Hapon na nang makauwi ako sa condo. Nagpresinta si Ree na ihatid ako at dahil marami akong gustong malaman sa kaniya ay pumayag na ako. Mas makakapag-usap kami nang maayos kung walang mga taong nakapaligid sa amin. "Si Jonah?" patanong niyang tugon nang makapasok kami sa unit ni Drew. "She's a typical b*tch. Maldita, selfish spoiled brat... Naku, Rosel, mauubusan ako ng bad adjectives sa pagde-describe sa babaing iyon." Umupo siya sa pang-isahang sopa saka tinitigan ako. "Drew said she was his childhood friend," mahina kong saad. "Our childhood friend," pagtatama niya. "Magkababata kaming tatlo kaya alam ko ang likaw ng bituka ng babaing iyon. Eversince naman hindi kami magkasundo. Palagi kaming nag-aaway at si Drew ang peacemaker." "Masaya siguro ang childhood ninyo." Ngumiti ako. Na

