IM 4: Ang Baguhan

2847 Words
FERNANDO "OH AYAN ang bayad mo," masungit na sabi ni Carmelita habang inabot ang limang daan sa akin. Nag-aalinlangan man ay inabot ko na lamang ito. "Salamat sa tulong kahit sobrang bagal mo," dagdag pa nya. Napakamot na lamang ako sa batok. Sobrang istrikto naman ng babaeng ito. Mabagal pa daw ako eh mas marami pa nga akong nahakot kaysa kay Cole. Hindi na ako sumagot kaya masuri nya akong pinagmamasdan. Is she checking me out? Well, that's good.Iba talaga ang pogi. Nakatingin din ako sa kanya tsaka ko sya nginitian. Umirap naman ito tsaka tumalikod. Doon na ako nataranta at nagpasyang habulin ito bago pa mahuli ang lahat. "Carmelita," Hinawakan ko ang siko nya. Tumigil naman ito, tinignan ang kamay kong nakahawak sa siko nya tsaka tumingin sa aking mukha. "Sorry," hinging paumanhin ko ng nakitang ang sama ng tingin na ipinupukol nya sa akin. "Bakit?" Halata ang iritasyon sa boses nya. Ang sungit talaga. "Ah, eh... baguhan lang kasi ako dito sa isla," tinaasan nya lang ako ng kilay, "baka po kailangan nyo ng helper. Kailangan ko lang po kasi ng trabaho, ma'am. Kahit ano pong trabaho, kargador o basta kahit ano po." Kumunot ang noo ng babae sa narinig. Ang ganda ng babaeng 'to pero laging nakasimangot. Siguro dahil pulubi ako kaya ganito nya ako tratuhin. Kung alam lang nya ang totoo, baka magkumahog at magmakaawa itong sumama ako sa kanya. "So, ngayon ka lang nakapunta dito?" nakataas na naman ang isang kilay na tanong nya. "Ah, opo," pagsisinungaling ko. "Hmm... amoy alak ka, mukhang hermitanyo dahil balbas sarado, mukhang pulubi at mukhang masamang tao..." Aba, nilait pa ako. Gold-digger na nga, matapobre pa. Mas lalo tuloy akong naging determinado sa aking plano. "Pasensya na po, ma'am. May pinagdadaanan lang pero wag po kayong mag-alala, sisiguraduhin ko pong mapagkakatiwalaan at masipag ako. Pinapangako ko pong hindi ako iinom habang nasa trabaho," kumbinsi ko dito. Pag hindi pa talaga ito nakumbinsi, plan B na tayo. Pero nagulat ako sa kanyang sinabi, "Okay. Tatanggapin kita basta tuparin mo ang pangako mo. Kailangan ko rin ng isa pang helper at waiter. Hindi na kaya ni Cole at Dylan ang mga gawain sa resort." Nakahinga ako ng maluwag. "Maraming salamat po, ma'am. Makakaasa po kayo." Sa saya ko'y hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay. Infairness, ang lambot ng mga kamay nya. Pero hindi ko gusto yung kiliting nararamdaman ng katawan ko tuwing nahahawakan ko sya. "O-okay na," Is she blushing? Tagumpay akong napangiti. Akala ko walang bisa ang kagwapuhan ko dito. Pasimple nyang tinanggal ang mga kamay sa pagkakahawak ko. Lihim akong napangiti. "Anong pangalan mo?" "Ando po." Yan talaga ang nickname ko. "M-marunong ka bang magdrive?" "Nang sasakyan po ba?" "Hindi, nang kalabaw," pilosopa nyang sabi. "Si ma'am, mapagbiro." Nginitian ko ito kasabay ng pagkamot sa aking batok. I made sure to flex my biceps. Nahuli ko namang napatingin ito dun at napalunok. Aha, mga babae talaga. "Aish. Marunong ka bang i-drive ako este ang sasakyan na 'to?" Nahuli ang isda sa sariling bibig. Gusto kong matawa ng malakas pero nagpacute na lang ako. "Opo, ma'am!" "Okay, good. Mas mapapakinabangan pa pala kita. Ikaw na ang magmaneho." Inabot nya sa akin ang susi. Ang bilis naman pala magtiwala ng babaeng 'to. Mukhang madali lang talagang mahuli ang loob nito. "Pogi ka man at macho pero wag kang umasa, hindi ako pumapatol sa mahirap," ang pahabol na sabi nito bago pumasok sa bandang upuan ng likod ng sasakyan. Those words turned the table. Napakuyom ako ng aking kamao kung saan hawak ko ang susi ng sasakyan. She's obviously attracted to me, physically. Pero matatag din ito sa kung anong gusto nya. What a challenging woman. I am so thrilled. Ngayon pa lang ay ramdam ko ng mag-eenjoy ako sa bakasyon kong 'to. Napangiti na lamang ako sa isiping yun at sumampa na sa driver's seat ng pickup. "Welcome sa team, Kuya Baguhan," sabi ni Cole ng makapasok na ako sa loob ng sasakyan. "Ako nga po pala si Cole." Nakipagkamay ito sa akin. Tinanggap ko naman ito at ngumiti dito. "Wag po kayong mahihiyang magtanong about sa mga gawain sa resort." "Salamat, Cole. Ako nga pala si Ando," pagpapakilala ko dito. Nilingon ko ang babae sa likuran. Nakaupo na si Carmelita doon, nakadekwatro. At hindi interesadong nakatingin sa labas ng bintana habang nakahalukipkip. "Welcome, Kuya Ando," nakangiti ring sabi ni Cole. Lumabas tuloy ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi. Naaninag ko ang mukha ni Aga Muhlach dito nung kabataan pa ng sikat na artista. "Sya, tama na yan," sita sa amin ng madam sa likod. "Malayo pa ang byahe natin. Ituro mo na lang kung saan ang direksyon sa resort, Cole," dagdag ng babae. "Opo, Ate Car," narinig kong sagot ni Cole. Pagkatapos magseatbelt ay pinaandar ko na ang sasakyan. For now, I need to impress this tigress. I will make sure na bago ko matapos ang bakasyon ko sa islang 'to, luhaan at heartbroken si Carmelita. Oo, yan ang goal ko. Magpapanggap akong mahirap at magiging helper nya sa resort nito. Papaibigin at pagkatapos nyang mahulog sa akin ng lubos, I will dump her. Tutal manggagamit na rin naman sya, gagamitin ko na lang din ito. Hindi ako makokonsensya sa gagawin ko dahil ipaghihiganti ko lang naman ang mga lalaking ginamit nya. Tuturuan ko rin ito ng leksyon sa gagawin kong 'to. Kaya basically, I am giving her a favor. Tsaka dobleng panalo pa ako kasi look at her, she's really beautiful, sexy at sakto lang ang tangkad. No wonder na nagkukumahog ang mga lalake sa isla dito. Ramdam ko yung excitement sa buong katawan ko. Hindi ko tuloy mapigil ang aking mga ngiti lalo na kung nagbabanggaan ang tingin namin ng babae sa rear-view mirror. Iirapan lang kasi nya ako pagkatapos ko syang ngitian. Syempre, sinisimulan ko ng akitin ito. The earlier she falls for me, the better. After two hours, nakarating kami sa resort ng babae. Kakaiba rin yung pangalan ng resort nya, eh. Parang hindi resort, tunog strip club kasi yung pangalan ng resort. Madilim na nang makarating kami doon. Mairaos Resort. Pft. Pinigilan kong wag matawa. Pero nang makapasok na kami sa resort ay nakita kong pwede na rin. Medyo disente naman at modernized ang mga facilities. Halatang nag-invest ng mabuti ang babae dito. Or shall I say, malaking halaga ang nahuhuthot nya sa pagiging kabet ng mga DOM. Ibang klase naman pala. "Dyan mo na lang i-park, Kuya," sabi ni Cole na itinuro ang malapit sa entrance ng restaurant s***h bar ng resort. Sinunod ko naman ito at maayos na nagpark doon. Nakita kong medyo madami-dami na rin ang customer sa loob at medyo busy na ang staff ni Carmelita. Infairness, malakas pala 'tong business ng babae. Nakita kong tahimik ng bumaba si Carmelita. Bumaba na rin si Cole at pagkatapos kong mapatay ang engine ng sasakyan, bumaba na rin ako para tulungan si Cole sa paghahakot. "Kuya Cole!" Narinig ko ang isang batang babaeng tumawag kay Cole. Sabay pa kaming napalingon ni Cole dito. Ang cute ng bata at ang chubby. Palagay ko'y nasa four or five years old lamang ito. Akma itong lalapit sa amin ng tumigil ito at umiiyak na bumalik sa loob ng restobar. "Anong nangyari dun?" tanong ko kay Cole. "Hayaan mo na, Kuya. May pagkaweird talaga yang si Talitha," Talitha pala ang pangalan ng bata. Magandang pangalan. "Tulungan mo na lang akong ipasok 'to sa bodega. Dadagsa na kasi maya-maya ang mga tao, kailangan na po nating bilisan." Nagsimula na kaming maghakot ni Cole. Mabilis kaming natapos. Pagkatapos ay pinasunod nya ako sa isang pintuan na papunta pala sa kitchen. Nang makapasok kami ay nadatnan naming abala ang dalawang ginoo naroon sa pagluluto. "Tito Morris, Kuya Onin, ito nga pala si Kuya Ando, bagong helper at waiter natin," pagpapakilala ni Cole sa amin. "Magandang gabi po," bati ko sa mga ito. Abala ang dalawang lalake sa pagluluto. Infairness, malinis ang kitchen nila at naka-uniform pa ang dalawa na parang mga chef talaga. "Welcome, iho. Ako nga pala si Morris," pagpapakilala ng mas matandang lalake. Pinahid muna nito ang kamay sa suot na apron at nakangiting inabot sa akin. Nakangiting nakipagkamay din ako sa kanya. "Salamat po." Bumitaw kami sa pakikipagkamay. "What's up, bro? Onin here," sabi ng mas batang lalake na kumaway sa akin at hindi na lumapit kasi nasa kabilang dulo ito ng kitchen counter. Tinanguan ko na lamang ito. "May pagkain na po ba, Tito Morris?" tanong ni Cole. "Meron na. Iinitin ko na lang," sagot ni Morris, bumalik na ito sa pagluluto. Si Onin naman ay naghahanda ng mga spices. Wala akong alam sa kusina kaya namamangha ako sa mga lalakeng marunong magluto. Plus pogi points din kasi iyon sa mga babae. Kanya-kanya namang forte sa paglalandi. In my end, hindi man ako master sa kusina, may ibang ways naman ako. Ahem. "Ako na po. Ituloy nyo na lang po ang ginagawa nyo dyan. Upo ka muna dyan, Kuya Ando," Cole said. Uupo pa lang sana ako ng may sumigaw ulit. "Kapre! Mama, yung kapre nasa kitchen!" Nasa pintuan ito at takot na takot na nakatingin sa akin. Napatingin kaming lahat sa gawi ng nagsalita. Ito na naman yung bata kanina na tumawag kay Cole pero nagsisisigaw din na umalis. "Ano bang pinagsaabi mong bata ka?" Appear ng isang babae sa likod nito. "Kanina ka pa sa kapre na yan. Ano bang kapre ang pinagsasabi mo?" tanong nito sa anak. Malamang anak nya nga ang bata, tinawag syang mama, eh. "Mama, ayun po! Ayun po! Kapre!" Turo nya sa akin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ng bata pero yung mga lalakeng kasama ko ay ang lalakas na ng tawa. "Hay naku, bata ka! Hindi yan kapre." Frustrated na napakamot ang nanay ng bata sa ulo nito. "Mama, mama, kapre," takot na takot pa rin ang bata at ngayon nga ay nagsusumiksik na sa legs ng nanay nya. Natawa na lamang ako ng mahina. Si Onin at Cole ay mamatay-matay sa kakatawa. Napalingo-lingong natatawa rin si Kuya Morris. Kaya pala umiiyak na bumalik ito sa restobar kanina ng unang makita nya ako sa entrance. Ang pogi ko naman kapre kung ganun. She's so funny. "Tali, hindi kapre yan," sabi ni Cole at lumapit sa bata. Pagkakakita ng bata dito ay yumakap agad ito sa binatilyo kaya kinarga na lamang ito ni Cole. "Eh ano po yan, Kuya Cole? Nakakatakot po kasi sya at sobrang tangkad nya po," sumbong ng bata na mahigpit na nakayakap kay Cole. Pasilip-silip ang mga mata ng cute na bata sa gawi ko. "Bagong kuya yan," sabi ni Cole. Lumapit ito habang karga ang bata. "Meet Kuya Ando, Talitha," pakilala ni Cole sa aking sa bata. "And Kuya Ando, meet Talitha or you can call her Tali." Nginitian ko ito ng matamis. "Hi Tali, kinagagalak kong makilala ka." Hindi naman nagreact ang bata pero nakasilip lang ito habang nakayakap pa rin kay Cole. "Nahihiya pa 'to, Kuya. Pero mabait na bata 'to kahit medyo may pagkamakulit," sabi ni Cole. Tumango na lamang ako. "Halika ka na nga, Tali. Doon ka na lang sa opisina ng Ninang mo." Kinuha ng babae kanina ang bata mula kay Cole. "Bakit ka nga pala nandito... Ano nga ulit pangalan mo?" "Ando po..." "Ando, bakit ka pala nandito?" muling tanong ng babae sa akin. "Ah, bagong helper nyo po ako dito sa resort at waiter din po. Nakilala ko po si Ma'am Carmelita sa port. Mabait nya po akong tinanggap ng humingi po ako ng trabaho sa kanya. Bagong dating lang po kasi ako dito sa isla tsaka kailangan ko po ng trabaho," paliwanag ko. Matiim akong pinagmamasdan ng babae. Pinasadahan ko ito ng mabilis na tingin. Maganda rin at sexy and babae kahit may anak na. Tanned ang balat, medyo chinita ang itim na mata nito, cute ang ilong, mapula ang mga labi. Kung hindi ako nagkakamali, magkasing tangkad din sila ni Carmelita. Sino kaya ito? "Ganun ba? Sige. Welcome sa Mairaos Resort. Ako nga pala si Agatha, ang general manager dito. Kung may tanong o kailangan ka, pwede kang magtanong sa akin o kahit na sino sa amin." "Salamat po." "Sya, mamaya na lamang kita kakausapin at papakainin ko pa 'tong batang 'to. Mag-oopen na yung bar by 9 pm kaya maghanda na kayo," bilin nito. Tumango na lamang ako at umalis na rin ito. Nakaupo na rin ako sa wakas. Naghanda si Cole ng pagkain namin. At habang kumakain na ay he briefly discussed with me kung anong ginagawa nila sa resort lalo na pag-open na ang bar. Dahil weekday pa ngayon, medyo hindi pa busy ang bar pero pag weekends, dun daw talaga ang dagsa ng customers. Hindi lang kasi bakasyonista ang pumupunta doon para magpalipas oras kundi mga locals din. Sabi ni Cole ay dagsain ang restobar nila sa isla dahil na rin sa masarap na pagkain o pulutan tsaka mababait na staff. Hindi naman nagsisinungaling si Cole, masarap nga magluto si Morris at Onin. Nalaman ko ring chef pala talaga si Kuya Morris at nagsettle lang dito sa isla dahil sa anak nya. Si Onin naman ay graduate rin ng HRM at mas gustong mag-stay dito sa isla kaya dito na lang naghanap ng trabaho dahil nandito rin ang tatay nya at hindi nya maiwan. Nakilala ko rin ang kambal ni Cole na si Dylan. Magkamukha nga ang dalawa pero ang kaibahan ay walang dimple si Dylan. Compare to Cole, si Dylan ang medyo may pagkabad boy look. Mapagbiro rin ito samantalang si Cole ay medyo seryoso. Kaya hindi ka malilito sa kanila. Napag-alaman ko ring twenty years old lamang sina Cole at Dylan, si Onin ay twenty five, si Kuya Morries ay fourty four. Si Agatha na best friend pala ni Carmelita ay magkasing edad which is twenty six years old. Ang cute na anak nitong si Talitha ay four years old. May housekeeper pa silang si Aling Ingrid na tinutulungan ng high school nyang anak na si Madeline. Pero pag gabi ay wala ang mga ito, tuwing may araw lang. May isa silang guard na ang pangalan ay Arman pero nakaleave daw ito dahil umuwi sa kabilang bayan para bisitahin ang may sakit na anak. Bukas makalawa pa ang balik. Short staff nga sila dito kung tutuusin. Pero hindi ko pa naman kasi nakita kung gaano ba kalaki ang resort kaya hindi ko rin sigurado kung sakto lang ang mga tauhan ni Carmelita dito. Mababait naman silang lahat. Nakakatuwa. I actually get along well with them. Pasimple rin akong nagtatanong about kay Carmelita na sinasagot naman nila. Nalaman kong maalaga at mabait na amo si Carmelita. Hindi ko muna tinanong ang about sa mga affairs nya kasi baguhan pa lang ako at baka ma-bad shot ako sa unang araw ko pa lang. "Taga-saan ka nga pala, iho?" biglang tanong ni Kuya Morris. Nakatingin na ang tatlong lalake sa akin. "Taga-maynila po ako," sagot ko. "Bakit ka nga pala napunta dito, iho? Kung okay lang na sagutin mo at wag mong mamasamain," muling saad ng matanda. "Ah kasi..." Ito yung hindi ko napaghandaan pero I decided to tell them the truth, except sa totoong katauhan ko. "Niloko po kasi ako nung mapapangasawa ko. Ipinagpalit po ako sa mayamang matanda." I half-smiled at napakamot sa aking batok. Kapag naalala ko na naman yung ginawa ni Callie at Daddy sa akin, parang gusto ko ng pumunta dun sa bar at tumungga ng alak. Natahimik naman ang mga nasa harapan ko. I can see sympathy in their eyes pero hindi ko kailangan yun. "Tapos na ba kayong kumain?" Sulpot ng isang babae sa kitchen. Paglingon namin ay si Carmelita pala. She looks so dazzlingly gorgeous in her fitted white polo and black slacks. Her hair is tied in a perfect bun. Ang ganda talaga ng babaeng 'to. Pero gaya ng ibang magaganda, ginagamit nya ang kagandahan para manlinlang. Sayang. "Tapos na, Carms. Anong maipaglilingkod ko este namin?" Mabilis na nakalapit si Onin dito at todo ang ngiti. Hmm... napakaobvious naman ni Onin. "Maghanda na kayo," ang sabi ng babae at pinagmasdan muna ako. Ngumiti naman ako dito. Tumaas lang ang isang kilay nya. Ang cute talaga. "Cole, ikaw ng bahala sa baguhan. Dumadami na ang tao." At umalis na ito. Nagsimula na nga'ng naging busy ang mga nasa kusina. Isinama na ako ni Cole at Dylan sa staff house ng mga employees. Akalain mo yun, may kanya-kanyang locker din ang mga empleyado. Nang maibigay sa akin ni Cole ang magiging uniform ko which is a simple yellow flowery short sleeve at kakhi shorts. Nakahiram din ako ng rubber shoes kay Onin dahil magkasinglaki lang ang shoe size namin. May dala akong sapatos pero halatang mamahalin iyon kaya I decided to borrow instead. Naligo na rin ako at nag-ayos ng sarili. I did not bother to shave my beard pero inayos ko na lang at sinuklay ng mabuti. Medyo fitted yung uniform pero okay lang. Nacompliment pa akong macho ni Cole. Anyway, since hindi naman talaga ako marunong mag-waiter, ang sabi nya ay kumuha na lang ako ng orders at sila na ni Dylan bahala sa ibang task. May dagdag din na instruction daw si Carmelita na pag-walang orders, ako daw muna ang magmamatyag dahil wala si Arman. Well, I have to impress my new boss. Kaya gagawin ko ang lahat para mahulog ito sa akin. Sorry na lang kay Onin. Pero magpasalamat nga dapat ito sa akin because I will stop Carmelita from hurting him. Hamak lang naman syang Chef na hindi tipo ng babae at alam kong hindi ito mayaman. Onin will thank me and the others na sasaktan at sinaktan ni Carmelita. Thanks to me, makakaganti na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD