bc

Sorry, I Love You

book_age16+
704
FOLLOW
4.6K
READ
arrogant
drama
tragedy
sweet
small town
feminism
lonely
virgin
office lady
friends
like
intro-logo
Blurb

Rosel is a twenty-eight year old girl dreaming to have a family before she reached the age of thirty. But seems like she's not destined to have one for every relationship she had always gives her heartaches. Until Drew came into her life. A man whom she dearly love. But how will she cope if she finds out that Drew would never be hers even if she'll trade everything she had?

chap-preview
Free preview
Prologue
"I'm sorry," dinig kong wika niya makalipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin. "I tried, but, I can't...I don't love you anymore." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang huling sinabi niya. Hindi ko matanggap na itatapon niya na lang ang mahigit isang taon naming relasyon. Parang wala akong halaga sa kaniya, parang hindi niya talaga ako minahal. Buong akala ko pa naman ay magpo-propose na siya kaya niyaya niya ako na mag-date kami. Nabalitaan ko kasi sa common friend namin na bumili siya ng engagement ring, at dahil ako ang girlfriend ay nag-assume ako na para sa akin ang singsing na 'yon. Sh*t! Nag-ayos pa naman ako nang bonggang-bongga para sa date naming ito. Inabala ko pa ang kapitbahay kong bakla na make-up artist para lang maging maganda ako sa paningin niya. Higit sa lahat ay nagpalagay ako ng nailpolish nang sa gano'n ay maganda ang daliri ko na paglalagyan niya ng singsing. I didn't expect it. Parang binigyan niya lang ako ng mag-asawang sampal. Todo effort ako pero heto lang pala ang mapapala ko. "Sana mapatawad mo ako," muli niyang saad at pinisil ang kamay ko na kanina pa niya hawak-hawak. "You don't deserve a man like me. Makakatagpo ka pa ng lalaking mas pa sa akin." Mababanaag sa mukha niya ang lungkot na hindi ko maintindihan. Tila pinaparating niyon na unawain ko siya, na pakawalan ko na siya, ngunit sa isang sulok ng aking puso ay may bumubulong na huwag kong gagawin 'yon. "Why?" sa wakas ay naisatinig ko. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili na huwag umiyak dahil ayokong magmukhang mahina sa harap niya. "May third party ba?" "W-wala," nauutal niyang sagot saka ibinaba ang paningin. "It's just that..." "Then, why?" "I told you before na ayokong nag-a-out of town ka palagi. Kagaya ngayon, isang linggo kang nawala." Pinasadahan niya ang buhok gamit ang kaliwang kamay at tila ba gulong-gulo siya sa sitwasyon. "Isang linggo lang naman akong nawala, Love. At saka alam mo naman ang nature ng negosyong mayroon ako. I need to get the best supplier dahil kung hindi wala akong kikitain." "Bakit ba kasi nag-resign ka sa dati mong trabaho?" Halata sa boses niya ang inis. "Maayos naman 'yong pinagtatrabahuhan mong kompanya, 'di ba?" "Robert, I don't like my previous job at alam mo 'yan," tugon ko. "Mababa ang sahod ko sa kompanyang iyon kumpara sa kinikita ko ngayon. Yes, maliit lang ang negosyong mayroon ako, pero natutulungan ko sina Papa at Mama sa pagpapa-aral ng dalawa kong kapatid." "That's another thing, Rosel." Nangunot ang noo niya. "Hanggang kailan ka tutulong sa pamilya mo? You have your own life at hindi mo obligasyon na tulungan sila." Lihim akong napamura. Isa ito sa mga pinagtatalunan namin ni Robert. Ayaw niyang tumutulong ako sa mga magulang ko. Ang gusto niya ay mag-ipon ako nang mag-ipon para kung sakaling magkapamilya kami ay hindi na kami mahihirapan sa pera. Pinilit kong magtimpi kahit sumusulak na ang galit sa dibdib ko. "Hindi naman ako inoobliga ng mga magulang ko na tumulong sa kanila, Robert. Ako ang nagdesisyon na pag-aralin ang mga kapatid ko dahil ako ang panganay. Isa pa, matanda na sina Mama at Papa para magtrabaho. Nararapat lang naman siguro na suklian ko ang paghihirap na ginawa nila noon mapag-aral lang ako sa kolehiyo." "Still, I don't like that idea." Typical Robert. Ngayon ko lang na-realize kung bakit ko minahal ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Masyado siyang selfish, ang gusto niya ay siya palagi ang nasusunod kahit mali. "You're just kidding, right?" tanong ko mayamaya. Hindi na kasi siya nagsalita pa. Tila napahiya siya sa sinabi ko. "You didn't mean what you said a while ago." Bumuntong-hininga siya at mahinang nagsalita, "I mean it. We're over." Muli, ay para na naman akong nakatikim ng mag-asawang sampal. Napakababaw ng dahilan niya para makipaghiwalay sa akin. Simpleng bagay lang naman iyon at puwede naman naming pag-usapan. "I'm tired of this relationship," pinal niyang saad habang nakatingin sa plato niya na puno pa rin ng pagkain. "I really don't like the nature of you work. Almost every month kung mag-out of town ka. Who knows kung trabaho nga ang inaatupag mo." Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Tila pinagdududahan niya ako. Hindi na lang ako umimik dahil ayoko ng makipag-diskusyon sa kaniya pagdating sa bagay na iyon. He's not worth it. Parang gumagawa na lang siya ng isyu para maghiwalay kami. Sa mahigit isang taon naming relasyon ay kilala ko na siya: ang mannerisms niya, ang ugali niya pati na kung kailan siya nagsasabi ng totoo. Alam na alam ko 'yon kaya wala siyang maitatago sa akin. Dahilan niya lang ang pakikipag-meeting ko sa mga supplier pati na ang pagtulong ko sa aking pamilya para makipaghiwalay siya sa akin ng tuluyan. Alam kong may mas mabigat pa siyang dahilan. Tumayo na ako matapos kong kunin ang aking bag. Ayoko ng magtagal pa sa restaurant na ito at baka hindi ko mapigilan ang aking sarili ay mapaiyak na ako ng tuluyan. Ayokong mangyari 'yon, maraming tao roon at ayokong pagpiyestahan ng mga tsismoso't tsismosa. "I guess we should call it quits." Tila ayaw lumabas sa bibig ko ng mga salitang 'yon. Gusto ko lang iparating sa kaniya na ayos lang sa akin ang desisyon niya. Sh*t! Ayokong magmakaawa sa kaniya dahil may natitira pa akong dignidad bilang babae. "Good luck for the both of us." Pinilit kong ngumiti para maitago ang sakit na tila unti-unting lumulukob sa buong katawan ko. Para akong malalagutan ng hininga ano mang oras. Napakasakit isipin na sa ganito lang matatapos ang lahat sa amin ni Robert. Tumayo siya at niyakap ako. "Thank you, Rosel." Ramdam ko na parang nabunutan siya ng tinik sa huling sinabi ko. Ninamnam ko ang yakap niya sa huling pagkakataon. Huli na rin naman 'yon at alam kong hindi na masusundan pa. Pakiramdam ko ay hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya sa akin. Gano'n pa rin ang higpit ng yakap niya na tila ba ayaw niya akong pakawalan. Ramdam ko rin ang ilang buntong-hininga na pinakawalan niya habang yakap ako. "Rosel, I want you to know that you are beautiful in and out," bulong niya. "Don't you forget that. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." Hinaplos pa niya ang aking buhok. Kusa na akong kumalas sa pagkakayakap niya dahil bumalong na ang luha sa aking mga mata, pinagtitinginan na rin kami ng mga taong naroroon. Isa pa ay gumagaralgal na rin ang tinig ni Robert tanda na malapit na siyang umiyak. Gano'n siya palagi kapag mayroon kaming hindi pagkakaunawaan dati. Mababaw ang luha niya kumpara sa ibang lalaking naging kasintahan ko. "I have to go, Rob," usal ko at pilit na ngumiti. "See you when I see you." Tumalikod na ako at hindi ko na hinintay ay isasagot niya. Sunod-sunod na kasi ang pagpatak ng luha ko at ayokong makita niya iyon. Tuluyan na akong lumabas ng restaurant at naghintay ng taxi pauwi. Hindi ko lubos maisip kung bakit palagi na lang ganito ang kinahihinatnan ko. Tila ba wala akong karapatang maging masaya. Pang-apat si Robert sa mga naging kasintahan ko. Ang akala ko ay magtatagal kami dahil umabot kami ng mahigit isang taon. Ang akala ko ay siya na ang lalaking para sa akin, pero hindi pala. Mabuti na lang at hindi ko naibigay sa kaniya ang isang bagay na pinakaiingatan ko kahit ilang beses na siyang nagyaya na mag-motel kami. Marahil ay isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya sa akin. Muling tumulo ang aking luha. Tanghaling tapat pero hindi ko alintana ang init ng araw sa kinatatayuan ko. Nagkasya na lang ako sa pagpunas ng aking luha habang naghihintay ng taxi. Siguro kung naibigay ko ang aking p********e kay Robert ay hindi magiging ganito ang lahat. Siguro hindi niya ako hihiwalayan. Siguro ipaglalaban niya ako sa mga taong gustong sumira sa relasyon namin. Siguro... Napabuntong-hininga na lang ako at pinara ang paparating na taxi. Agad akong sumakay dahil nahagip ng paningin ko ang paglabas ni Robert sa restaurant. Ayoko ng makipag-usap sa kaniya dahil lalo lang lalala ang sugat na iniwan niya sa puso ko. Nakipaghiwalay siya sa akin sa napakababaw na dahilan. Dumiretso ako sa kwarto nang makarating ako sa bahay. Doon ay pinakawalan ko ang sakit na kanina ko pa nararamdaman. Halos maglupasay ako sa sahig dahil sa paghihiwalay namin ni Robert. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa wala na akong mailuha. Namamaos na rin ang boses ko ngunit tila hindi man lang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Parang hinihiwa ang aking puso, napakahapdi niyon at kahit sumigaw pa ako ay hindi mawala-wala, bagkus ay lalo pang nadadagdagan. Namalayan ko na lang na tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na sana iyon sasagutin pero nabasa ko ang pangalan ni Mama sa screen. Dinampot ko iyon at inilapit sa tainga ko. "Hello." Pilit kong pinasigla ang aking boses. "Ate." Nabosesan ko ang bunso kong kapatid. Laking pasasalamat ko na hindi si Mama ang tumatawag dahil tiyak kong mag-aalala iyon kapag napansin ang pamamaos ng boses ko. Ayokong nag-aalala siya dahil tumataas ang dugo niya. "Faye," usal ko. Hindi ko na naitago ang sakit na nararamdaman ko. Beinte anyos na si Faye at bukod sa dalawa kong kaibigan ay pinagkakatiwalaan ko siya sa lahat ng bagay sa buhay ko. Wala akong itinatago sa kaniya. "Faye, ang sakit. Ang sakit-sakit." "Ate." "Ang Kuya Robert mo. Hiwalay na kami. Nakipaghiwalay siya sa akin kanina." Tuluyan na akong umiyak. "Ate, nakita ko si Kuya Robert kahapon kina Tata Vering. Kasama niya ang mga magulang niya." Napakunot ang aking noo kasabay ng malakas na pagkabog ng aking dibdib. Hindi, hindi 'yon maaari. Huwag naman sana mangyari ang kutob ko. "Faye, ano ang ginawa ni Robert kina Tata Vering?" "Ate," gumaralgal ang tinig niya. "Faye?" muli kong tanong kahit alam ko na ang sagot. "Ate, namanhikan sila kina Tata Vering kahapon. Magpapakasal na sina Ate Mila at Kuya Robert." "No!" Halos sumabog ang utak ko sa narinig. Hindi pa ako nakakabangon sa sakit na dala ng paghihiwalay namin ni Robert, ay may panibagong sakit na naman na dumating. Gusto ko ng magpakamatay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
291.8K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
670.7K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
422.4K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook