Chapter 62

1500 Words

Agad akong nagsimulang magluto pagkatapos namin kumain ng tanghalian. Nagprisintang tumulong si Drew at pumayag naman ako nang sa gano'n ay makita niya kung paano ako magluto. Matuto siya at di na mauulit pa ang palpak niyang pagluluto. Palihim ko siyang pinagmamasdan habang naghihiwa siya ng karne. Ayos naman ang paghawak niya ng kutsilyo at hindi halatang hindi siya marunong magluto. Kaming dalawa lang sa kusina kaya dama ko ang paminsan-minsan niyang paglingon sa akin na para bang gustong-gusto niya na akong kausapin patungkol kay Jonah. "Wala yata kayong imikan," komento ni Faye nang pumasok sa kusina at kumuha ng tubig sa fridge. "Sige kayo, baka mapanis laway n'yo." Tumawa siya kaya nainis ako. "Anyway, Kuya Drew, thank you pala sa binili mong ice cream. Hayun, nilalantakan na ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD