"Ginawa mo 'yon? Punyemas nakakahiya!" Inihilamos ni Trisha ang dalawa niyang palad sa kaniyang mukha at hindi pa rin makapaniwalang tumitig sa akin.
"Teh kung totoo man 'yan, ako na ang nahihiya para sa 'yo. Jusko, ang rupok ha!" dagdag pa nitong si Eloisa na prenteng nakahiga sa kama ko.
Sarkastiko akong tumingin at tumawa. "Wow! Coming from you pa talaga, ah? Eh, sino kaya 'tong umiiyak kagabi dahil magkaaway sila ng boyfriend niya? Panay pa ang hingi ng advice sa amin na kahit isa ay wala namang sinunod."
Napasimangot si Trisha. Dumakot siya sa kinakain niyang chips at ibinato iyon kay Eloisa.
"Oo nga naman! Isa ka pa! Pahingi-hingi ka pa ng advice! Ang sabi mo kagabi makikipagbreak ka na tapos minention ka lang yata sa memes, biglang okay na. Nakakaloka ka,"
Eloisa made a face and rolled her eyes. Iyong chips na binato sa kaniya ni Trisha ay kinain niya.
"Excuse me! Okay na kami kasi nakapag-usap na kami ng maayos. At saka, ano naman kung marupok ako, eh jowa ko naman 'yon?" I glared at her when she pointed her finger at me. "Iyang si Shaeynna ang pagsabihan mo, Trish! Masiyadong nakakahiya ang mga pinaggagawa sa buhay!"
Napabuntong hininga na lamang ako at pabagsak na humiga sa tabi ni Eloisa. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko dahil sa tuwing naaalala ko ang scenariong iyon ay damang dama ko pa rin ang matinding hiya.
Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang mangyari iyon pero para sa akin ay parang kahapon lang nangyari. Matapos noong gabing iyon ay hindi na muna ako nagparamdam kay Kean. Panay ang pangungulit at panunuyo niya sa akin dahil sa pag-aakalang galit ako sa kaniya pero ang totoo niyan ay hindi ko lamang alam kung paano ko siya haharapin. Gusto kong magpakain sa lupa sa sobrang kahihiyan.
Ngayon lamang din ako nagkaroon ng lakas ng loob para i-kwento kina Trisha ang pangyayaring iyon at hindi na ako nabigla nang kahit sila mismo ay gusto rin akong tirisin dahil sa sobrang karupukan ko.
Kung sila nga na pinagkwentuhan ko lamang ay labis nang nahiya sa ginawa ko. . . paano pa kaya ako na mismong gumawa noong kalokohan na iyon?
Supposed to be ay magrereview kami nina Trisha at Eloisa kaya nagdecide kaming magsleep over dito bahay but it turned out na puro chika at kabaliwan lamang ang nagawa namin. Muntik pa kaming ma-late sa klase kinabukasan dahil nakalimutan naming magset ng alarm.
"How's your study, Shaeynna?" tanong ni Daddy habang kumakain kami ng breakfast.
Si Mommy naman ay nakaupo sa gilid niya sa bandang kanan at katabi niya ang kapatid kong si Sharina na tahimik lang na kumakain at nakikinig sa usapan namin. Ako naman ay sa kaliwa at katabi ko sina Trisha at Eloisa na tahimik lang din na nakikiramdam.
"Doing good, Dad," I simply answered.
Mom stopped eating then glanced at me, raising her brows. "Fine lang, anak? You should be doing your best, Ynna. Hindi puwede iyong fine lang."
"Let her, hon. Malaki na ang anak natin kaya alam na niya ang mga priorities niya. Kailan ka ba binigo ng anak mo?" tanong naman ni Daddy kay Mommy kaya napabuntong hininga ito.
"Ang sa'kin lang naman, why would you settle for less, if you can do your best naman? Look at Kean, he's always doing his best..." She then faced me. "Dapat ganoon ka rin, anak."
I gulped and nodded like a puppet.
"Mom, iba naman si Kuya Kean kay Ate Shae. Huwag mo silang i-compare," Makahulugang tumingin sa akin si Sharina at kumindat.
I gave her a small smile. At dahil sa pagsagot ni Sharina kay Mommy ay siya naman ang pinagbalingan ng mga magulang ko. I felt bad because wala akong magawa, hindi ko kayang sagutin sina Mommy.
Mommy is a CPA-Lawyer while Dad is an Engineer. Ang sabi sa akin ni Daddy noon ay grade conscious daw silang dalawa ni Mommy ever since they were a teenager. They always aim to be the best among the best. Hindi sila pumapayag na basta pasado lang, hindi sila pumapayag sa 'okay' lang kaya kahit sa aming mga anak nila ay dala pa rin nila iyong ganoong attitude.
"Pressure amputa," Eloisa tsk-ed and shook her head.
Siniko naman siya ni Trisha at pinandilatan ng mga mata. Nanatili naman akong nakatitig sa kawalan at bumubuntong hininga. Iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni Mommy at Daddy kapag nalaman nila na bumagsak ako sa dalawang quiz at ang masaklap, major subjects pa.
"Bakit? Totoo naman, ah? Pine-pressure naman talaga nila itong kaibigan natin. Ano bang akala nila, huh? Anak ni Luca Pacioli itong si Shaeynna?" maangas siyang tanong bago kumagat sa apple na hawak niya.
"Makapagsalita 'to! Pine-pressure ka rin naman ng parents mo, ah?" Trisha chuckled.
"Huh! Hindi 'no! Iyong parents ni Shaeynna, pine-pressure siyang maging perfect student at maging perfect daughter. Eh 'yong parents ko naman, mapagdesisyon! Ang gusto ko maging writer pero pinilit akong mag-Accountancy kasi malaki ang sahod!" mahabang litanya niya.
Napailing na lamang ako sa sagutan nilang dalawa. Tumulala ulit ako sa kawalan dahil wala akong ganang kumain ng lunch. Ang dami-dami kong naiisip na kung anu-ano.
Bakit ba hindi na lamang tanggapin ng mga magulang ko kung ano 'yong totoong ako at kung hanggang saan lamang ang kaya kong gawin? Why can't they just support me instead of pressuring me?
Napakurap-kurap ako at bumalik sa ulirat nang may maglapag ng pagkain sa lamesang nasa harapan ko. Ang dalawa kong maingay na kaibigan ay biglang natahimik. Bumaba ang tingin ko ro'n at awtomatikong kumalam ang sikmura nang makita ang paborito kong ulam na caldereta at may kasama pang dalawang kanin.
"Masiyadong malalim naman 'yang iniisip mo. Kumain ka nga!" saad ng baritonong boses.
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko at muntikan na akong mapahawak sa garter ng panty ko nang makita ang nakangising si Kean. My heart thumped for unknown reasons.
Kaasar ah! Bakit ba kapag nakikita ko 'tong lalaking ito ay hindi nagiging normal ang t***k ng puso ko?
I smelled his manly perfume when he sat beside me. Tumikhim ang dalawa kong kupal na kaibigan at niligpit ang gamit nila. May nakakalokong ngisi sa labi pa nang tumigin sila sa akin.
"CR lang ako," Trisha said, grinning like an idiot.
"Sama me!" Tumayo rin si Eloisa at nagmamadaling umexit.
Ang dalawang iyon talaga! Ang sarap tirisin!
"Kumain ka, Shae,"
Muli akong napalingon kay Kean at nang magtama ang paningin naming ay agad nag-init ang mukha ko at umiwas ng tingin.
Jusko! Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako!
He deeply chuckled. Humalumbaba siya at pilit na hinuhuli ang mga mata ko. Amusement was evident in his voice. "Galit ka pa rin ba sa 'kin, hmm? Sorry na nga, 'di ba? Hindi na kita aasarin ng ganoon. Promise."
I took a quick look at him. Tumikhim ako at nagsimula nang galawin ang pagkaing ibinigay niya sa akin. Kinuha ko ang tinidor at akmang tutusukin iyong karne nang ilayo niya iyong pinggan. Imbis na 'yong karne ang matusok ko ay tumama iyon sa table.
Naglingunan sa amin iyong ibang estudyante at bahagya akong nahiya. Tumikhim ako at nanlilisik ang mga matang bumaling kay Kean na ngayo'y nagpipigil na naman ng tawa.
I gave him a death glare kaya naman tumikhim siya at pilit na nagseryoso ang mukha.
"Hindi ka na talaga nakakatuwa, ah. Nanggigigil na 'ko sa 'yo," mariin kong saad.
"Paano 'yong gigil? Tingin nga?" he asked.
"Kean!" I shouted in anger.
Umalingawngaw ang malagong niyang tawa sa buong canteen. Namumula ang kaniyang mukha at kumikislap ang mga mata sa sobrang saya. Sinuntok ko ang kaniyang braso sa sobrang inis. Nang kumalma siya ay nanggigigil niyang pinisil ang mga pisngi ko.
"Such a cutie..."
Tinampal ko ang mga kamay niya, masama pa rin ang tingin sa kaniya.
"Sorry na nga, okay? Hindi ko na uulitin 'yon, promise." Itinaas pa niya ang isa niyang kamay at parang batang nangangako.
I heaved a deep sigh. Akmang iiwas na ulit ako ng tingin pero hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. I gasped and my eyes widened when his soft lips landed on my forehead.