Prologue
Having a guy bestfriend is the greatest but not until you fall in love with him. I don't have any idea when this feelings started. Maski ako ay naguguluhan at napapaisip.
Noong panahon ba nakangiti na akong bumangon at excited na siyang makita araw-araw? O baka naman noong panahon na nagiging conscious na 'ko sa itsura ko kapag kasama ko siya? O hindi kaya naman noong nakangisi na ako na parang tanga habang nagsasandok ng kanin? O siguro noong nakakaramdam na ako ng selos kapag may natitipuhan at pinopormahan siyang iba?
Ewan ko. Siguro nga noon pa lamang ay gusto ko na siya kaso hindi ko lamang matanggap.
"Hoy! Nakatulala ka na naman! Anong iniisip mo?"
Napasimangot ako nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko at pitikin ang noo ko. He sat beside me.
"Ikaw..." wala sa sarili kong sagot.
He blinked twice, his brown hooded eyes were full of astonishment while his brows were furrowed. Natauhan ako at napatuwid ng upo. My cheeks flushed as I gave him a awkward laugh.
"A-Ang ibig kong sabihin ay ikaw...ikaw bakit wala kang isip?"
Nakagat ko ang aking labi at saka umiwas ng tingin. Ano ba naman iyan, Shaeynna? Ang ganda mo, ang talino mo pero 'yang bunganga mo hindi mapigilan?
Mas lalo lamang nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin ngunit kalaunan ay nagkibit balikat na lamang at inakbayan ako.
"Gutom lang 'yan, Ga. Gusto mo kumain tayo? May bagong bukas na kainan sa bayan! Try natin kung masarap!"
"Sige ba! Libre mo 'ko, Go?" Tumayo na ako at pinagpagan ang suot kong denim short.
Ngumisi siya at inilahad ang isang kamay sa akin para magpatulong tumayo sa damuhan. Ngumiwi ako, inabot ang kamay niya at buong pwersang itinayo. Pinagpagan din niya ang suot niyang sweat shorts bago humarap sa akin, nakangisi.
"Ako na nga ang nag-inform sa 'yo na may bagong bukas na kainan tapos ako pa ang manlilibre? Siyempre ikaw!" halakhak niya.
"Aba't―"
"At saka, sino bang graduating dito ng Senior High School at Valedictorian pa? Siyempre ikaw ulit 'yon Ms. Prim and Proper!"
Sinamaan ko siya ng tingin at pabirong sinuntok ang tiyan niya. Tumawa lamang siya dahilan para sumilip ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. Nakadagdag din sa kagwapuhan nito ang medyo makapal nitong kilay na sa tuwing nagsasalubong ay nagmumukha siyang masungit, idagdag mo rin iyong taling sa ilalim ng kaliwa niyang kilay, ang mahaba niyang pilikmata, matangos na ilong, at ang manipis at mapulang labi.
Maganda rin ang tindig at pangangatawan nito. Matangkad, maugat ang mga kamay, mahaba ang mga daliri, ang katawan niya'y hindi payat, hindi rin naman mataba. Sakto lang. Kaya nga hindi ko rin masisisi iyong mga kababaihan na nagkakagusto at nahuhulog talaga sa kaniya... at hindi nga ako nakaligtas doon.
"Ano ba naman 'yang short mo, bakit ang iksi?"
I rolled my eyes at him. "Short nga, eh. Magtaka ka kung short pero mahaba."
Ngumuso siya na parang bata at kumibot-kibot ang labi. Nagmartsa siya palabas ng sementeryo. Dito kasi namin trip lagi tumambay, ang tahimik kasi tapos ang lamig pa at tanaw na tanaw namin ang mga makikinang na bituin sa langit tuwing gabi.
"Pupunta ka sa graduation ko?" tanong ko sa kaniya habang naghihintay sa order naming pagkain.
Abala siya sa kaniyang cellphone kaya mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko. Para itong tanga na nakangiti at animo'y kinikilig habang may tinitipa sa cellphone niya. Napasimangot ako at pinitik ang daliri ko sa harap niya para kunin ang atensiyon.
"H-Huh?" He looked at me, confused. "May sinasabi ka?"
Umirap ako. "Ang sabi ko kako, kung pupunta ka sa graduation ko?"
"Ah! Iyon ba? Baka sa bahay niyo na lang ako dumiretso." sagot niya at muling ibinalik ang atensiyon sa cellphone.
Tatawa-tawa pa siya at napapailing kaya kinagat ko ang labi ko para pigilan na ang pagsasalita pa.
I want him to be there pero sino nga ba naman ako para magdemand?
Atleast ang mahalaga naman ay pupunta siya sa bahay, 'di ba? Okay na 'yon.
Hindi pa man dumadating ang order namin ay may lumapit na sa amin na isang magandang babae. She was one of his schoolmate yata when he was in SHS. Nakalimutan ko lang pangalan pero sikat 'yan, eh. Palagi siyang laman ng sagala at beauty contests dito sa amin.
Pasimpleng umarko ang kilay ko nang tumayo si Kean para salubungin iyong babae.
"Am I late?" The girl chuckled.
"Hindi naman, sakto lang." Inalalayan ni Kean ang babaeng maupo sa tabi niya.
So ayun pala! Inaya niya 'kong kumain dito para maging third wheel lang?
"Ay, oo nga pala! Itong babae na nasa harapan mo ay si Shaeynna, bestfriend ko..." Kean introduced me to his girl.
Nang magtama ang mga mata namin noong babae ay tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti. She offered her hand at pormal ko iyong tinanggap.
"I'm Rikka. Kean's girlfriend." Her eyes twinkled when she said the word 'girlfriend', proud na proud pa nga habang ako nama'y pinigilan ang sariling mapanganga.
Girlfriend...
I gave her my sweetest smile. Girlfriend ka ngayon pero bukas, hindi na sure. Kilala ko 'yang si Kean, sa dinarami-rami niyang ipinakilala sa aking girlfriend, ni isa walang tumagal.
Ay...mayro'n pala.
Ako.
Iyon nga lang... hindi niya 'ko girlfriend. Hindi pa.