IM 6: Ang Bata

2468 Words
FERNANDO ANG BILIS nakarating ni Carmelita sa restobar. Nilakihan ko ang aking mga hakbang para makahabol dito. Nagsimula na itong mag-ayos sa restobar ng madatnan ko ito. "Ma'am, ako na po." Inagaw ko ang upuan na ibaba nya sa sana na nakapatong sa isa sa mga lamesa. "Ako na," pagpupumilit nito at hindi binitawan ang upuan. "Ako na, ma'am. Magpahinga na lang po kayo. Ako na po ang maglilinis dito," ang sabi ko sa kanya. Tinignan nya ako at nakataas na naman ang isang kilay nya. Ang ganda talaga ng mga mata nya lalo na kapag maliwanag. Kitang-kita ang pagiging blue nito. "Ako na sabi," sabi nya. Nagkasubukan kami ng tingin. Ah, ganito pala ang gusto nya. "Ako na po," hila ko sa upuan. Nawalan ito ng balanse at nabunggo sa akin. Napakapit sya sa dibdib ko para sa suporta. Dahil na rin siguro sa instinct, napahawak ako sa braso nya para alalayan ito. Nagtama ang aming mata. Heto na naman ang kiliting nararamdaman ko sa aking kaibuturan dahil sa simpleng pagkakahawak ko sa kanya. Hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito. I admit that I am attracted with her physically pero hanggang doon lang yun. Tuloy pa rin ang planong paghihiganti ko dito. It's obvious too na may something din ito sa akin. If that was attraction or lust, that is a good sign. Pero hindi ko alam kung guni-guni ko lang yun, but I saw something strange from her eyes that are looking at me now. Is that... longingness? Ilang minuto rin kaming nasa ganung position. Natauhan lamang kami ng marinig namin sina Dylan at Cole na nagtatakbuhang dumating sa restobar. Agad kaming lumayo sa isa't isa at nagkunwaring naglilinis. Isang metro agad ang layo ni Carmelita sa akin. Ang bilis nya rin, eh. "Panalo ako. Yes!" sabi ng bagong dating na si Dylan. Dala-dala nito ang long board at nakasuot ng wetsuit pero nakababa na ang pang itaas nito. Mas matikas pala ito kaysa kay Cole. Si Cole kasi ay katamtaman lang ang laki ng katawan. Hindi payat, sakto lang. Nakasunod si Cole dito na dala-dala rin ang long board. Tulad ni Dylan ay nakawetsuit ito. Humihingal pa ang isang kambal. "Hi, Kuya Ando at Ate Car," bati nito sa amin. Nauna nya kaming nakita dahil nakatalikod si Dylan at tuwang-tuwa sa pagkakapanalo nito laban sa kapatid. Kung ano man ang napanalunan nya, hindi ko alam. "Ay, nandyan po pala kayo. Hello po, Kuya, Ate," sabi ni Dylan. "Hello," sabay pa naming sabi Carmelita. Nagkatinginan tuloy kami pero una syang bumitaw ng tingin. Napangiti na lang ako. Ang cute nya. Nagbablush pa si ateng, oh. "Ate Car, kami na dito," sabi ni Cole. "Okay, sige. Sa office na lang ako," sabi ni Carmelita. Nakita kong saglit syang tumingin sa akin. Nginitian ko lang ito pero dineadma nya lang ako. Napangiti pa rin ako kahit ganun. Ang sarap asarin ng babae. Sinundan ko ito ng tingin. Nakita kong naroon din pala si Agatha. May sinabi ito kay Carmelita na hindi ko na narinig kasi medyo malayo ang mga ito. Pero mukhang hindi maganda ang sinabi ni Agatha kasi nag-fist sign si Carmelita dito. Tatawa-tawa ring sumunod ito kay Carmelita pagkatapos nya akong tignan ng makahulugang tingin. Ewan ko lang kung guni-guni ko ulit pero feeling ko ay minamatyagan ni Agatha ang mga kilos ko. I have to be careful from now on, if that's the case. Nagsimula na nga kaming maglinis ng kambal. I asked them to teach me how to surf while we were cleaning, which they willingly agreed. Ang bait ng kambal na 'to. Kung tutuusin ay estranghero ako sa isla pero the way they treat me is as if I was a long time employee or a friend here. I am really glad I bumped into them. Kalaunan ay dumating na rin si Onin. Nasa kusina na si Kuya Morris kanina pa. It was 2pm when we finished cleaning the whole restobar. Pagkatapos ay bumalik kami sa staff house para magbihis. Ibinigay na lahat ni Cole ang uniform kong apat na paresan. Kasya naman lahat pero medyo fit lang ulit. So, hindi ako pwedeng tumaba dahil hindi na kakasya yung polo shirt kapag nagkataon. Anyway, there were few people na nag-aabang na bago pa nag-open ang restaurant. By three in the afternoon, dagsaan na ulit sila at may pila na sa labas. Maswerte yung nakapareserve. Carmelita was looking so fresh sa sundress nyang match sa polo shirt ng mga employee. Ito ang nagsisilbing hostess since mamaya pa namang alas-nwebe mag-oopen ang bar. As usual ay cashier si Agatha. She's wearing the same sundress na suot ni Carmelita. Talitha was out of nowhere pero baka pinabantayan na lang ni Agatha dahil abala ito. Time flies so fast and it was evening again. I can see how Carmelita was so hard working despite owning a restobar. Kung ibang may-ari pa yun, maghahire lang talaga ito ng mag tauhan at magsisitting pretty. Ako pa rin ang nakatoka sa pagkuha ng order at ang kambal ang tigahatid ng order. Ngayon ko lang napansin na may mga dalagang locals at foreigner na panay ang pacute sa kambal. Syempre hindi rin ako exception, ilang dalagang babae ba at medyo may edad na babae ang humingi ng number ko? Hindi ko na mabilang. There was a group of gays as well na nagrequest talaga na ako ang maging waiter nila. Mukha naman silang harmless kaya okay lang sa akin tsaka sinabihan din ako ni Carmelita na i-entertain ko daw sila. Kaya ayun, masunurin ako kaya sumunod naman ako sa gusto nya. Anyway, it was worth it kasi ang laki ng tip na binigay nila. And take note, babalik daw sila mamaya pag-open ng bar. I earned a lot of teasing from the boys ng kumakain na kami ng hapunan. We were laughing and enjoying the food when a worried Agatha appeared in the kitchen. "Nakita nyo ba si Talitha?" naiiyak na tanong nito sa amin. "Hindi, ate. Bakit po?" tanong ni Cole. "Oh god. Nasaan kaya ang batang yun!" Tuluyan ng bumuhos ang luha nya. Humahagulhol na ito kaya nilapitan sya ni Kuya Morris. "Iha, iha, maupo ka muna. Sabihin mo sa amin kung anong nangyari," sabi ni Kuya Morris. Mabilis kong inabot ang inuupuan kong monoblock sa kanya. Umupo naman ito doon pero iyak pa rin ito ng iyak. "Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Carmelita na dumating na rin sa kusina. Tinawag pala ito ni Dylan. "Bes, bakit? Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" "Si Tali... Bes... S-si Tali..." Hindi makapagsalita ng maayos si Agatha. Parang maghahyperventilate pa ito. "Cole! Kunin mo yung inhaler ni Agatha. Nasa opisina ko. Dali!" sigaw nya. Mabilis namang sumunod ang inutusan. Nakaluhod si Carmelita sa harapan ng kaibigan. "Tubig, please!" Mabilis na nag-abot ng isang basong tubig si Onin. "Bes, please, breath in, breath out. Kausapin mo kami ng maayos." Todo pa rin ang iyak ni Agatha pero tumango ito sa kaibigan habang pinapahid ang luha. Binigyan ito ng isang box ng tissue ni Kuya Morris. Kumuha ng tissue ang babae at ginamit iyon sa pagpahid ng luha tsaka nagbuga ng sipon. "Drink this," abot ni Carmelita sa isang basong tubig. Uminom naman ang kaibigan. "Now, tell me, anong nangyari?" tanong nito sa kaibigan ng kumalma ng kaunti si Agatha. "Y-yung t-tatay ni Tali. K-kinuha nya si Tali." umiiyak pa rin ito pero nasabi nya ng paunti-unti ang mga katagang yun. I was just observing them. Hindi ko naman kasi alam kung akong sitwasyon. Magmamatyag lang muna ako sa ngayon. Sa narinig, napamurang napatayo si Carmelita. "Papatayin ko ang putanginang lalakeng yun! Ang kapal ng mukha nya!" Napatayo sa galit na sabi ni Carmelita. Mas lalong napaiyak si Agatha. Nakarating na si Cole pero hindi muna nag-interrupt sa usapan. Hawak na nito ang inhaler ni Agatha. Ang weird pero bakit ganun yung nararamdaman ko? Bakit ang sexy ni Carmelita kapag nagagalit? Ah, Fernando... focus! "Paano nya nakuha si Tali?" tanong ulit ng boss ko sa kaibigan. "K-kanina ka-kasi busy t-tayo. Pinabantayan ko s-sya kay Madeline. Nakatulog yung dalawa sa bahay, ta-tapos nung nagising na si Madeline, nahuli nya si Ja-janus na kinakarga si Tali pero bago pa daw sya makareact, tinakpan daw ni Janus yung ilong nya ng panyo pagkatapos n-nun nawalan ulit sya ng m-malay," paunti-unting kwento ni Agatha. "f**k that man!" Pabalik-balik ng naglalakad si Carmelita sa harapan ni Agatha. Gigil na gigil talaga ito. "Ilang oras na ba ang nakalipas ng makuha si Tali?" hindi ko na napigilang sumabad. "A-an hour or less than that," sagot ni Agatha. "Hindi ba tayo pwedeng magpatulong sa mga pulis o sa ibang opisyal ng isla? Mas mahihirapan kasi tayong hanapin si Tali kung maiilabas nito ang bata sa isla," komento ko. "Tatawagan ko si Kapitan," narinig kong sabi ni Onin. Agad itong nagdial at kinausap ang kapitan. Kung sino o anong kapitan man iyon, hindi ko alam. "May kakilala ba kayo sa port? Mga opisyal din sana, para masigurado lang na hindi makalusot sila Tali kung balak mang ilayo sya ng ama nya," ang sabi ko. "Sinabihan ko na rin si Kapitan," sabi ni Onin at pinatay na ang phone nito. "Magpapadala daw sila ng mga pulis sa port at may magpapatrol na ngayon sa isla." Tumango ako sa sinabi ni Onin. "Agatha, may alam ka ba kung saan pwedeng dalhin ni Janus si Tali kung sakaling wala itong balak ilabas ito sa isla? Pwede kasing pinagplanuhan din nito ang lahat. Na alam nyang maghahanap tayo ngayon at magpapatulong sa mga pulis kaya baka alam mo kung saan sya pwedeng magtago muna kasama ng bata hanggang sa pwede na nyang itakas si Tali ng walang abala," I asked Talitha's mom. Aware akong nakatingin silang lahat sa akin ngayon. Maliban kay Agatha na nakayuko at umiiyak pa rin. May masama ba sa sinabi ko? Hindi ba make sense naman yung mga theory ko? "Sa lumang bahay nila..." sabi ni Agatha. "Sa lumang bahay ng pamilya nila," ulit nya. "Let's go. Tayo na lamang ang maghanap sa inaanak ko," sabad ni Carmelita. Kami naman ang napatingin sa kanya. "Cole, Dylan, close muna ang bar tonight. Kayo ng bahala dito.  Ando, Onin, sumama kayo sa amin. Tara, Bes." Tumango naman ang umiiyak na babae sa kaibigan. Nagpatiuna ng naglakad ang dalawang babae sa fire exit ng kitchen. Sumunod naman kami ni Onin. Yung pintuan na yun ay palabas pala ng parking area. "Ikaw na ang magmaneho," binigay ni Carmelita sa akin ang susi. Tumango lang ako at agad na sumampa sa sasakyan. Sumakay naman ang tatlo. Ang dalawang babae ay nasa likuran, katabi ko naman sa harapan si Onin. Tumawag ulit si Onin sa kapitan at sinabi ang address kung saan sila pupunta. Sinabi kasi ni Agatha na may tendency na manakit yung Janus. We need someone from the authority para magback up sa amin in case mabaliw nga yung Janus na yun. In thirty minutes, we've arrived sa isang bahay sa medyo malayong parte ng isla. It was a small bungalow house. Mukhang abandona nga ang bahay at medyo masukal na iyon. But hope was filled with us when we saw a small light from inside the house. Bababa na sana si Agatha pero pinigilan ko ito. "Ma'am, hayaan nyo pong kami muna ni Onin ang lumabas para suriin ang loob ng bahay," ang sabi ko na kay Carmelita nakatingin. "Sige. Mag-iingat kayo," nag-aalalang pahayag nito. Nagsisimula na ulit umiyak si Agatha. Niyakap na lamang ito ng kaibigan. "Tara, Onin," nakatingin na sabi ko kay Onin. Tumango ito at sabay kaming bumaba ng sasakyan. Wala kaming dalang kahit na anong panangga ni Onin kaya kumuha kami ng kung ano lamang na pwedeng maging armas. I am not sure why am I risking my life with this pero naaawa kasi ako kay Agatha. Kung ako rin nasa kalagayan nya, mababaliw din ako sa kakahanap sa aking anak. Nakakita ako ng 4x4 na kahoy na dalawang metro ang taas at pinulot ito. Nakita ko namang pumulot ng malaking bato si Onin. Hinay-hinay kaming pumasok ni Onin sa bahay. Si Onin ang nagbukas sa pinto at una akong pumasok. Wala kaming nakitang tao sa living room kaya tahimik kong inaya si Onin na i-check ang mga kwarto. We saw Talitha lying on the bed. I carefully examined Talitha's vitals and Onin checked the room. Nakahinga ako ng maluwag ng makaramdam ako ng pulso ni Talitha. Mahimbing lang pala itong natutulog sa kama.  "Kumusta sya?" Onin whispered. "Okay naman sya, palagay ko. Natutulog lang pero dalhin na lang sa ospital para masuri ng mabuti." With that, maingat kong binuhat ang bata. Tulog na tulog ito at parang nanaginip pa dahil yumakap ito sa aking at isinandal ang ulo sa aking balikat. Hinagod-hagod ko naman ang likod ng bata to comfort her. We heard the police arrived and we were relieved. Lumabas na kami ni Onin at umiiyak na sinalubong ni Agatha. She immediately took Tali from me at doon naalimpungatan ang bata. Dahil nakikita nyang umiiyak ang nanay ay napaiyak na rin ang bata. After a while, a medic came at isinakay sa ambulance ang mag-ina na sinamahan ni Onin. Naiwan kami ni Carmelita para magbigay ng statement. Hindi na nakita ang tatay ni Talitha at marahil na nakapagtago na ito ng mamalayang dumating kami. Whatever his plan is, I am sure we have disrupted it. The police said he might be back to get Talitha again, so they promised to tightened the security near the resort. Pagkatapos makuha ng police ang aming statement, tahimik kaming umuwi sa resort ni Carmelita. Kahit kami na lamang dalawa ay sa likod pa rin ng sasakyan ito umupo. Tahimik lang itong nakatingin sa labas ng bintana. Nagnanakaw ako ng tingin sa rear-view mirror at ewan ko kung gusto talagang ma-stiff neck ni Carmelita dahil hindi talaga ito gumagalaw sa posisyon nya, hanggang sa makarating kami sa resort. Nakapark na ako at papatayin pa lamang ang engine ng magsalita ito. "Maraming salamat sa tulong mo ngayon, Ando." Nakatingin ito sa rear-view mirror. I smiled and looked back at her. "Walang anuman, ma'am." May sasabihin pa sana sya ng kinatok na kami ng nag-aalalang kambal. Nasa likod din nila si Kuya Morris. Kaya bumaba na kami ni Carmelita. We explained what happened and they were relieved knowing na safe na si Talitha. Nagkasundo kaming hintayin na makauwi si Onin at ang mag-ina galing ospital. We were about to fetch them pero tumawag si Agatha kay Carmelita at sinabing ihahatid daw sila ng mga pulis sa resort pagkatapos masuri ng doctor ni Talitha. Kaya naghintay na lamang kami. Dumating ang tatlo bandang alas onse na at inihatid ng mga pulis. Talitha was sleeping again kasi tinurukan ito ng pangpakalma, sabi ni Agatha. Carmelita dismissed us and even told us na wag kaming mag-alala dahil bayad pa rin daw kami tonight. Pagod ang lahat, physically at mentally, kaya nagsiuwian na rin kami. At tulad ng sinabi ng mga pulis, nag-assign sila ng magroronda sa resort. Medyo napanatag naman ang loob ng lahat pero ewan ko ba kung bakit iba ang pakiramdam ko sa nangyayari. Hindi ko mawari at hindi ko gusto yung nararamdaman kong parang ito pa lang ang simula ng hindi magandang kaganapan sa isla. Did I really make a good decision coming here in Isla Marupok? Because I am not sure now if I did.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD