Chapter 10

1508 Words

Lihim akong napapailing habang kumakain. Napapansin ko kasi na todo ang pagpapa-impress ni Drew. Ipinaubaya ko na kasi sa kaniya ang pag-order ng pagkain dahil nahihiya naman akong pumili sa mga pagkaing naroon sa menu. Bukod kasi sa nakakalula ang presyo ay hindi ko gusto ang mga pagkaing naroon dahil hindi naman talaga ako sanay kumain ng ganoong klaseng pagkain. Pati wine na hindi ko alam kung paano bigkasin ang pangalan ay inihain sa amin ng waiter. Mismong si Drew pa ang naghiwa ng steak na naroon sa plato ko. Asiwa ako habang pinagmamasdan siya. Siguro kung hindi siya nagtapat at nagpaalam na manliligaw sa akin ay hindi ganito ang magiging reaksiyon ko. Simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko sa kaniya at hindi ko inaasahan na magkakaroon iyon ng katugon. Siguro kung hindi lang s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD