IM 3: Ang Napagkamalan

1989 Words
FERNANDO NATULALA ako ng makarating sa airport. Padalos-dalos kasi akong umalis sa condo kanina matapos makita ang painting ng aking nanay sa pader. Pupunta ako dun sa lugar na ipininta nya. Isla Marupok ang tawag sa lugar na yun. Naalala kong may beach property kami doon na sa akin nakapangalan. Binili yun ni Dad nung labing isang taong gulang ako. At sa ganung edad din ako pumunta sa islang yun. Yun ang unang beses at nakalipas na lang ang ilang taon, ni wala na sa amin ang nakabalik. Pagkatapos mamatay ni Mommy sa aksidente labing pitong taon na ang nakalipas, wala na sa amin ang ni isang nakaalalang bumalik sa isla. Nang wala talaga akong maisip o maalala kung paano ulit makakapunta sa Isla Marupok ay nagpasya na akong buksan ang aking phone. Pero bago ko pa magawa yun ay tinanggal ko muna ang lumang sim card ko at nagpasyang bumili ng bagong sim sa airport.  Nag makabili na ako ng bagong sim card, umupo muna ako sa waiting area tsaka nagsearch ng mabilisan kung paano makakapunta sa Isla Marupok. Nang makuha ko na ang mga detalyeng kailangan ko ay pumila na ako para bumili ng plane ticket. Medyo malayo pala ang isla. Nasa malayong parte ito ng Mindanao. Two hours flight from NAIA to Davao International Airport, six hours drive from Davao airport papunta sa bayan malapit sa isla, tapos two hours naman papunta sa isla gamit ang barge o bangka. Well, nandito na ako. At perfect escape ang isla para sa akin. Mabuti na lamang at nakita ko ang painting ng namayapa kong ina. Kahit matagal ng patay ang aking nanay pero feeling ko'y ginagabayan pa rin nya ako. Minsan, lalo na't frustrated ako o may hindi magandang nangyayari sa akin, may mga bagay na naaalala kong related kay mommy tapos magkakaroon ako ng idea o paraan para masolve yung problema ko. Siguro coincidence lang pero para sa akin, yun ang way ng mommy para gabayan ako kahit wala na sya physically with me. Para syang aking guardian angel. Alak na alak na ako pero pinigilan ko ang aking sarili dahil nasa airport pa ako. Baka masita ako ng mga guard o personnel doon pag nangamoy alak ako. Mukha pa naman akong gusgusin ngayon. Hindi na ako nag-aksayang mag-shave ng balbas ko. Ipinusod ko na lamang ang aking mahabang buhok. May butas na pala 'tong puting damit kong suot na hinila ko lang sa cabinet, nagtattered jeans, at tsinelas. Nararamdaman ko namang nakatingin ang ibang mga pasahero sa akin. Ang iba ay parang naweirduhan at lumayo sa akin. Ang iba naman ay halatang nagpapacute. Hindi ko na pinansin. Wala ako sa mood. Medyo maswerte rin ako ng araw na yun dahil may isang bakanteng plane ticket na papunta sa aking destinasyon na magboboarding na in thirty minutes. Agad kong binili ang ticket na iyon. Agad akong pumunta sa designated gate ng flight ko pagkatapos kong makacheck-in. Naupo ako sa waiting area kasama ng ibang mga pasahero at hindi nga nagtagal ay nag-announce na ang flight personnel para pumila. Nakatulog ako sa buong oras ng byahe. Narecharge na ako ng makababa sa eroplano. Agad akong sumakay ng taxi ng makalabas ako ng airport. Nagpahatid ako sa terminal ng bus kung saan ako sasakay ng six hours. Hindi gaanong katraffic kaya 10 minutes lang ay narating na namin ang bus terminal. Maswerte talaga ako ngayong araw dahil may papalarga na ulit na bus in twenty minutes. Ang nakaganda pa ay ito yung Super Deluxe Bus na may lazy boy. So, hindi talaga ako mahihirapan sa buong byahe. Bago pa man ako sumakay sa bus ay pasimple akong bumili ng anim na can of beers tsaka nagsimula na akong uminom. Sa pagitan ng stopover ay bumababa lamang ako kung ubos na ang inumin ko tsaka ako ulit bumibili ng alak. So, nang makarating kami sa bayan kung saan sasakay ako ng barge para makatawid sa isla, lasing na ako. Alam kong nagtitinginan na naman ang mga tao sa akin pero wala akong pakialam sa kanila. May iilang nakabanggaan din ako kanina. Ilang beses ba akong humingi ng tawad? Kasalanan ko naman kasi. Pasuray-suray na akong maglakad. May isa pa ngang bata na nabangga ako pero ako pa rin ang nagsorry. Nakita kong natapon yung sauce ng kinakain nya sa damit ko pero inirapan lang ako. Salbaheng bata. Nasusuka na ako at umiikot na yung paningin ko kaya umupo muna ako sa tabi. Sa sahig mismo dahil walang ibang upuan doon. Naduduwal na talaga ako at hindi ko na napigilan. Sumuka na ako sa gilid. Mabuti na lang malapit na sa dagat yung kinauupuan ko kaya sa dagat ko nilabas lahat ang nasa loob ng sikmura ko. Duwal ako ng duwal na parang mailalabas ko na lahat ng nasa bituka ko. Pero puro liquid lang naman na malapot ang lumalabas. Kailan ba ako huling kumain? Hindi ko na alam. May lumapit sa akin na parang tanod o staff ng port. Mabuti mabait yung manong at tinulungan ako. Hindi ko namalayan kasi na nasukahan ko na pala pati ang pantalon ko. Tinulungan nya akong makapunta sa CR. Nagbihis ako ng lumang maong shorts na mabuti at nadala ko. Hindi ko rin kasi alam kung ilang damit lang ang dala ko. Basta-basta na lang akong namulot ng damit kanina. Hindi ko rin sure kung nalabhan ang mga iyon. Wala na akong pakialam. Pagkatapos kong magbihis ng pang-ibaba ko, naghilamos muna ako at nagmumog. Medyo okay na ulit yung pakiramdam ko. Lumabas na ako ng CR pero naghihintay pa rin pala si manong sa akin. Tinanong ko na lang din ito tungkol sa barge at tinulungan nya naman ako. Nang masettled na ako sa barge ay iniwan nya na ako. Nag-tip ako sa kanya at nagpasalamat. Ayaw pa nitong tanggapin nung una but I insisted. Pasimple rin akong bumili ng alak at nagsimula ulit uminom. Naramdaman ko na lang na lumarga na ang barge. Ilang can din ng beers ang naubos ko kaya knock out akong nakatulog sa sahig ng barge. Naalimpungatan ako ng gisingin ako ng driver ng barge. "Nandito na tayo. Bumaba ka na, iho," sabi nito. Pinunasan ko muna ang laway ko bago ako bumangon. Maghahapon na ng makarating ako sa isla. Buti na lang maliwanag pa. Pasuray-suray ulit akong bumaba sa barge. Nakita ko pang napailing-iling ang driver sa akin. Medyo okay na ulit ang pakiramdam ko at medyo nawala na ang kalasingan ko ng bumaba ako sa barge. Kaya pagbaba ko'y hindi ko naiwasang mamangha sa nakikita. Napakaganda pala ng isla. Sobrang linaw ng tubig at white sand beach. Wow. Ang ganda. Sobrang refreshing sa mata. Ilang taon na rin kasi akong hindi nakakapagbakasyon. Lublob din ako sa trabaho magmula ng makagraduate ako ng master's degree sa Business Administration sa US. Agad kasi akong pinauwi ni Dad at pinagtrabaho sa kompanya. After six months, ginawa nya na akong vice president. Kaya mas lalo akong hindi nagkatime magbakasyon. Nang maging nobya ko naman si Callie, naging abala rin ito. Kaya mostly ang getaway namin ay date lang sa magagarang restaurant sa lungsod. Hindi pa kami nakaka-out of town. Anyway, it's nice to smell fresh air. I am so glad I went here. Ang problema pala, hindi ko rin alam kung paano pupunta dun sa beach house namin. Tsk. Nakalimutan ko na talaga. Ayoko namang magtanong sa mga kapatid ko. Malalaman nilang nandito ako at baka sumunod na naman. Natutuwa akong nakatingin sa mga taong nandito. Pinaghalo ang locals at foreigners. Fresh faces, fresh surroundings, fresh lahat! Ah, ang sarap ng simoy ng hangin talaga. Iba talaga sa probinsya. Nakatulala lang ako sa gitna ng daan at masayang nagmamasid sa palagid ng may narinig akong boses mula sa aking likod. "Manong," ang tawag nito. Napalingon ako at nakita ang isa sa mga pinakamagandang babae na aking nasilayan sa buong buhay ko. Foreigner ba ito? Mukha kasi itong foreigner. Parang nagulat itong nakamasid lamang sa akin lalo na ng nagtataka akong itinuro ang aking sarili. Ako ba ang tinatawag nyang manong? Mukha na ba talaga akong matanda sa ayos ko at itsura ko ngayon?  Nagkatitigan lang kami ng magandang babae ng ilang segundo pagkatapos ay may dumating na binatilyo. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ng babae. Ang ikinagulat ko ay nang hilahin nya ako at sinabing, "Kuya, tara po. Nandun po yung bubuhatin." Patay na. Napagkamalan pa ata akong kargador. Tahimik na lang din akong sumunod. Huminto kami sa isang umpok ng mga silya na naka-bubble wrap pa. Nagsimulang magbuhat ang binatilyo at nang makita nyang hindi pa ako gumagalaw ay nagtataka lang itong nakatingin sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita at katulad nya’y nagbuhat na ako ng silya. Kaya nagtuloy na ito sa ginagawa at nasimulang maglakad habang bitbit ang silya. Sinundan ko ito sa direksyon kung saan man nya ilalagay ang aming binubuhat. Tumigil ang binatilyo sa isang pickup truck na Nissan Navara na kulay silver. Mukhang may pera ang may-ari dahil hindi ako nagkakamali, latest model itong Navara pickup truck nya. "Ayun oh," sabi ng isang babae na bigla na lang sumulpot. Ang una kong napansin ay boobs. Ang laki. "Ate Maribel, ikaw pala. Magandang hapon po," bati ng binatilyo dito. "Maganda pa ako sa hapon, Cole." Aba, iba rin ang confidence ni ate. Maganda rin naman ito. Sexy pero mas maganda yung babaeng nakita ko kanina. Medyo lamang nga lang itong si Maribel sa dibdib. Toni Fowler ang datingan sa laki. "I can see na nakahuthot na naman si Carmelita sa mga mayamang DOM nya kaya may bago na naman syang mga gamit sa resort ha. Ang galing din ng amo mo, 'no? Iba talaga ang nagagawa ng malandi." Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Pinigilan kong matawa. Nakapekpek shorts lang kasi si Maribel at crop top. Bagay naman sa kanya pero kung makajudge ito sa tinawag na Carmelita'ng malandi, ayoko na lang magsalita. "Ate Maribel talaga. Mapagbiro. Sige po, bubuhatin muna namin yung iba pang silya," magalang na paalam ng tinawag nitong Cole sa babae. Susunod pa lamang ako sa binatilyo ng pigilan ako ni Maribel. "Papi, isa ka na naman ba sa laruan ni Carmelita? Wag kang masyadong umasa." Ang lapit na nito. Actually, nararamdaman ko ng nakadantay ang boobs nya sa bandang sikmura ko. May kaliitan kasi ang babae. Tantya ko'y 5'2" lamang ito, nasa 5'11" naman ako kaya nakayuko talaga akong nakatingin dito. Boobs. Ang laki ng boobs. Napalunok ako. Ni hindi ko na nga napansin ang mukha nya. "Kung gusto mo sa akin ka na lang. Aalagaan kita, promise. Hindi ako katulad ni Carmelita na kailangan pang maging kerida ng mga mayayamang DOM para magkapera. Kayang-kaya kitang buhayin." Hinihimas-himas pa nito ang braso ko. Shit. Pigilan mo ang sarili mo, Fernando! "Wala ka bang ibang gagawin kundi mang-abala, Maribel?" Sabay kaming napalingon ng babae sa nagsalita. Ito yung babaeng akala ko'y foreigner kanina. Ang fluent naman pala nito sa tagalog. "Carmelita," Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo na si Maribel sa akin. Ang bilis magreact ng junior ko. Kalma lang, tsong! Para ka namang ngayon pa nakakita ng malaking boobs. "Wala akong oras makipag-usap sa'yo. Baka mahawa pa ako sa pagiging kerida mo. Sige, bye." Mabilis na nakaalis si Maribel. Hindi ko namalayang nakatingin na pala ako kay Carmelita. Kitang apektado ito sa sinabi ni Maribel dahil namumula ito sa galit. I can hear her cursing under her breath. So, sya pala ang tinutukoy nitong kabet ng mga mayayamang DOM. Totoo kaya? Maganda naman talaga kasi ito. Sexy si Maribel pero mas sexy si Carmelita dahil well proportioned ang katawan nito. Si Maribel kasi nakulangan sa pwet. Manyak! Hindi ako manyak, mapagmatyag lang ako. Sayang naman itong babaeng 'to kung totoo ngang kabet ito ng mga DOM. Isa na namang gold-digger. Nakakasuka ang mga babaeng gaya nya! "Anong tinitingin-tingin mo?" sita nito sa akin. I must have been staring for too long. "Magtrabaho ka na dun! Maabutan pa ako ng gabi dahil sa bagal mo. Bilis na!" galit nitong utos sa akin. Hindi na ako umimik at sumunod na lamang sa utos nya. Habang naglalakad pabalik kung nasaan ang mga hinahakot namin ni Cole ay isang plano ang nabuo sa aking isipan. Mukhang magiging masaya talaga ang pagtira ko sa islang 'to. I am really glad I went here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD