mo ba ako sa boundary?" tanong nya na may nakakaawang mukha. "Hindi pa ako sure, ayaw kong iwanan itong mundo ko" ani ko habang tumingin sa baba. "Hindi mo naman iiwan itong mundo eh, mabagal ang oras sa boundary at babalik balik karin dito" pagkumbinsi niya sa akin. "Sige, sasamahan kita sa boundary" sabi ko ng may kasiguraduhan sa aking mukha. "Sure kana diyan ha, wala nang balikan" "Wala nang balikan" panigurado kong sabi. Tumayo sya sa harapan ko at nakalagay sa kanyang kaliwang dibdib ang kanyang kamay, "Kinagagalak kong makilala ka Alphonse. Ako nga pala si Roswald Colton ang magiging kasama mo sa boundary" sabi niya nang may malaking ngiti sa kanyang mukha. "Roswald.... kinagagalak koren makilala ka" sabi ko ng may ngiti......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD