KABANATA FOUR

2078 Words
Kabanata 4 ABALANG-ABALA si Althea sa kakapirma ng mga papeles nang mayroong biglang tumawag sa telepono ng opisina. Mabilis niyang iniwan ang kanyang ginawa at sinagot ang tumatawag. “Hello, this is Althea Natividad,” aniya sa telepono at naghintay kung sino ang tumatawag sa kanya. “Hi Miss Natividad, this is your national director. I would like to inform you that we will have our nationwide meeting here ni Manila. All the letters will be sent later.” “Oh, thank you so much for informing me, sir.” Nagulat si Althea dahil ang boss pala nila iyon. Hindi niya inakala na ito pa ang kusang tumawag sa kanyang gayong mayroon naman itong sekretarya. “My pleasure Miss Natividad. Looking forward to see you soon, goodbye.” Naibaba ni Althea ang telepono at napangiti na lamang siya. Kung ganoon ay kailangan niyang lumuwas ng Manila para sa gagawing meeting. Paniguradong hindi lang iyon basta whole na activity. Baka gabi na kung sila’y matapos kung kaya’t hindi sila makakauwi kaagad. Hindi alam ni Althea kung ano ang kanilang agenda ngunit nakakasiguro siyang tungkol iyon sa updates at mga activities. Isang beses lang na nakita ni Althea ang kanilang boss. Ito’y noon pang na-hire siya bilang manager dahil ito na mismo ang nagkusang bumisita para ipaalam ang magandang balita sa kanya. Bumalik siya sa kanyang upuan at ipinagpatuloy ang ginagawa. Pagkalipas ng ilang oras ay hindi pa siya tapos ngunit sumakit na ang kanyang likuran. Tumayo siya at inunat ang kanyang katawan. Habang ginagawa niya iyon ay umilaw ang kanyang cellphone at lumabas ang notification sa kanyang email sa itaas ng screen. Mukhang ito na ang letter na ipapadala. Tiningnan niya iyon at hindi nga siya nagkamali. Mabuti na lamang talaga at naka-log in ang kanyang business email account sa kanyang phone dahil dito nagsi-send ng mga letter at notices ang national mailing company. Pagkatapos mabasa ang buong content ay napabuntong hininga siya. May mga vacant palang slot ng branch. At kailangan ng mga bagong manager roon at kailangan nilang pumunta sa Manila upang sila’y ipadala sa iba’t-ibang branch. At kung minamalas ka nga naman, kailangan ang mga bagong hired na manager ang ipapadala at muling magha-hire ng bagong manager sa iiwanan nilang office. At sa susunod na linggo na ito gagawin para mas mabilis ang magiging proseso. Ayaw man mag-isip ni Althea ng masama ngunit nangangamba siya na isa siya sa mga mapipiling lumipat ng branch. Ayaw niya iyong mangyari dahil hindi niya gustong iwan ang bahay na natira sa kanila. At si Brandon, baka hindi ito papayag dahil higit itong mas sentimental sa kanya. Dalangin niya lang sana na papayag ito kung baka sakaling mapili siyang lumipat. Wala din naman siyang magagawa dahil trabaho iyon at ang trabaho lang niya bilang manager ang bumubuhay sa kanilang magkapatid. Kung mawawala siya ng trabaho ay paniguradong maghihirap silang dalawa ni Brandon. Kailangan niyang magtrabaho lalo na sa kondisyon ng kapatid. Natapos ang kanyang ginagawa eksaktong uwian na. Iniligpit niya ang kanyang mga gamit. Paglabas ni Althea ay naabutan niya si Miya at iba pa nilang kasamahan na pauwi na rin. Napatingin ang mga ito sa kanya at ngumiti. “Sasama ka ba sa amin?” tanong ni Miya at lumapit sa kanya. “Saan?” curious niyang tanong sa kaibigan. “Gagala, manonood sana ng sine kung okay lang sa’yo. Gusto naming mag-relax at manood ng mga bagong palabas.” “Naku, alam mo na kung ano ang sagot diyan. Hindi pwede, e. Alam mo namang walang kasama si Brandon sa bahay at talagang counted ang aking oras. Kapag matagal akong umuwi ay hahanapin ako. Ayoko naman maulit na naman ang nangyari na lumabas siya ng bahay para lang hanapin ako.” Tumango-tango lang si Miya. “Naiintindihan ka namin pero minsan sabay ka sa amin. Pwede mo namang dalhin kapatid mo rito para isama natin sa galaan.” “Susubukan ko sa susunod,” ngumiti si Althea sa mga kasamahan. “Sabi mo ‘yan, ha? O siya, aalis na kami. Mag-iingat ka sa pag-uwi.” Kumaway lang si Althea nang lumabas ang kanyang mga kasama. Lumabas na rin siya dahil handa na ang kanilang body guard na magsara. May dumaang taxi ka sa kanyang harapan at sumakay si Althea. Pagdating ni Althea sa kanila ay gaya ng mga nagdaan niyang pag-uwi ay sinasalubong siya ni Brandon at sobrang saya nito nang makita siya. Sobrang sapat na para kay Althea na makita ang kapatid na masaya. Kung pwede lang sana ay hindi na siya mag-aasawa at magiging devoted nalang kay Brandon dahil mas kailangan nito ng atensyon at aruga mula sa kanya mismo dahil silang dalawa nalang ngayon. “Kumusta ang work mo ate? Masaya ka ba? Hindi ka ba napagod? Gutom ka na ba?” sunod-sunod na tanong ng kapatid. “Okay lang ang work ko at masaya iyon. Hindi naman pa ako nagugutom kaya magluluto na muna ako ng ating makakain,” aniya sa pagkapatid. “Mabuti nalang ate at hindi ka pa gutom. Hindi kasi na ako nagluluto baka magalit ka sa akin. At ayaw ko na nagsasayang ng pagkain.” Ngumiti si Althea sa sinabi ng kapatid at kinurot niya ang mukha nito. “Mabuti naman at sumusunod ka na sa akin. Ayokong magluto ka dahil ayokog masaktan ka. Di bale nang mawala ang lahat sa akin basta’t hindi lang ikaw.” “Ako din ate kaya mahal na mahal kita,” ani Brandon. Iniwan na muna ni Althea ang kapatid sa sofa ng kanilang bahay dahil siya’y magluluto na. Inuna niya muna ang pagsaing. Pagkatapos naman ay sinunod niya ang mga ulam na ipapares sa kanin. Isang oras lang ang ginugol ni Althea sa pagluluto ng kanilang makakain ni Brandon. Nang matapos siya ay tinawag na niyang kapatid na si Brandon upang sabay na silang kumain dalawa. Naging kaswal na sa kanilang pag-uusap ng kahit ano at inulit na naman ng kapatid si Homer. “Gusto kong makita ang idol ko na modelo. Gusto kong makita at mayakap siya ate. Idol na idol ko si Kuya Homer,” masayang wika ni Brandon. “Makikita mo rin siya pagdating ng tamang araw,” ani niya sa kapatid. Ayaw niyang paasahin si Brandon ngunit magiging masama lang ang lahat kapag sinabi niyang impossible nitong makita ang lalaki. Paniguradong gugulo ang buo nilang bahay kapag si Brandon na ang nag-wild. Minsan hindi talaga ito nagpapaawat. Kung pipigilan kasi ang kapatid na si Brandon ay iiyak lang ito ng iiyak. Natapos ang kanilang pagkain at siya na ang nagkusang magligpit sa lahat. Dumiritso ang kapatid sa banyo nito upang ito ay maliligo na. Kagaya nang kagabi ay tabi na matutulog silang dalawa ni Brandon. Kinaumagahan ay maagang nagising si Althea upag magluto ng kanilang makakain  ng kapatid. Mabilis lang iyon kaya hindi siya na-late sa kanyang trabaho. Nakaupo si Althea nang bigla na namang umilaw ang screen ng kanyang cellphone. Tiningnan niya iyon at ang kanyang kompanya na naman ang nag-email. Sa pagkakataong iyon ay mga mahalagang papel ang kanyang natanggap sa email at kabilang na ang plane ticket niya papuntang Manila. Mayroon na ring accomodation na good for two ngunit wala siya  ibang kasama. Kaagad na tumawag si Althea sa ticketing ng eroplano sa kanilang aiport at nagpa-reserved ng isa para kay Brandon. Nagpapasalamat si Denzel dahil may mga vacant pang upuan sa kanyang eroplano na sasakyan. Dahil may kondisyon ang kapatid ay nakiusap siya na magkatabi na lamang sila na umupo sa eroplano. Mabuti na lamang at at pumayag ang mga ito kagaya isa iyong ginahawa para kay Althea. Sinimula na ni Althea ang kanyang araw sa trabaho. Marami pa ring kailangan asikasuhin. Mabuti na lamang at naging madali na sa kanya ang lahat. Natapos siya eksaktong break nila kaya nagmamadali siyang lumabas. Ayaw niyang pumasok sa kanyang opisina si Miya dahil mahirap na itong palabasin. Paniguradong maku-curious lang ito at mauuwi sa usapan  ang lahat. Katatapos lang din ng kaibigan sa ginagawa nito kaya nang lumabas si Althea at nakita niyang naghihintay na sa kanya si Miya. Lumapit siya sa babae at ngumiti rito. “Tara na? Medyo nagugutom na ako, e. Gustong-gusto kong kumain ng masarap ngayon,” aniya sa kaibigan. “Huwag ka nang bumili ng masarap, please,” ani Miya. “Naubos na kasi ang budget ko  kahapon dahil sa galaan kaya wala a akong pera.” “Ayan, magtanda ka sana kaya kailangan mo nang mag-ipon ng pera,” ani niya at iniwan si Miya dahil ang bagal nito. May nalalaman pang wala nang pera. Eh, sa lahat ay ang babae lang naman ang maluho sa kanilang opisina ngunit kilala namang maraming pera dahil may afam itong nobyo na palaging nagpapadala. Alam iyon ni Althea dahil nagku-kwento sa kanya ang babae. Gaya ng dati ay sa kanilang paboritong kainan sila kumain. Parehong pagkain na rin ang kanilang in-order at ilang saglit pa’y kumain na sila. “Hoy, ano iyong nababalitaan kong luluwas raw kayo ng Manila mga manager upang mag-meeting?” biglang tanong ni Miya na ikinagulat niya. Bigla-bigla nalang itong nagsasalita habang abala siya sa pagkain at mayroon siyang iniisip na importanteng bagay. “Tama ka at sa susunod na linggo na iyon.” “Ay talaga? Ilang araw kang mawawala?” Huminto sa pagkain si Miya at seryoso na siya nitong tiningnan. “Isa o dalawang araw yata. Hindi ako sigurado, e.” “Pwede ko bang malaman kung bakit magkakaroon ng meeting?” tanong nito. Mukhang intresado si Miya. “Pipili ng mga bagong manager. At kung may mapipili ay ang mga ito ang ipapadala sa iba pa nating branch.” “Oh my gosh, I think ito na ang matagal kong hinihintay,” napasigaw bigla si Miya na ikinagulat ni Althea. “Nagugulat naman ako saiyo. At talagang confident ka pa na ikaw ang magiging manager. Hindi mo ako mapapalitan kung hindi ako ang mapipili na ipapadala sa ibang branch.” “Oo nga ano?” napaisip ang babae. “Teka, bakit ba ang confident mo? Nasisiguro mo ba na ikaw ang aking iri-recommend ko bilang maging manager na kapalit ko?” “Oo naman no,” sa pagkakataong iyon ay mahina na ang pagkakasabi ni Miya. “May tiwala ako saiyo at alam mo namang mabait akong tao at masipag. Turiring nga lang minsan pero kering-keri ko ang magtrabaho bilang manager. Para hihiwalayan ko na rin afam ko. Takti kahit ano nalang hinihinging larawan mula sa akin.” “Kahit kailan talaga ay gaga ka. Titingnan ko ang record ninyo bawat isa. Isa iyon sa aking pagbabasehan. At pangalawa naman ay kung paano kayo magtrabaho at paano makisama sa mga kasamahan sa opisina.” “Ang dami mong criteria, friend. Sa daming iyan ay baka hindi na ako mapili.” Natawa si Althea sa sinabi ng kaibigan, “huwag ka kasing magpapakampanti. Kaibigan kita pero hindi ako pwedeng maging bias. Magtiwala ka lang sa kakayahan mo okay?” “Ano pa nga ba? May magagawa ba ako? Pero tiwala naman ako sa aking sarili na kahit ganito ako ay may magagawa pa rin akong defferent sa opisina,” ani nito. “Medyo nababahala si Althea para kay Miya. Natatakot siya na baka magalit sa kanya ang kaibigan kung hindi niya ito iri-recommend. Ngunit tama naman ito sa sinabing may mga nagawang pagbabago. Kailangan pa talagang gawin ni Althea ang pagsusuri kung sino ang dapat na i-recommend. Sana nga lang at maganda ang performance ni Miya. Natapos silang kumain at bumalik na sa trabaho. Tinapos ni Althea ang kanyang ginagawa at ilang saglit pa’t tumayo siya at tiningnan ang monitor ng CCTV camera. Kitang-kita nito kung ano ang ganap ng kanyang mga kasamahan sa opisina. Unang umagaw ng atensyon niya ay ang kaibigan na si Miya. Wala ang cellphone nito sa mesa kumpara sa iba at mas tutok ito. Hindi man lang sumali sa usapan ng iba. Kaagad na natuwa si Althea ngunit hindi na muna siya magpapadala sa kanyang emosyon at iniisip. Baka nagpapakitang tao lang ang gaga dahil sa kanyang sinabi rito. Iniwan ni Althea ang monitor at bumalik sa kanyang mesa. Binuksan niya ang kanyang cellphone at nagtungo sa social media app. Bumungad sa news feed niya ang mga shared post ng mukha ni Homer Montencilio dahil sa kanyang kapatid na si Brandon. Talagang malaki ang paghanga ng kapatid sa lalaki. Hindi  maitatangi ni Althea na gwapo talaga si Homer Montecilio at walang sinumang babae sa balat ng lupa na makapagsasabing pangit ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD