FERNANDO HINDI natuloy ang planong date namin ni Carmelita. That means made-delay din ang pagcoconfess ko sa kanya. Anyway, mukha nga talaga namang emergency ang pupuntahan nito kasi first time namang nag-cancel ng date namin ang babae. And I trust her kaya it was okay. How ironic, right? Lahat ng pag-aalinlangan at pagdududa ko sa kanya ay nawala na. And now, I am saying that I fully trust her. Natatawa na lamang ako sa aking sarili sa tuwing maiisip ko iyon. It is Sunday at maagang umalis si Carmelita. Umuwi muna ako sa White House kasi wala naman akong gagawin sa resort. Gusto kong magbabad sa dagat pero ayoko ng distorbo kaya namang napagpasyahan kong sa sariling beach house na lang ako magpapakasasa. At baka makita ko na naman kasi si Nana. This past few days ay wala na itong gina

