2- Can't Resist

1237 Words
(Lhiam POV) Pinatawag ko si Yslea para pakiusapan. "Hi Y, do you mind buying me some sort of vitamins?" Pakiusap ko kay Yslea since marami siyang alam na bilihan ng mga pambampirang gamot at tools. Mga underground vampire's medicines. "Vitamins sort of?" "Yong pampadagdag sana ng dugo," saad ko. Masyado ng mababa ang dugo ng taong si Christie naaawa na akong bawasan pa para sa pagkain ko, pero kailanga ko parin talaga ang dugo niya kaya dapat madagdagan ito! "Oh, I see!" Sagot naman ni Yslea na halatang nakuha agad ang punto ko. Agad naman itong lumabas kaya sinundan ko. "But please don't go alone. Maghanap ka ng kasama lumabas. Alam naman nating nasa panganib parin ang grupo natin," paalala ko. "Don't ya worry. I'll go with her." Sulpot ni Skyzer sa hallway. Hmm. "Good then. Please be careful and stay safe. Luffer may sent someone or himself to get you." Babala ko. "Sure, no worries. Talasan ko ang pakiramdam ko. Kaya wag ka ng mag-alala sa amin," panigurado ng pinsan kong si Skyzer hawak ang kamay ng kasintahan niyang si Yslea at umalis na dumaan sa balkonahe. Bumalik naman ako sa silid para kumustahin si Christie. "Alam mo Lhiam, kaya ko namang bumili o magpabili ng gamot kina Belle. Di mo na dapat inabala ang pinsan mo." puna ni Christie. Narinig niya pala ang pakiusap ko. "Gising ka parin pala. You better rest! Saka mas epektibo ang bibilhin nilang gamot kesa sa gamot na maaring ibigay ng mga kaibigan mo. Rest." saad ko at humiga sa tabi niya para pumikit sandali. *** (Christie POV) Lhiam is being too cold now. Unlike before. Napatingin na lang ako sa mukha niya habang nakapikit. "Sorry to bother you like this. It's not my intention to bother you," kako. Di siya sumagot. He looks so expression less. He is too unemotional towards me now. Pero ito, inaaalagan niya parin ako o baka dahil lang talaga sa dugo ko. Nawala man ang alaala niya tungkol sa akin alam ko paring siya ang Lhiam na kilala ko. Ang sweet at protective na gwapong bampirang si Lhiam. *** (Yslea POV) "Lhiam always told us to watch out knowing na mas mapanganib para sakanya ang laging kasama si Christie," reklamo ni Skyzer. "Yeah." Tipid na sagot ko. "Kahit konti ang dugo ni Chris, malakas parin ang amoy neto na kayang tuksuin ang daang daang bampira sa paligid. Kaya dapat si Lhiam ang mag-ingat at hindi tayo," aniya pa. "Nag-aalala lang si Lhiam sa atin, alam kase niyang nakawala na naman ang pangkat ni Luffer," kako. "Yeah, ang dami talagang danger as an immortal. Buti pa ang mga tao wala silang alam at may nagpoprotekta sakanila," aniya. Ngayon ko lang nakitang ganito ka seryoso si Skyzer. "Nga pala, kung si Luffer magpapadala ng lilipol sa atin, sino naman kaya? Wala naman akong kilala sa pangkat niya na mas malakas pa kesa sa akin," pagmayabang ni Sky. "Kahit kailan talaga eh noh mayabang ka?" Kako inirapan siya. Nilingon niya ako. "Luh, ang cute mo na naman!" Aniya kurot ang pisngi ko! "Well! Bilisan mo na nga, malapit na tayo," kako hila si Sky. *** (Isaiah POV) Matapos kong bilhin ang mga kailanganin kong gamit para itago ang amoy at aura ko, dali dali na akong lumabas ng hidden market for vampire's. Ano kayang una kong puntahan? Siguro mag-apply muna akong modelo, ah noh masyado ng expose, katulong o tagapaglinis ng Valliants kaya? Basta unahin kong maghanap ng trabaho gaya ng isang normal na tao, kung sakaling magbackground check sila at kailangan malapit sa Valliants ang trabaho ko! Palabas na ako nung namataan ang magkasintahang Yslea at Skyzer papasok sa Hidden Market. Magtago sana ako kaso naalala kong indisguis pala ako ngayon malabong makilala nila ako. Pasimpleng sinundan ko sila! Ano kayang bilhin nila dito? Sa kalayuan sinusundan ko sila. Ang dali naman hanapin ang mga to. Mag kalakihan din naman tong Fanum pero di ko alam na ganito lang pala kadaling hanapin sila. Pwede namang unahin kong patayin tong si Yslea at Skyzer kaso di pa pwede dahil wala pa akong nakalap na kahit isang impormasyon sakanila bukod sa nalaman kong bumili sila ng pagkain at inumin na pamparami ng dugo para sa tao. Ang produktong yon ay gamit na talaga ng mga ninuno namin noon. Nangunguha sila ng tao at pinaparami ang dugo ng mga ito bago pagpyestahan sa mga okasyon ng lahi namin. Againts ako sa gawaing kagaya niyan noon at ang Valliants kaya sila tumiwalag sa malaking bahagi ng organisasyon ng mga bampira pero ang nakapagtataka bakit sila bumibili ngayon ng produktong nagpaparami ng dugo ng tao? Di kaya gumagawa na din sila ng kagaya nang ginagawa ng ninuno namin? Nagulat ako nung biglang lumingon si Skyzer, mukhang nahalata niyang may sumusunod sa kanila. Ang lakas talaga ng pakiramdam nito! Nagtago agad ako sa may poste. As long as I hide my smell and aura malabong makita at mapansin nila ako kaso doble ingat parin. Saan kaya uuwi ang mga to? "Sabi ko sayo wala eh! Baka aso lang." Rinig kong sabi ni Yslea. "Akala ko kase may sumusunod eh. Napapraning ako! Kung aso edi na amoy ko sana," pahayag ni Skyzer. "You are too sensitive, come on hurry kailangang mabigay na natin to kay Lhiam!" sabi ni Yslea. Tamang tama, papunta sila kay Lhiam. Bakit kailangan ni Lhiam ng ganong gamot? Medyo iningatan ko na para di nila mapansin hanggang sa narating nila ang isang mansion, nakasunod parin ako. Nakaramdam ako ng kakaiba nung naamoy ko ang isang masarap na dugo! Damn! Galing sa mansion ang amoy. Nakakatukso! Kaamoy ito ng dugo ni Rei noong tao pa siya. Nakakatukso talaga ang aroma! It's human blood! A G-type blood! Di ako nagkakamali, amoy ito ni Christie. Paano sila nabubuhay sa paligid ni Christie na may nakakapang-akit na dugo? Paano nila napigilan ang sarili nilang hindi lapain at sipsipin si Christie. Siguro sanay na talaga ang Valliants sa pagpipigil dahil libong taon na silang di pumapatay ng tao para sa dugo! Mukhang nalagpasan na nila ang kahinaan ng pagiging bampira. Kahinaan ng mga bampira ang G-type blood! Alamin ko ang kahinaan nila. Kailangang mapalapit ako para malaman yon. Sa ngayon balak kung unahin ang magkasintahang Yslea at Skyzer pero magpapaalam muna ako kay Luffer bago gumawa ng hakbang! Pero di ko talaga mapigilan ang sarili ko kaya sinundan ko ang amoy ng dugo! *** (Christie POV) "Chris ito na ang gamot mo! Twice a day mo lang siya inumin. Isa sa gabi isa sa umaga," sabi ni Yslea. "Sorry sa abala Y. " "Wag kang magalala nakuha ko ng libre yan." Nakangiting saad niya. "I'm feeling better now. Thanks to you." Pasalamat ko. "Wala yon. Sige puntahan ko muna si Sky, nagpaiwan eh. May nararamdaman daw kase siyang nakasunod kaya lumabas uli siya para tingnan!" paalam ni Yslea dali daling lumabas ng silid. Tumayo ako para kumuha ng tubig para makainom na ng gamot. Humakbang ako malapit sa bintana at binuksan ng kurtina. Saan kaya si Lhiam? Nagulat ako nung may namataan akong tao yata o bampira sa labas ng bintana netong silid. Nakatingin siya sa kung saan ako. Sino siya? Ngayon ko lang nakita ang mukha niya malabo pa dahil malayo! Sigurado akong bampira siya! Sasabihin ko ba kay Lhiam o wag na? Dahil kapag sabihin ko to abala na naman to sakanya! Damn! Nakakatakot naman titigan ng isang nilalang mula sa malayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD