CHAPTER 4: CONFESSION

1665 Words
Chapter 4 Hindi ako sakitin pero kapag nagkasakit ako hindi naman bigtime, sadyang nagtatagal lang. (SANAOL NAGTATAGAL!!) Tulad nalang nung nakaraang araw, lagnat lang naman sabi ng doctor nung pinacheck-up namin kaya kahit ini-insist ni tita, mas pinili kong sa bahay nalang magpagaling kesa manirahan sa ospital. Binili nalang namin yung gamot na nireseta ng doctor then after 3 days, gumaling din naman. "Hoy ba't ngayon ka lang? bruha ka wala ka man lang pasabi hmp!" salubong sa akin ni Dan pagkapasok na pagkapasok ko sa room. Tumungo na ko sa upuan ko saka ko nilagay ang bag. "Buti naman naisipan mong pumasok ano? Malapit ko na ring isipin na affected ka masyado," walang kaemo-emosyong saad ni Angie sabay balik ng tingin sa pagbabasa. Napatingin ako kay Dan. "Anong nangyari dyan?" I mouthed silently. "Bad mood 'yaan mo na," she mouthed back. Nangunot naman ang noo ko saka ko naintindihang 'iyon pala' ang ibig niyang sabihin. "Hoy Angie nilagnat ako noh. Sinasabi mo dyan?" "Ay ganun? di man lang nagtext? chat o pasabi?" nagtatampong usal ni Dan. "Nakapag-excuse naman na ako kay Maam. Teacher na rin kayo?" pambabara ko. "Hehh! namiss kaya kita tas gan--" "Chesssaaaaaaaa!!! Namiss kitaaa!! Wahhh anyare sayo?" sigaw ni Shainah. Niyakap niya ko nang pagkahigpit higpit. Naalala ko tuloy si--weyt. Pagtingin ko sa likuran niya as usual, magkasama sila. "Lagi tuloy si Dale ang kasama ko. Absent ka kasi e. Ano ba nangyari?" titig na titig niyang tanong. No doubt, nag-alala talaga siya. Soft kasi masyado tung si Shainah. Sweet at sobra sobra kung mag-care. "Nilagnat lang ako. Ok na ko ngayon. Wag ka nang mag-alala Shai," I assured. "Sige, sabi mo e. Anyways andaming ganap kaya papakopya ko nalang sayo notes ko" masigla niyang sabi bago pumunta sa upuan niya. "Sige ha mamaya. Salamat Shai" then I smiled. Bakante sa tabi kong upuan kaya nilibot ko ang paningin ko then gotchaa! lumipat na naman ng upuan si Dale. May kati talaga sa pwet yung tokwang iyon pero di ko maiwasang magtaka. Ba't ganun? ba't parang wala namang nagyari? ---- "Ches daliii" tawag ni Shai sakin. Vacant kami ngayon kasi hindi pumasok yung teacher namin sa Fil kaya imbis na tumambay sa canteen at nakakaubos ng pera, sa room lang kami nag-stay. "Bakit?" tanong ko nung nakalapit nako sa kanya. Unti-unti niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko. Ready na sana akong manuntok buti nalang lumihis. Jusme! Kala ko hahalik na, bulong lang pala. Kadiri yung iniisip ko takte. Nagtaka naman ako sa binulong niya't tatanungin ko pa sana nung biglang sumulpot si Dale sa likuran. "Kunyare lang naman yun sus maniwala sayo" umarte pa siya na parang nagtatampo. "Meron nga. Tanong mo pa kay Chessa, alam niya" "Sige nga bulong mo saken" panghahamon ni Dale ngunit umiling lang si Shai bilang sagot. Para namang nga bata tung mga to footspa. "Ches meron nga?" tanong sakin ni Dale. Tumingin ako kay Shai na nasa likuran niya't pinandilatan pako ng mata. At dahil supportive akong frenny... "Yah, pero bawal daw sabihin" I answered. Umarte pang maypazip sa bibig. "Dayaaa!! Sino kasi yun? Shainah naman e. Espren mo'ko bat sila alam. Bat ako hindi?" frustrated niyang sabi. Tumakbo naman si Shai at ayun, naghahabulan na naman ang dalawa. Parang mga ewan. --- Dale Velasquez Uy? Chessa Vio Sumandig Yow! Dale Velasquez Sino crush ni Shainah? Promise di ko sasabihin Pleaseeee : Chessa Vio Sumandig Lol Hanggang dito ba naman? Dale Velasquez Sigi naaa Andaya talaga huhu Chessa Vio Sumandig Ikaw ha. Bat gustong-gusto mo malaman? Yieee. I'm starting to conclude. Dale Velasquez Kows. Espren niya ko. Masamang macurious? Dami mong alam tss Luhh. Guilty to hahahhaha. Bala nga siya dyan mapapagod din yan kakapangulit haha. ---- Dale Velasquez Uy? Dale Velasquez Goodmorning Dale Velasquez Hoy tanghali na bat di ka pa nag-oonline? Dale Velasquez Busy? Sabihin mo nalang kasi para di nako mangulit It's Saturday pero di pa pala tapos pangungulit niya. Determinado ang tokwa tingnan natin kung hanggang saan. -- Dale Velasquez Wuy, ano na? U still alive? Chessa Vio Sumandig Baka patay na...? Dale Velasquez Silly Dale Velasquez Sino kasi. Promise di nako mangungulit. Dale Velasquez Hindi na rin kita ibu-bully ng slight Chessa Vio Sumandig Hindi pwede e. Sorry. Sa kanya ka nalang mangulit total sa kanya naman nanggaling Dale Velasquez Ayaw nga niya kaya ikaw nalang kulitin ko hanggang sa umamin ka Sabi na e. Mukhang bad idea talaga ang mapasubo ako dito. Mukha di niya ko tatantanan hanggang sa di ko sinasabi ang isang bagay na wala naman talaga. Chessa Vio Sumandig Hindi nga pwede. Buti sana kung crush ko e sasabihin ko pa. Kaso hindi e. Crush niya yun. Secret niya so bat ko sasabihin?' Please naman tumigil ka na. Kaimbyerna! Dale Velasquez Sus damot Hindi ko nalang nireplyan. Mapapagod din naman yan ---- Ang akala kong titigil, walang kapaguran. Dale Velasquez Wuy Dale Velasquez Yuhoo Dale Velasquez God bless everyday. Sleepwell . Sana bangungutin ka :* ---- Early in the morning I opened my f*******: just to see 54 threads of messages coming from him.Hindi ko nalang binasa ang iba pa. Jusko, sakit niya sa ulo! Dave Velasquez Hello po ms. beautiful Chesa Vio Sumandig Sira-ulo. Walang epekto yan. Dave Velasquez ok, ampanget mo nalang. ---- Its Sunday in the morning late na akong nagising. Tumungo agad ako sa banyo upang makaoaghilamos at mag toothbrush. Tumungo ako sa kusina at napag-alamang tapos na si tita sa pagluto kaya dumeretso na ko sa labas at nagwalis. Pagkatapos magwalis, saka palang ako nag-almusal. Kinuha ko ang cellphone saka tiningnan ang mga messages na naroon. Dale Velasquez hoy panget! As usual, yung tokwang tu na naman! Kailan pa ko lulubayan jusme. Nauutas nako. Dale Velasquez Ayaw mo talaga? Kulit kulit ugh!! Dale Velasquez sige na... promise di ko sasabihin sa kanya na sinabi mo e ano ngang sasabihin ko e wala naman ugh!! naiirita nako sa pangungulit niya. Di naman din pupwedeng mag imbento ako at akoy di naman scientist! susme!! Wala namang binulong talagang pangalan si Shainah bukod sa 'kunyari sinabi ko sayo crush ko wag mo sasabihin kay Dale' tss. Ewan ko sa dalawang to. Maglokohan na nga lang dadamay pa ko hays. Para matahimik na siya, nireplyan ko na lang. Chessa Vio Sumandig Ayaw nga. Kung gusto niyang ipaalam edi sana sinabi niya sayo agad Ayaw ko na sanang pahabain kasi naman etong connection mas mabilis pa ata pagong hays >. Dale Velasquez typing... Aba mas mabilis pa sa kidlat hmm Dale Velasquez sige, yung iyo nalang Chessa Vio Sumandig luh, realquick. Ba't naman napunta saken? Dale Velasquez 'Buti pa sana kung crush ko e sasabihin ko pa. Kaso hindi e. Crush niya yun. Secret niya so bat ko sasabihin?' Damn. He cornered me. Sinabi niya yung mismong sinabi ko kahapon. Hanep lakas ng memorya nito. Tokwa siyaaa. Dale Velasquez oh ano na? aba't atat pa. Naloloka ako tekaa. Chessa Vio Sumandig eh anong mapapala ko naman? Dale Velasquez libre kita LIBRE??? Abaaaat. tekaaaa. Kahinaan ko yunnnn ahhhhhckkk. Dale Velasquez libre kita kahit ano sa 7/11 'kahit ano' parang biglang luminaw paningin ko. Bat parang naririnig ko atang kumakanta yung mga dem-errr hahaahaha 'kahit ano' hihihi aylabdat hahahaaha manda syaaa. Minsan ok din naman sigurong magshare ng unting secret para sa libre diba? diba? diba? tawagin nyo na kong patay gutom o kahit ano dyan. Magutom sana kayo! Chessa Vio Sumandig pano 'ko makakasiguro na tutupad ka? tyaka kailan? Kunyare nagdodoubt tayo.. baka sabihin neto patay gutom ako tyaka namumulubi eh duh yaman yaman ko kaya. Sa ganireng edad may lupa nako noh. Sa kuko nga lang HAHA pero hoyy! lupa pa rin yun. Mahal ang lupa ngayon!! 'Di naman sa interesado agad. Tanong tanong lang muna aba di pa kami gaanong close tyaka di ko pa siya masyadong kilala noh baka madaya tung tokwang tu. Ayokong maisahan. Mabuti na ang sigurado. Hindi rin naman siguro niya knows yung longtime crush ko na yun. Layo kaya ng bahay nila sa bahay ni fafa Harry ko ahihihi Dale Velasquez sa monday, kita tayo sa 7/11 hingin ko # mo para update kita Bigla atang nagdiwang at baka e nagpaparty pa yung mga alaga ko sa tiyan kaya ayunn.. Sabi pa sa kanta ni Vice Ganda, wag nang mag patumpik tumpik pa. Kaya binigay ko na hehehe. Classmate ko naman yun..Di naman siguro yun scammer o may masamang balak. Dale Velasquez So what's the lucky name? Chessa Vio Sumandig Ugh! Harry Dawn Drop yours Dale Velasquez ehh? Taga Shawntel? Chessa Vio Sumandig EEHHH? KILALA MOOO? Dale Velasquez Yup, a friend. Owemjiiii. mukhang napatrouble ata ako. owemjiii so friend sila? Kapital OWEMJIEE!! capslock para damang dama. Pakilabas ako sa kahihiyan ahhhhh huhuhu T.T Dale Velasquez Yup, a friend. Sumbong kita hahahhaha Chessa Vio Sumandig SUBUKAN MO TALAGA.HAMPAS KITA SA KAWALING MAY KUMOKULONG MANTIKA. TOKWA KAAA. Dale Velasquez Hahaha. Ayaw mo nun? mas malapit, mas may chance hahahaha Chessa Vio Sumandig EWAN KO SAYO. Wag mo iniiba usapan. Sinong sayo? kunwari di ako yung umiiba err HAHA. Dale Velasquez ayaw. hahaha. bleeh :p Chessa Vio Sumandig Sabi na e!! kainis ka 'lamoyun? Sige wag mong sabihin di na rin kita kakausapin Dale Velasquez Wagggg :( Chessa Vio Sumandig Sino kasi. Secret lang natin. Dale Velasquez Pano pag sinabi kong ikaw Napahinto ako. Teka Joke ba tu. Tatawa ba ako? Nakatingin lang ako sa screen pati paghinga ko ata nakalimutan ko na rin. Saka lang bumalik yung kaluluwa ko nung magring yung cellphone ko. Unknown number Calling... Di paman ako nakakahello... Unang salita palang parang gusto ko na i-end call "Hi Ches" Sino to? inalala ko yung boses. pinilit kong alalahanin hanggang sa napanganga ako... "Pano pag sinabi kong ikaw?" Ang tanging nagawa ko lang ay ang kumurap kurap. Ang naisip ko agad si Shainah. Pa'no si Shainah? "Hi, Ches... Hi, Crush." Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod hanggang sa.... "Magtigil ka nga! Hindi ako naniniwala." Sa kabila ng kaba, ang mga katagang iyon lamang ang lumabas sa'king bibig. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD