IM 2: Ang Manghuhuthot

1538 Words
"WALA talagang hiya si Carmelita, ano? Balita ko'y may binasted na namang binatang manliligaw dahil hindi ito gaano kayaman. Eh yung binata medyo may kaya lang. Napakaambisyosa talaga ni Carmelita," sabi ni chismosa 1. "Ay, oo nga. Kawawa yung mga binata sa kanya, eh. Makapal din talaga ang mukha ng Carmelita na yun," banat naman ni chismosa 2. "Sinabi mo pa. Mas lalo pang naging mayabang ang babaeng yun ng sya na ang naging may-ari nung dating resort ni Don Facundo." "Naku, paano ba namang hindi mapapasakanya yung resort ni Don Facundo, eh kabet nga sya ng matandang yun. Syempre, pinalabas na binenta daw kuno ng matanda kay Carmelita yung resort bago pa ito umalis ng bansa. Pero ang totoo'y bayad yun sa kanya ng matanda para tumahimik ito at wag ipagkalat na naging sila. Alam mo namang masakitin din yung asawa ni Don Facundo na si Donya Marta. Naku, lagi nga daw nag-aaway ang mag-asawa dahil sa babaeng yun." "Totoo ba? Kaya pala ang yabang ni Carmelita. Makakarma rin yan." "Kayo po yung makakarma kasama ng paninda nyo kung hindi nyo aayusin yung pagbabantay. Puro chismis yung inaatupag nyo. Tignan nyo 'tong mga paninda ninyong isda, ang bubulok. Gaya ng mga bibig nyo," hindi napigilang sumabad ng isang babae sa usapan ng dalawang chismosa.  Sasabad pa ulit sana ang dalawang chismosa ng makita kung sino ang matiim na nakatingin sa kanila. "Carmelita, Agatha, suki, bili na." Hilaw na napangiti ang mga chismosa. "Salamat na lang ho. Baka malason pa kami sa tabil ng dila ng mga tindera ng mga isdang 'to," galit na sabi ni Agatha. "Tara na nga, besh." Hinila nito ang kaibigang walang expression na muli pang tumingin sa dalawang chismosa. Plastikang na ngumiti naman ang mga ito. Napabuntong hininga na lamang si Carmelita habang nakasunod sa bestfriend nyang si Agatha. "Wala ng ibang magawa yung mga tao dito. Hindi na lang maghanap buhay ng maayos eh. Kailangan pa talagang manghamak ng ibang tao. Wala talagang pinipili ang mga chismosa!" talak ni Agatha. Lumabas na lamang ang magkaibigan sa isdaan at tahimik na nakasunod si Carmelita kay Agatha. Kitang-kita ni Carmelita kung ganoong parang mga bubuyog ulit ang mga tao doon habang dumadaan sila. "Besh, pigilan mo ako. Parang gusto kong lagyan ng dinamita 'tong isdaan. Ang daming bulok na tindero't tindera!" gigil na gigil na sabi ni Agatha. Mas nilakasan pa nito ang boses kaya mas lalong pinagtinginan sila ng mga naroon. "Besh, tama na. Hayaan mo na lang. Tara, uwi na lang tayo," aya ni Carmelita sa kaibigan. "Ano? Ni hindi pa nga tayo nakakabili ng gusto nating bilhin? Naku, hayaan mo sila." "Wag na. Magpabili na lang tayo kay Cole at Dylan mamaya na. Uwi na lang tayo." Si Carmelita naman ngayon ang humila sa kaibigan papunta sa sasakyan nitong 4X4 Nissan Navara pickup truck. Wala ng nagawa ang kaibigan nito kundi sumunod. +++ "Besh, sa kwarto lang muna ako. Kayo na munang bahala dito ha," bilin ko sa aking matalik na kaibigan. Nakauwi na kami galing bayan. As usual, wala na naman kaming nabili dahil inaya ko na lamang itong umuwi. Baka kasi sumabog na naman ang may alta-presyon kong kaibigan at makahanap na naman kami ng away sa palengke. Ayoko na ulit mangyari yun. Ayoko ng madamay pang lalo si Agatha sa mga paninira ng mga taga-bayan sa akin. "Sige, besh. Pero okay ka lang ba talaga?" concern na tanong nya. "Oo, ako pa ba," sagot ko dito at ngumiti. "Magpapahinga lang ako ng konti kasi sasamahan ko si Cole sa port mamaya para kunin yung bagong mga furniture." "Eh hindi ka pa kumakain," awat nya sa akin. Tanghali na rin pala kasi. "Mamaya na ako, besh. Kayo na munang bahala dito ha." Hindi ko na hinintay pa itong sumagot at umalis na ako. Ang aking bahay ay nasa likod lamang ng beach resort na aking pag-aari. Isang simpleng three bedroom bungalow lamang ito na syang bahay din ng dating may-ari ng resort. Ang dating pangalan ng resort ay Facundo Beach. Ngayon, ito na ay ang Mairaos Resort. Pumasok muna ako sa kwarto at nahiga. Tsaka ko ipinatong ang isang kamay sa aking mga mata at dun nagsimulang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Magmula ng mapasaakin ang resort na ito, isang taon na ang nakakaraan, kahit anong mga kwento na lamang ang hinabi ng mga selosang mamamayan ng Isla Marupok. Ako si Carmelita Mairaos, twenty six years old. Dito na ako pinanganak at nagkaisip sa Barangay Washington sa Isla Marupok. Nakatapos ako ng vocational course sa Bartending. Ang nanay ko ay patay na at hindi ko nakilala ang aking ama. Hindi na namin napag-usapan ni nanay ang tungkol sa tatay ko pero ang sabi-sabi ay foreigner daw ito. Make sense naman dahil halatang mixed race ang features ko. Ang mata ko'y bluish, natural na pula ang aking wavy long hair, matangos ang ilong, medyo manipis ang aking mga labi, maputi ako noon pero lagi na akong nagbabad sa araw kaya tanned na ang balat ko. 5'5" ang aking height, balingkinitang katawan at single pa rin hanggang ngayon. Kahit nobyo ay wala. Simula pa nung bata ako ay kina Don Facundo na nagtatrabaho ang nanay. Housekeeper sya sa resort at nung nagkaisip na ako'y tumulong-tulong na rin ako sa kanya. Sa resort na rin ako nahasa sa bartending skills ko. Laking pasasalamat ko kay Don Facundo sa pagtuturo sa akin. He was my mentor and my father figure. Pero sadyang madami talagang selosang mga nilalang. Ginawan kami ng issue ni Don Facundo na magkarelasyon daw kami. Mabuti na lamang at mabait ang asawa nitong si Donya Marta. Tiwala naman ang ginang na wala kaming relasyon ng asawa nya. Pero totoo namang may kabet si Don Facundo at yun ang laging pinag-aawayan ng mag-asawa ngunit hindi yun ako. Mas lalo pang nainggit ang mga tao sa amin ng last year ay ibinenta sa akin ng mag-asawa ang resort dahil magmimigrate na sila sa States. Ang kumalat na naman na balita ay pambayad daw ito ni Don Facundo sa akin para wag ko ng guluhin silang mag-asawa. Ang saklap. Nakaangat lang ako ng kaunti pero hinihila pa rin ako ng pabalik ng kapwa ko taga-isla. "Nay, miss na miss na kita," umiiyak na sambit ko. Sa dami ng pinagdaanan ko, masasabi kong nahubog at medyo tumigas na ang aking puso. Pero hindi ibig sabihin na strong man ang personality ko outside this shell, hindi na ako nasasaktan. Hindi pa rin ako nasasanay sa sinasabi nila at walang sinumang masasanay na pagsabihan o pagbintangan ng kung anu-ano. Minsan lang talaga, kailang mong lunukin ang maling sinasabi ng iba tungkol sa’yo kasi life must go on. Ang importante, alam mo sa sarili mong wala kang ginagawang masama. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak, gumaan na ulit ang pakiramdam ko. Tinawagan ko na si Cole, ang isa sa mga kambal na bartender s***h waiter s***h helper ko. Pupunta kami sa port para kunin ang inorder kong mga furniture galing sa Maynila. +++ Sakto lamang ang dating namin sa port dahil dumating na rin ang barge kung saan naroon ang mga furniture na binili ko. Ang Isla Marupok ay located sa medyo dulong parte ng Mindanao. Ang means of transportation lamang para makapunta sa isla ay through boat, barge at ibang private o public vessels. Dalawang oras ang byahe mula sa kabilang port papunta sa isla. Well developed naman ang isla at marami na rin dayuhan ang pumupunta dito. Gaya ng ibang well known beaches, hindi papatalo sa natural white beach sand ang Isla Marupok. Para ma-maintain at maalagaan ang isla, hindi nag-aallow ang tourism dito ng pagpapatayo ng matatatayog na building. Ang pinakamataas na siguro ay four storey hotels ng ibang resort owners. Known din ang isla sa isa sa mga surfing spots kaya marami ring surfer ang pumupunta para maexperience ang big waves ng Isla Marupok. Yearly ay nagkaconduct din ng surfing competition. Actually, nakapunta na ako sa ibang mga lugar at sumubok manirahan sa lungsod pero ika nga nila, there's no place like home. Hinihintay ko na lamang si Cole sa sasakyan ng magtext itong nahihirapan daw itong buhatin ang mga furniture at walang available na kargador. Kaya lumabas ako ng sasakyan para maghanap ng kakilalang kargador sa port. May nakita akong isang matangkad na lalake sa hindi kalayuan. Nakatayo lamang ito sa gitna ng kumpulan ng mga abalang tao ng isla. Nakaputing t-shirt ito na madaming mantsa, hanggang balikat ang buhok at balbas sarado. Nakadenim shorts din ito na butas-butas at nakatsinelas. May dala itong maliit na duffle bag. Hindi ko sigurado kung kargador ito o ano pero sa laki ng katawan nito'y malaki na ang maitutulong nito sa pagbuhuhat. "Manong," tawag ko dito. Tumingin ang lalake sa akin. Nagtataka itong itinuro ang sarili. Saglit akong natigilan. Pamilyar sa akin ang mga matang iyon.Parang nakita ko na ito dati. Pero bago pa ako makapag-isip ulit. Nilapitan na ako ni Cole. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nagpalipat-lipat ang tingin nya sa lalaking ka eye to eye ko ngayon.  Balbas sarado ang lalake kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha nya. Ngunit bakit feeling ko'y kilala ko ito? Familiar talaga kasi ang mga mata nya. Saan ko nga ba sya nakita? Tsaka ang tikas ni manong at infairness, ang pogi na rugged.  "Kuya, tara po. Nandun po yung bubuhatin," narinig kong sabi ni Cole at hinila ang lalake. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nito sa ginawa ni Cole pero hindi naman ito umimik at nagpatianod lang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD