Nagtatalo ang isipan ko kung papayag sa alok ni Drew na mag-dinner. Pinagpapawisan ang mga kamay ko habang nakaupo sa stool na naroon sa loob ng maliit kong opisina. Hindi ako mapakali dahil nai-imagine ko na ang maaaring mangyari mamaya sakaling dumating si Drew dito sa shop. Overprotective ang pinsan kong si Marco, tsismosa naman sina Tin at Jinky. Si Mang Isko naman ay walang preno ang bibig sa tuwing makakausap ang mga magulang ko kaya hindi na ako umaasa pa sakaling bukas makalawa ay malaman na nila na nanliligaw sa akin si Drew. Hindi naman ako pumayag na manligaw siya sa akin. Pass muna ako sa usaping pag-ibig dahil katatapos ko lang sa isang hiwalayang wala ng balikan. Masakit. Umasa ako na magiging kami ni Robert hanggang sa pagtanda namin pero hindi nangyari. Ilang araw na rin

