CARMELITA “OH, iha? Napatawag ka?" narinig kong tanong ni Mang Jose sa kabilang linya. Nagpasya akong tawagan siya kasi nagbabakasakali akong magkasama sila ni Andy. “Sorry sa abala, Mang Jose. Hinahanap ko kasi si Andy. Pumunta po kasi ako sa White House pero wala naman siya dito," wika ko. "Ha? Bakit, iha? Nagkaliwanagan na ba kayo?" "Ha? Ano pong ibig niyong sabihin?" "Kasi nakapunta ka na diyan sa White House. So, nagkaliwanagan na ba kayo na hindi kayo estranghera't estranghero sa isa't isa?" tanong ng matanda. Damn, hindi ko naisip 'yon ah. Pero mag-coconfess na naman ako sa kanya kaya dumiretso na ako rito nang walang pag-aalinlangan. “Mag-uusap pa lang sana po kami," ang sagot ko. "Hmm... Okay, iha. Akala ko ay magkikita kayo kasi hiniram niya ang kotse," bahagi ng matanda

