CHAPTER 3: CONFUSION

1612 Words
Chapter 3 "Chess dali dito, may papakilala ako sayo," nakangiting salubong sakin ni Shainah saktong pagkapasok ko palang ng classroom. "Sige na kasi. Baka magtaray ka na naman katulad kahapon ah.." Wala na akong nagawa kundi ang magparaya. Hinatak niya 'ko papunta sa isa kong kaklase na kung di ako nagkakamali, Kumag—este Dale ang pangalan. GrRrrr. Madali siyang matandaan kasi nga masyadong 'papansin' sa klase. Palabiro rin at isa sa mga 'joker' kunoh sa classroom. Badtrip pa rin ako sa pamamatid niya last time pero dahil sa malapit na rin akong mabadtrip kay Shainah, pinagbigyan ko na. "Si Dale nga pala, espren ko." Kahit halata naman kasi lagi naman silang nag-uusap tyaka nagtatawanan, ewan ko ba dito kay Shainah at may pagpapakilala pang alam. Dahil sa inis pa rin ako.. ti-nry ko siyang iintimidate.. Tinignan ko siyang maigi mula paa hanggang mukha. Sakto lang naman ang tangkad niya. I mean, magkasingtangkad lang kami. Moreno, medyo curly ang buhok, sakto ang tangos ng ilong, at ehem brown eyes! Tinignan ko ulit siya kasi parang may naalala ako. "Teka lang, di ko tanda pero namumukhaan talaga kita. Have we met before?" tanong ko sa kanya. Kahit naiinis ako, pamilyar talaga siya sakin kaya hindi ko mapigilang itanong. "Maybe in your dreams?" Kumindat pa sabay ngiti kita gilagid iww. Is that a kind of cheesy line or what? Like duh sobrang funny. Ha-ha-ha. "AHAA!! TANDA KO NA! IKAW YUNG BUMUNGGO SAKIN NUNG FIRST DAY!! SORRY HA?" I said in a sarcastic way. "Eh? Wow, small world it is! But I can't really remember. Medyo wala ako sa mood no'n eh so no need for me to apologize. Anyway, I'm Dale." Inilahad niya yung kamay niya sa harapan. Nakatunganga lang ako sa kanyang hindi makapaniwala. Ang kapal ng mukha! Huh! Grabe! Is this guy for real? I smirked just to let him know na hindi ako papatalo. He then smiled after seeing my reaction. Ackkk kakagigil!! "Hello" tinanggap ko ang kamay niyang inilahad sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. Pinisil ko yung kamay niya ng slight lang naman. Yung pisil na malulukot yung mukha niyang nakangiti kanina ganern. Pisil lang yun ah. "A-aara-ay!" daing niya. Huh! Ang sarap niyang panoorin sa gano'ng look. Asar. "Ay sorry nacarried away lang." I gave him *hindi makabasag pinggan smile* "Parang sobrang close nyo na ah Chess..." parang biglang naging malambing ata yung boses netong si Shainah. Teka parang may naamoy ako maliban sa amoy putok. Tinaasan ko siya ng kilay kasi parang ewan lang. Nakangiting parang ewan. Binitawan ko na ang kamay ni Dale na kanina pa pala nakahawak sa kamay ko. Dzuh "Pwede dito muna siya. Wala naman si Jayne e. Lumipat naman na siya ng ibang upuan kiya bakante. Ako muna palit niya tas gitna natin si Dale. Please." Nagpakyut pa amp.. muka namang asong ulol. Chares hahahaha maganda 'tong si Shainah. Pinikit pikitan lang ako ng mata napatango na agad ako. Walanjuu. Ganun na ba ako kabait para hayaang makatabi ng isang kumag? Hshshshshs "Yeyyyyyy!!" tuwang tuwa niyang sabi. May pa palakpak pa siya't tadyak luh.. Di naman halatang tuwang tuwa. Nung tiningnan ko naman si Dale.. nakangiti lang naman siya. Yung ngiting labas ngipin pati gilagid. Signature smile niya ata. Duh feeling endorser ng Colgate lol. Kahit weird siya kasi magulo tyaka maingay, dagdag mo pang papampam lagi sa room uhm ok naman siya.. siguro... not sure pa. Sige lokohin ko sarili ko. --- So yun nga, doon na muna siya sa upuan ni Shainah tas si Shainah naman dun sa upuan ni Jayne kaya napagitnaan namin si Dale. Wala pa sina Dan tyaka Angie kaya't imbes chumika.. gumawa nalang ako nung assignment na dapat sa bahay talaga ginagawa. Math pa naman jusme dudugo ilong ko rito. "Sa'n yan?" since nakaupo ako.. tumingala ako para makita kung sino yung epal sa concentration ko. "Patingin," sabay hablot no'ng notebook ko. "Assignment yan kay Maam Daez!" Kinuha ko rin pabalik. Di tayo papatalo aba! "Tapos na 'ko niyan." Taas noo niyang sabi. Tinatanong ko? sarap barahin. Hah!pasalamat siya di pa kami ganoon ka close kaya sige, pagbigyan ko muna. Tinuloy ko nalang yung pagiging kunyari matalino s***h kering keri tu. "Tulungan kita gusto mo?" "...." kulit kulit balasyadan hmp! "Dali lang nyan e." Aba ang yabang tuktokan ko siya diyan e. Paalis na sana siya nang di man lang ulit ako pinilit. Bilis gumive up, nag-iinarte lang naman ako, hays. "Yabang. Sigi nga," panghahamon ko sa kanya. Sayang din noh kesa sa magpakapagod magsolve tas mali rin naman.. edi grab na agad agad. Lumingon naman siya sakin. Nakangiti na para bang nang-iinis. Ngiting 'sabi ko na nga ba' tss Edi ikaw na magaling brad! Alam ko namang matalino siya sa math e. Pabida sa klase syempre pabida rin kay maam. Pero atleast may maibibida naman in all fairness. Kinuha niya yung notebook ko sabay upo sa katabing upuan. Sinagutan niya yung number one nang derederetso. Walang lingon lingon. Parang kabisadong kabisado yung formula tyaka kung pano sagutin. Infairness kay kuya ha. "eto tamo" sabay turo niya sa number one. "Eto yung formula mas maiging saulado mo yung formula para alam mo na step by step kung anong gagawin. Hindi ka na mahihirapan." Binilugan niya yung formula tapos tinuro niya by step hanggang sa nagets ko na tyaka nakuha na namin yung sagot. Ganun lang naman pala kering keri lang naman arte arte kasi ni Maam Daez mag-explain. Akala mo nageexplain sa mga math wizard like hello maam? alikabok lang po ako dito. Nakakahiya sa kursong accountancy yuhooo! Nagthank you naman ako kay Dale bago siya umalis. Bumalik na kasi si Shainah galing atang canteen kasi may dala dalang kape. Lumabas si Dale tas dun sila sa may labas uminom since bawal ang kain sa loob ng room maliban sa recess time. --- "Beh? asan si Shainah?" Tanong ng kakarating lang na si Angie.Pagkalingon ko naman sa pwesto nila kanina, wala na sila. "Ewan. Kasama lang niya kanina si Dale.. baka may binili lang." Kako sa kanya sabay balik ng tingin sa librong binabasa. "Feeling ko talaga may gusto yang si Shainah kay Dale eh. Pansin mo ba?" "Pansin mo rin? Pero ewan. Hindi naman natin alam kaya wag na nating iissue." Nagkibit-balikat nalang siya. "Pero sana talaga hindi. Kasi kung magkakatotoo man yun.. feeling ko one sided love ang mangyayari." Malungkot niyang sabi bago bumalik sa pagbabasa. Ewan ko kung anong alam niya o kung anong napansin niya. Pero in that thought palang.. one sided love is really painful. It really hurts .Tho Im not that credible kasi di ko pa naman naeexperience, but thankful I am because I dont want to. I never wished to be in that kind of situation nor be loved by someone I couldnt. I'm not ready, not yet. --- "Hey" "Hey, asan si Shainah?" I asked because its somehow odd na hindi sila magkasama. "Tomboy ka na?" "pffft" "O baka selos ka?" nakangisi niyang tanong habang nakataas pa ang isang kilay. To the highest level talaga ang kapal ng mukha. Hanep talaga. "You wish," sabay irap. Kairita talaga. "May pinuntahan lang sandali hahahaha gigil ka na nan?" he chuckled as if that was so funny. "Ewan ko sayo dami mong alam." Luckily Maam Daez entered the class. Buti nalang talaga dumating na at baka kung san pa umabot ang pagka imbyerna ko. --- "Chessa, Angie diba sabay kayo? Samahan niyo muna ko oh." Nagliligpit na kami ng gamit para sa pag-uwi nung mapansin kong may nakadikit na papel na hugis puso sa likod ng notebook ko. Baka nadikit lang ng sadya kaya nilukot ko nalang sabay hagis sa basurahan. "Oy shoot. Sumandig 3 pooinntsss!" panggagaya ko sa boses nung mga announcer sa basketball. "San ka ga?" tanong ni Angie "Daan muna tayo sa mall. May pinapabili kasi si Mommy e." "May libre ba yan?" pang-eechus ko. "Oo na. Lagi naman kapag kasama ka tss!" "Yowwnnnn" sabay naming sabi ni Angie. --- Nag-aantay na kami ng jeep ni Angie sa may paradahan nang makita namin sa tapat ng kalsada sina Shainah at Dale. Natatakpan ng malaking puno sa gawi namin kaya medyo madilim. "Ano kayang pinag-uusapan nila? Parang napakaseryoso naman ata" saad ni Angie sa mahinang boses. Medyo malayo kasi kami kaya hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila pero kung ibabase mo sa galaw at sa mukha dahil nasa may poste sila ng ilaw, mapapansin mong malungkot sila. Nacucurious tuloy kami kaya nung may dumating na jeep, hindi muna kami sumakay. 7 palang naman kaya madami pang masasakyan. Hinawakan ni Shainah ang kamay ni Dale. May sinasabi si Shainah na nagpakunot ng noo niya pero dahil nga sa hindi namin marinig, wala kaming ideya kung ano nga iyon. Patuloy lang siya sa pagsasalita hanggang sa binitiwan ni Shainah ang kamay ni Dale. Tatalikod na sana si Shainah nung gumalaw si Dale at yumakap sa kanya. Nakatalikod na samin si Shainah habang nakikita naman namin ang mukha ni Dale. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang tingin ko. Hindi siya nagulat. Hindi rin siya nagtaka. Ewan ko kung pa'no niya nalamang may nanunuod sa kanila. Ewan ko kung pa'no niya kami nakita gayong madilim naman sa may parte namin. Ewan ko kung bakit sakin siya direktang nakatitig gayong dalawa naman kami ni Angie. Hindi ko namalayang hawak na pala ko ni Angie't kinaladkad papasok sa jeep. "Huwag nalang nating pansinin kung ano mang nakita natin kanina," sabi niya sa mahinang boses. Nahimigan ko ang lungkot niya marahil ay nalulungkot din siya para sa dalawa. Wala akong masagot kaya tumahimik nalang ako't tumango. Nung paalis na ang jeep bahagya akong sumilip pero wala na sila. Hindi ko tuloy mapigilang mapa-isip. Ano kaya iyon? ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD