Chapter 4

1900 Words
Being an Accountancy student is quite burdensome. Isang linggo pa lamang ang nakakalipas magmula noong magstart ang college life ko pero 'yong stress na nararamdaman ko ay parang limang taon ko na nag-aaral. Totoo pala talaga 'yong kasabihan na dapat mabilis kang mag-move on kapag nasa college ka na. Ang sabi pa ng Professor namin ay mayroon daw walong steps ang accounting cycle pero para sa akin ay tatlo lang. Discussion, Quiz and Move on. Nang humarap si Mrs. Nilooban sa white board para magsulat ay sinulyapan ko si Eloisa na nakasubsob sa arm desk at mahinang humihilik. Iyong iba naming kaklase ay napapatingin at nahihirapan ng magpigil ng tawa dahil sa kaniya. Mabuti na lamang ay nasa pinakalikod at sulok kami nakapwesto, hindi kami masyadong napapansin. "Shae, takpan mo 'yong bunganga," bulong sa 'kin ni Trisha at pasimple niya 'kong inabutan ng packaging tape. Kinuha ko iyon mula sa kaniya at nagtatakang tinitigan. "Anong gagawin ko rito, Trish?" "I-tape mo 'yong bibig. Ay wait! Ito, gunting..." Binuksan niya ang kaniyang bag at hinalughog doon ang gunting. "S-Seryoso ka? Ite-tape ko ang bunganga ni Elo? Hindi kaya magalit siya sa 'tin—" "Oh edi kung ayaw mo naman, takpan mo na lang iyong ilong." She frowned. "Basta kahit ano! Iyong hindi maririnig ni Ma'am Nilabasan!" "Nilooban, Trish," pagtatama ko sa kaniya at ngumiwi. She smirked at me. "Mas gusto ko 'yong nilabasan, eh. Paki mo? Sige na, i-tape mo na 'yang bunganga ni Elo!" Napakamot na lamang ako sa ulo at sinunod ang utos ni Trisha. Napalunok na lamang ako habang maingat na nilalagyan ng tape ang bunganga ni Eloisa. Ang mahirap sa babaeng 'to, masiyadong tulog mantika. Kahit yata kaladkarin ko na palabas ay hindi pa rin siya magigising. Pigil na pigil ang tawa ng mga kaklase ko. Hanggang sumapit ang lunchbreak ay hindi pa rin nagigising si Elo. Nasa labas na iyong ibang taga-kabilang section na kasunod na gagamit nitong room. Akmang gigisingin ko na siya pero pinigilan ako ng tumatawang si Trisha. "H-H'wag mong gisingin. Tara na!" Humalakhak siya. "Gago! Paano kung—" "Tara na, Shae! Gutom na ako at nasa labas na rin si Kean mo! Hayaan mo 'yang si Elo. Hindi mo na 'yan kailangang gisingin dahil kusa 'yang magigising." Wala na akong nagawa't nagpatianod na lamang nang hilahin niya 'ko palabas. My lips formed a big smile when I saw Kean waiting outside our classroom. May kausap itong mga lalaki kaya hindi niya siguro napansin ang paglabas ko. "Shae, sa Van and Hyla's tayo kakain 'di ba? Una na 'ko roon. Gutom na talaga ako, ih," "Oh sige, susunod kami ro'n Trish," Matapos niyang magpaalam sa 'kin ay nilapitan ko na si Kean na abala pa rin sa pakikipag-usap. Kung hindi pa ako titikhim ng malakas ay hindi pa niya ako mapapansin. His brown eyes twinkled when he saw me. Gustuhin ko mang akbayan siya katulad ng madalas kong gawin ay hindi ko magawa kasi maraming estudyante ngayong nagkalat sa corridor. I need to remain composed. I need act like I am a fuckin' prim and proper. Malawak ang ngiti niya nang hilahin niya 'ko papalapit sa kaniya. Heto na naman ang mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko at ang kuryenteng dumadaloy sa mga dugo ko sa tuwing nagdidikit ang katawan namin. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat at ginulo ang aking buhok. He then faced his guy friends na halos lahat sila ay nakatitig sa akin. "Oh paano? Una na kami. Gutom na itong tsikiting ko, eh," Kean chuckled and that made me frowned. Padabog kong inalis ang braso niya sa balikat ko. "Excuse me? Sinong tsikiting? Walang tsikiting dito 'no!" Lukot na lukot na ang mukha ko sa sobrang inis. He deeply laughed and pinched my both cheeks. "Hmm? Okay, whatever you say." "Kean, masakit!" Pilit kong inaalis ang mga kamay niya pero tumatawa lamang siya at tila natutuwa sa pang-aasar niya sa 'kin. Someone coughed. "Hindi mo ba kami ipapakilala sa bestfriend mo, Keith?" Ang malawak na ngiti sa labi ni Kean ay nawala. Binitawan niya ang pisngi ko at walang emosyong hinarap iyong isang gwapong lalaki na may kulay tsokolateng mga mata. Kean's jaw clenched as he shook his head. "Why do you want to know her, Adrian?" walang bakas ng tuwa ang boses ni Kean. The other guy laughed. "Wala lang. Masama bang ipakilala mo kami sa magandang dilag na kasama mo?" Sa apat na lalaking kausap ni Kean ay napansin ko na iyong may kulay tsokolateng mga mata lamang ang mayroong itsura sa kanila. Adrian yata ang pangalan. The rest na kasama niya ay sakto lamang. Tumikhim ako at kinagat ang aking labi nang mapansin na hindi humihiwalay ang mga mata sa akin noong Adrian, mukhang napansin din iyon ni Kean kaya tuluyan nang nawala ang kislap sa mga mata at napalitan iyon ng pagkairita. "She's Shaeynna, my bestfriend," Kean introduced me to his friends, wala pa ring mababakas na emosyon sa mukha, magkasalubong ang kilay at bahagyang umiigting ang panga. Nang akmang ilalahad sa 'kin ni Adrian ang kamay niya ay tinabig iyon ni Kean. Napasinghap ako sa gulat at pasimple siyang kinurot sa tagiliran. Adrian smirked. Amusement and humor were evident in his eyes. "Bawal ba makipag-shake hands?" tanong niya kay Kean kaya mas lalong napasimangot itong isa. He then faced me with his amusing grin in his lips. "Hi Shae, I'm—" "Shaeynna, not Shae," Kean cut him off. Adrian raised his both hands, as if he's surrendering. "Okay, chill. Shaeynna, I am Adrian." "Nice meeting you, Adrian." I gave him a small smile. Kita ko pang natameme siya kasabay ng pamumula ng kaniyang tainga pero agad ding nawala ang mga mata ko sa kaniya nang magpakilala rin sa akin iyong tatlo niyang kasama. "Mga bwisit kayo talaga! Hindi niyo man lang ako ginising, huh?! Alam niyo bang hiyang hiya ako na natulog lang ako saglit tapos pagmulat ko ibang tao na 'yong nasa loob ng classroom natin. Mga punyemas kayo! Nilagyan niyo pa ng tape bibig ko!" Nanggigigil niyang litanya at nang akmang hahampasin niya kami ng bag ay pinitik ni Kean ang tainga niya. "Sige! Subukan mong hampasin si Shae! Bubugbugin ko boyfriend mo," banta ni Kean kay Eloisa. "Aba teka! Paano naman ako, Kean? Bakit si Shae lang? Hindi mo 'ko ipagtatanggol?" reklamo ni Trisha. Humarap si Kean kay Eloisa habang nakaturo kay Trisha. "Ayan! Si Trisha ang hampasin mo! Huwag si Shae!" "Aba't tarantado ka, ah!" inambahan ni Trisha ng suntok si Kean kaya agad akong tumayo at pumagitna sa kanilang dalawa. "Tama na nga! Para na naman kayong mga ulaga riyan! Nandito tayo kina Kean para magmovie marathon, hindi para magsuntukan!" Nakakainis naman! Kanina ko pa hindi maintindihan 'tong pinapanood namin dahil sa ingay nitong tatlo. Ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng time para makapagmovie-marathon at makapag-food trip. Kahit tambak pa kami ng mga assignments ay naisipan pa rin naming magganito. Tutulungan naman ako ni Kean sa assignments at pinag-a-advance study na rin niya 'ko para incase na magkaroon ng surprise quiz or recitations ay handa ako at mayroon akong isasagot. Matapos naming magmovie-marathon ay umalis na rin sina Eloisa at Trisha. Naiwan kami ni Kean at nagdesisyon kaming lumabas sa bakuran nila para roon mag-aral at magsagot ng assignment. Mayroon kasi silang maliit na kubo para tambayan o di kaya'y pag magkaaway daw ang parents niya ay dito raw sa kubo natutulog si Tito Norman, iyong Tatay niya. From here, we can clearly see the night sky and shining stars from above. Ang malamig na hangin ay humahampas sa aking mukha at dumadampi sa aking balat. Binitawan ko ang hawak kong ballpen, sumandal ako sa sandalan ng upuan, pinagkrus ang mga braso ko sa may dibdib at tinitigan si Kean na abala sa pagbabasa sa librong hawak niya. May hawak pa siyang highlighter na blue para i-highlight iyong mahahalagang words or sentences na binabasa niya. Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan siya. Kung mayroon man akong isang bagay na hinahangaan sa kaniya ay iyong pagiging matiyaga at masipag niya pagdating sa pag-aaral. Makikita mo sa kaniya na desidido talaga siyang maabot ang mga pangarap niya. He'll reach his goals whatever it takes. Sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob at tinatamad sa pag-aaral ay palagi niyang pinapaalala sa akin ang mga katagang, 'Ang tulog madali 'yang bawiin pero 'yong bagsak mong grades, mahihirapan kang bawiin 'yon.' He motivates me. He inspires me. He keeps me going. Sa tuwing natatakot ako ay palagi siyang nariyan para tanggalin ang takot ko. Sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob ay palagi siyang nariyan sa tabi ko para ipaalala kung bakit hindi ko kailangang panghinaan. Hindi man siya masiyadong vocal pagdating sa mga nais niyang sabihin...pero basta, mararamdaman mo na lamang. Kaya sinong hindi mahuhulog sa kaniya, huh? Paano ako hindi mahuhulog sa kaniya? "Baka matunaw ako niyan..." Napakurap-kurap ako at agad nag-iwas ng tingin sa kaniya. Shemay! Ang tagal ko pa lang tumitig sa kaniya. Kinuha ko ang notebook ko at bahagyang ipinaypay sa nag-iinit kong mukha. Tatawa-tawa siyang sumulyap sa akin. "Huy baka nai-inlove ka na sa 'kin, ah! Sabihin mo lang!" he roared a laughter. Matagal na 'kong in love sa 'yo, gunggong. Umakto akong parang nandidiri at binato siya ng takip ng ballpen. "A-Ang kapal mo naman! Asa kang mangyayari 'yon!" Nang-uuyam ang mga ngiti niyang tumingin sa akin. Isinara niya ang hawak niyang libro at napasinghap ako nang biglaang niyang ilapit ang kaniyang mukha sa akin. My eyes widened with his sudden action. Siguradong kaunting maling galaw ko lamang ay mahahalikan ko na siya. Tila naging bato ako sa kinauupuan ko at halos pigilan ko ang paghinga. My heart was throbbing so fast. "Talaga lang, huh? Hindi ka mafa-fall sa 'kin?" He said, almost a whisper. "N-Never talaga!" I still managed to answer. Matunog siyang ngumisi at tinagilid ang kaniyang ulo. Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakikipagtitigan sa akin. Gustuhin ko man siyang itulak palayo dahil sa takot na baka marinig niya ang bilis ng t***k ng puso ko ay hindi ko magawa. Para akong nawalan ng lakas at mas lalo pang nanuyo ang lalamunan ko nang mula sa mga mata ko ay dahan dahang bumaba ang tingin niya sa labi ko. He licked his lips and slowly...leaned closer to me. Oh my gosh! Hahalikan niya 'ko! Siya ang magiging first kiss ko! Nakuyom ko ang aking kamao dahil sa matinding kaba. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at ngumuso. Ilang segundo akong naghintay ng paglalapat ng labi namin pero wala akong naramdaman. Kumunot ang noo ko, dahan-dahang binuksan ang mga mata at ganoon na lamang ang hiya at pag-usok ng ilong ko nang makita si Kean na nakabalik na sa dati niyang pwesto at nagbabasa na ulit ng libro. Nakayuko ito at umuuga ang balikat dahil sa mga impit niyang pagtawa. Para akong sasabog sa sobrang inis at pagkapahiya! Nang mag-angat siya ng tingin sa akin at nakita niya ang pamumula ng buong mukha ko ay doon na siya tuluyang humagalpak ng tawa. Nagluluha na ang mga mata niya at halos ay maglupasay na sa sahig. "Happy ka, Kean? Happy ka?" nanggagalaiti kong saad at mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya. "Ikaw, ah! N-Never pala, huh?" "Ewan ko sa 'yo! Bwisit!" Nagmamadali kong isinilid ang mga gamit ko sa bag at nag-walk out. Shit! Nakakahiya ka, Shaeynna! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD