IM 7: Ang Chismis

2054 Words
FERNANDO  ONE WEEK has passed after the kidnapping incident of Talitha. Medyo bumalik naman sa normal ang lahat ngayon compare nung nakaraang mga araw na sobra yung pagiging praning ng mga tao sa resort.  Lahat kami ay nakabantay ng mabuti kay Talitha.  Medyo naawa nga ako sa bata kasi parang nagkatrauma ito saglit at lagi ng tahimik magmula ng mangyari yung pagkidnap ng sariling tatay sa kanya. I can only imagine the confusion she’s having. Pero dahil bata pa rin naman ito, naibalik din yung dating sigla nya. Salamat sa mga kuya at ate nya sa Mairaos Resort para pasiyahin sya ulit.  Medyo close na kami ng bata. Ito na nga minsan yung lumalapit sa akin at minsan sya pa ang nagpapakarga. Well, hindi ko sya masisisi. Choosy pa ba sya sa poging katulad ko. Anyway, back to regular programming kumbaga. Pero si Carmelita ganun pa rin, masungit at laging nakasimangot. Parang laging may regla yung babaeng yun. Ewan ko ba. Pero sa akin lang naman sya laging nagsusungit. Siguro dahil lagi rin akong nagpapacute sa kanya kaya lagi nya akong sinusungitan. Defense mechanism, eh?  Minsan ramdam na ramdam ko ng bibigay sya, eh. With the small touches, yung minsang hindi inaasahang pagdikit ng aming mga katawan at mga pasulyap-sulyap nya, I can tell she has really a crush on me.  Anong pumipigil dito? Simple lang naman ang sagot. Dahil mahirap ako. Kaya kahit pa may negosyo na sya at mapera, once you got the taste of easy money, I bet mahirap ng magbalik-loob sa tamang prinsipyo.  Pero infairness, medyo matatag si Carmelita. Hindi basta-basta natitibag ang “no poor boyfriend” policy nito. What I mean is, I was living here in Isla Marupok for a week now and I tried seducing her of course, pero man... medyo matigas din sya.  We will have moments together but that’s just it. I can’t even get on the first base. Puro tsansing lang at pagpapacute ang nagagawa ko. It was frustrating pero challenging at the same time.  Kung nasa Maynila pa ako, hindi ko na kailangan magsalita pa, tititigan ko lang ang mga babae at kusa na silang lalapit sa akin na parang mga ahas kung kumapit. Tapos syempre hindi lang hanggang sa titigan, matetake home ko pa at libreng protected s*x.  Yeah, I am really careful of that. Iba na rin kasi ang panahon ngayon. Hindi mo na alam kung sino ang healthy at walang sakit. Kaya importante ang protected s*x, lalo na pag hindi mo partner ang kasex mo. Take note.  “Kuya Ando, may naghahanap sa’yo,” kausap ni Talitha sa akin na nakalapit na pala na hindi ko namalayan.  Naglilinis na kasi ulit ako sa bar. Mga 12:30 in the afternoon pa at wala pa ang kambal. Hindi ko alam kung saan na naman nagpunta. Arman was there too pero sa labas ito naglilinis.  Oo, nakilala ko na ang security guard nilang si Arman. He was a big guy. Mas malaki pa ata sa akin at mas buff. Pagnakikita ko sya’y para syang si The Rock sa paningin ko. Medyo nakakatakot ito sa unang tingin pero very friendly din ito at mapagbiro.  “Ha? Sa akin? Sino, Tali?” tanong ko sa bata.  Lumuhod ako para magkalevel kami ng tangkad.  “Si Ursula po,” ika nya at tinuro ang babaeng nakatayo sa entrance. Nagtatakang sinundan ko ng tingin ang tinuro nya.  “Ha?” Ah, si Maribel pala.  “Hello, papi,” masayang bati ng babae. May dala itong plastic ware na hawak-hawak ng magkabilang kamay nya. As usual, nakacroptop na naman ito at pekpek shorts. Ilang beses na rin nya akong binibisita at dinadalhan ng pagkain. Kaya sigurado akong ulam o pagkain ang nasa plastic ware na dala nya.  “Hello, ma’am,” bati ko rin sa kanya at tumayo na ako. Si Talitha naman ay nagtago sa likod ko. I wonder kung bakit Ursula ang tawag nya sa babae? “Hay naku, papi, ha. Sabi ko namang tawagin mo lang akong Maribel or mine, sweetheart, honey, my loves so sweet. Mga ganern. Wag na na yung “ma’am”. Wag mo akong igalang, Ando, my loves. Gusto kong bastusin mo ako,” dagdag pa nya at naglipbite pa.  Kung kailan sya nakalapit ng gahibla na lamang sa akin? Hindi ko alam. Kaya ayun na naman yung mga taksil kong mata. Sa boobs nya na naman nakatingin. Nakadikit na naman kasi ito sa bandang sikmura ko at isang linggo na rin akong tigang kaya hindi ko mapigilang hindi maging marupok.  Don’t touch it, Fernando! Kung gagawin mo yan, susunugin ka ng mga nagbabagang mga mata’ng nakatingin sa likod mo! Warning ng alter ego ko.  Dahil dun, agad akong napalingon sa aking likod. At ayun nga, ang amo kong masungit. Nakataas na naman ang isang kilay nya at nakapameywang sa hindi kalayuan. Napansin din siguro ni Maribel na wala na sa kanya ang atensyon ko kaya sumilip sya sa likod ko.  “Uie, friend,” bati nya sa amo ko. Si Carmelita naman ay hindi nag-aksayang batiin pabalik ang babae nasa harapan ko. “Binibisita ko lang ‘tong baby ko. Baka kasi hindi napapakain ng maayos dito. Sabi ko naman kasi sa kanyang lumipat na sya sa kabila para maasikaso ko sya ng mabuti.” Maribel was smiling at her but the other woman was just glaring, hindi sa isang babae, kundi sa akin. Patay na naman ako neto. Ihahanda ko na ang tenga ko. Kasi mamayang pagkaalis ni Maribel, ratrat na naman ang aabutin ko kay Carmelita.  “Sya, sige. Iwan ko na lang ‘to, papi, ha. Kainin mo yan,” aniya at ibinigay ang plastic ware na dala. Kinuha ko naman ito kasi ayaw kong magpakarude. Mabait po talaga kasi ako. Tsaka masarap din magluto si Maribel. No joke. Though mas masarap magluto si Kuya Morris pero yung luto ni Maribel, pasado na rin. “Pagkatapos mong kainin at gusto mo ng dessert, nasa kabilang bakod lang lang ako, ha,” bulong na sabi nya at kumindat pa bago tuluyang umalis.  Napangiti akong kinakabahan sa sinabi nya. Damn, that woman. Err... humanda ito sa akin kapag natapos ko na yung goal ko dito sa Isla.  “Gusto mo bang lumipat?” Nagulat ako sa nagsalita. Her voice was so cold na feeling ko ay parang ilang balde ng yelo ang ibinuhos sa akin. I slowly looked at her but instead of seeing an angry face, expressionless na mukha ni Carmelita ang aking nakita.  “Ah, l-lumipat s-saan, ma’am?” Why am I stuttering? Tangina. Bakit ba ako natatakot sa babaeng ito?  “Lumipat doon, sa resort ng babaeng haliparot,” yung pagkakasabi nya sa bawat words ay may diin at parang matutusok ka. Yung tipong with conviction pero nakapoker face pa rin sya. How can she do that?  “Ay naku, hindi, ma’am. Dito pa rin ako sa Mairaos. Sa’yo lang ako, ma’am. Wag kang mag-alala.” Nag-ingat ako sa gagamitin kong mga kataga. Mahirap na, baka palayasin pa ako dito. Mas mahirap para sa aking isagawa ang plano ko.  Effective naman, kasi parang kumalma na sya. And did I just see a quick smile? Kasi I made sure na diinan yung words na “Sa’yo lang ako.” Which is ang mga katagang marami ng naloko. Anyway, she’s blushing. Whew. Success.  “Hmm. Dami mong alam. Magtrabaho ka na nga. Halika na, Tali.” Iwas nito at umalis na kasama ang batang nakakapit pa pala sa legs ko.  Napangiti ako habang nakatingin sa nakatalikod ng si Carmelita. Mas lalo akong ngumiti at nagpacute ng muli pa nya akong nilingon. Inirapan na naman nya ako. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit imbes na mainis ako dahil inarapan nya ako pero yun pa mismo ang nakapagpasaya sa puso ko.  Bago pa sila tuluyang makalayo, I heard Talitha asking her godmother what is “haliparot” na hindi alam ni Carmelita kung paano sasagutin ang bata. Natawa ako ng mahina. Hay naku, kaya dapat mag-ingat talaga tayong mga adult sa mga pinagsasabi natin kasi mabilis makacatch ng mga panibagong words ang mga bata.  I was smiling ear to ear na agad ding nawala ng makita ko si Agatha sa bar counter. At ayan na naman yung mapanuring tingin na ipinupukol nya sa akin. Though I have helped her to find her child last time and she was thankful for it, hindi pa rin nawawala yung creepy stares nya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero malakas ang kutob kong may ibang kahulugan iyon. Err. Kailangan ko pa nga talagang mas lalong mag-ingat.  Dumating na rin ang kambal at kinuha ang pagkain ng makita nila ito. They immediately knew na galing iyon kay Maribel, kasi ito lang naman ang naglalakas ng loob at laging nagdadala ng pagkain simula ng malaman nyang nandito lang ako sa Mairaos resort. Bumalik na ako sa paglilinis habang kumakain pa ang kambal sa kusina.  And by the way, alam ko na kung bakit Mairaos Resort ang pangalan ng resort. Apelyido pala kasi yun ni Carmelita. And I have learned that she’s an orphan or that’s what she prefers kasi hindi naman daw nito nakilala ang biological dad nya. Ikwinento sa akin ‘to ni Dylan at Cole. Medyo chismoso yung kambal na yun, eh.  I have learned too na nagtrabaho pala si Carmelita sa Maynila for two years pero bumalik na sya last year then binili ‘tong resort ni Don Facundo. Nagmigrate na daw kasi ang Don at ang asawa nito sa states at binenta ng hindi gaanong kalaking halaga kay Carmelita ang resort dahil na rin protege ito ng matanda. Yun ang bersyon ng mga kambal at staff dito. Pero iba ang narinig ko sa ibang tao lalo na ng makapunta ako sa bayan nung day off ko.  It was all bad information, actually. Pasimple akong nagtanong sa mga locals and opened a topic about kay Carmelita at mas madami pa akong nalaman. That she was actually Don Facundo’s mistress at compensation nya yung resort para tigilan na silang mag-asawa.  Kaya rin daw umalis si Carmelita at pumuntang Maynila noon dahil naguilty ito kasi namatay daw sa sama ng loob ang Nanay nya, kasi hindi daw kinaya ng ina ni Carmelita ang pagiging gold-digger ng anak. Pero makapal daw ang mukha ni Carmelita’ng talaga. Siguro daw ay naubos ang sustento nito galing kay Don Facundo o wala itong nakitang tutustos sa mga luho nya kaya bumalik ulit ito last year sa Isla at ginulo na naman si Don Facundo.  Kaya ayun, umalis na lang daw ang mag-asawa kaysa ang asawa nitong si Donya Marta ang mamatay na naman sa sama ng loob. Then her bestfriend Agatha, who is living with her kasi kasabwat nya rin daw ito. Pareho lang daw kasi ang likaw ng bituka ng magkaibigan.  Kaya nga daw iniwanan ni Agatha si Janus dahil pinangakuan daw ito ni Carmelita na hahanapan sya ng mayaman na tutustos sa pangangailangan ng mag-ina. Sobrang mahirap daw talaga sila Carmelita at nagkaroon lamang daw ng pera ang babae ng ganun kadali kasi ginagamit daw nito ang ganda sa pang-aakit sa mga mayayamang DOM at foreigners.  Ilang beses na rin daw inireklamo ang babae ng mga naloko nya sa barangay pero malakas daw ang kapit ni Carmelita lalo na sa Kapitan. Sabi pa nila, pati daw ang kapitan ay naakit ni Carmelita kaya kahit anong reklamo sa babae ay walang nangyayari. At marami pang ibang, hindi tugma sa mga kwento nila Dylan at Cole.  Kasi sa kwento ng kambal, anghel at santa si Carmelita pero taliwas iyon sa sinasabi ng buong bayan dito.  Anyway, mas lalo lang naging solid ang plano kong pang-aakit sa babae. Hindi-hindi ko talaga mapapatawad ang uri nya. Ganung tao na ang aking tinakbuhan sa Maynila pero I will make sure na hindi na ako tatakbo ngayon hangga’t hindi ako nakakaganti. I just need to find the right timing para mahulog ito sa patibong ko.  Tapos na kaming maglinis kasi mabilis namang rumesponde ang kambal ng matapos ang mga itong makakain. Maya-maya ay tinawag ako ni Cole at sinabing pinapatawag daw ako ni Carmelita.  Hindi ko namalayan na napangiti ako sa kanyang sinabi. Ewan ko ba, kasi these past few days, sa tuwing maririnig ko yung pangalan ni Carmelita, iba ang hagod na nararamdaman ng puso ko.  Ah, kasi siguro ay excited akong makapaghiganti sa kanya. Marahil ay ganun. Oo, yun lang naman ang rason.  Anyway, I went to her office and mas lalo pa akong naexcite ng sabihin nyang pupunta daw kami sa bayan. I was so happy na pinigilan ko lang para hindi masyadong halata. And take note, kami lang daw dalawa. Oo, kami lang dalawa!  Hindi ako religious na tao pero ang lakas ko sa itaas ngayon. Dininig agad ang panalangin ko at binigyan ako agad ng perfect timing para maisagawa ko na ang planong pang-aakit sa babae. Well, this is it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD