Lapagan Katulad ng unang araw nang opisyal na idineklara ng Konseho ng Mga Taklobo na nawawala ang Haring Dagat, muli na namang nagkakagulo sa kaharian ng Ayisa. Ngunit sa pagkakataong ito’y ibang uri ng kaguluhan ang sumalubong sa lahat ng maaaring maligaw sa masangsang at binuburak nang komunidad ng mga taga-Ayisang piniling manatili sa kanilang tubig na sinilangan (o marahil dahil wala naman silang ibang pagpipilian kundi ang manatili dito anuman ang mangyari). Oo, ibang uri ng kaguluhan na mababakas sa mga sabik at nakangiting mukha ng lahat na kasalukuyang nakapila sa mahabang pila na abot ang isang dulo mula sa terasa ng Simboryo, at ang kabilang dulo nama’y sa gilid ng isang coral reef – kung saan naka-istasyon na ngayon ang ulilang dalaga na si Perla. Bagaman mas malala na ang ka

