KABANATA THREE

1225 Words
Kabanata 3 BINILISAN ni Althea ang paglilinis at paghuhugas ng mga pinggan. Medyo napagod na rin siya mula sa paglilinis ng office kanina kaya gusto na niyang matulog ng mas maaga kahit pa ang kapatid na si Brandon ay maglalaro lang ito ng video games sa loob ng kwarto nito. Natapos siya sa kanyang ginagawa at diritso na siya sa kwarto. Kinuha niya ang puting tuwalya at pumasok sa banyo. May tubig na nakalagay sa balde ngunit itinapon nalang iyon ni Althea sapagkat kanina pa iyon umaga. Naghintay na muna siya ng ilang sandali na mapuno ang balde. At nang masigurong may laman na iyon ay naligo na siya gamit ang tabo. Pagkatapos ng limang buhos ay kaagad na siyang nagsabon. Dalawang beses na nagsasabon si Althea at pinapabayaan niya lang iyon hanggang limang minuto para may epekto ang whitening product na sabon. Iyon din ang sabi sa kanya ng mga kakilala kaya sinubukan niya hanggang sa kanya na itong nakasanayan. Trenta minuto nang nasa loob ng banyo si Althea bago pa niya maisipang lumabas. Gamit ang blower ay kanyang pinatuyo ang buhok. Kung hindi lang sana siya matutulog ng mas maaga sa gabing ito ay hindi na siya gagamit ng blower ngunit talagang gusto na niyang magphinga. Natuyo na ang kanyang buhok at nagsuot na siya ng kanyang pantulog. Lumabas si Althea sa kwarto at nagtungo sa silid ng kapatid. Ang buong akala niya ay gising na gising pa si Brandon ngunit sa kanyang gulat ay tulog na ito at may kasama pang hilik! “Mabuti nalang at maaga kang natulog. Makakapagpahinga ang ate mo ng sobra ngayong gabi,” aniya sa natutulog na kapatid. Tumabi na si Althea kay Brandon at yumakap siya sa kapatid. Mabilis na rin siyang dinalaw ng antok. Unti-unti nang sumasara ang dalawang talukap ng kanyang mga mata hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Maagang nagising si Althea. Ngunit mas maaga pang nagising sa kanya ang kapatid dahil wala na ito sa kanyang tabi. Medyo madilim pa sa labas. Tumayo siya at binuksan ang ilaw. Kaagad siyang dumungaw sa wall clock at alas singko palang ng umaga. Lalabas na sana si Althea sa kwarto nang makaamoy siya ng parang nasusunog na kanin. Nanlaki ang kanyang mga mata at nagmamadaling lumabas. Si Brandon! Nagtangka na naman itong nagluto. Pakarating niya sa kusina ay nandoon nga ang kanyang kapatid. May pakanta-kanta pa itong nalalaman. “Brandon, sunog na ang kanin na sinaing mo.” Lumapit siya sa kalan at pinatay iyon. Binuksan niya ang kaldero at ganoon nalang ang pagkagulat ni Althea. Nagsaing ito ng wala man lang inilagay na tubig sa bigas! “Diyos ko naman Brandon, ako na rito. Umupo ka na lamang riyan,” aniya. “Ate, nag-cook na ako ng ulam natin,” nakangiti nitong wika. “Ha?” Tiningnan niya ang mesa at ngayon niya lang napansin ang isang mangkok na may nakatabon na plato. Lumapit siya at kinuha ang takip. Bumagsak ang panga ni Althea nang makita kung ano ang ulam na niluto ng kapatid. Scrambled egg na may kasamang egg shells!  “Ano ka ba naman, nagsasayang ka lang ng pagkain, e.” “Gusto sana kitang ipagluto ate kasi naaawa na ako saiyo. Ako nalang palagi ang inaalagaan mo tapos ikaw walang nag-aalaga saiyo,” yumuko ang ulo nito. Kaagad na nakaramdam ng awa si Althea. Bumuntong hininga siyang lumapit sa kapatid at niyakap ito. “Sorry, okay lang naman si ate kung walang nag-aalaga sa kanya ang importante ay ikaw. Hayaan mo kapag nagkaroon ng oras si ate ay tuturuan kita kung paano magluto. Okay ba ‘yon saiyo?” Sinubukan niyang i-divert ang mood ng kapatid baka magwala ito. Mahirap na kapag nangyari ‘yon. “Matagal mo na namang sinasabi sa akin ate na tuturuan mo ako pero hanggang ngayon ay hindi pa.” “Sorry, busy lang ako sa work. Hayaan mo, sa darating na linggo ay magluluto tayo. Promise.” “Promise?” kumiwala ito sa pagkakayakap sa kanya. “Promise ‘yan ni ate sa’yo.” “Thank you,” ngumiti ito at yumakap ulit sa kanya. “Sige na, maupo ka nalang dito at ako na ang bahalang magluluto ng ating agahan.” “Kapag marunong na ako ate ay ako naman ang magluluto para sa’yo.” “Talaga?” “Opo.” Kinurot ni Althea ang pisngi ng kapatid at pinaupo na niya ito. Kinuha niya ang nilutong itlog ng kapatid. Hindi pa iyon gaanong luto. Kinuha niya ang mga egg shell. Dinagdagan niya na lamang iyon ng kamatis at sibuyas para maging masarap. At ang bigas, hindi na niya iyon maluluto. Dinala ni Althea ang kaldero sa likod ng kanilang bahay at pinakain ang mga nangingitim na bigas sa mga manok ng kapitbahay. Nagpapasalamat na lamang siya at kaunting bigas lang ang niluto ng kapatid. “Ate, galit ka pa po ba sa akin?” tanong ni Brandon nang bumalik siya sa kusina. “Hindi naman ako galit saiyo. Nag-aalala lang ako baka napano ka pa rito. At mali ang pagsasayang ng pagkain okay? Kapag marunong kanang magluto ay doon pa lamang kita papayagan na i-on itong kalan at pakialaman ang mga lulutuing pagkain. Okay ba ‘yon sa’yo?” Tumango ang kapatid at ngumiti lang ito bilang tugon. Nagpatuloy na sa kanyang ginawa si Althea. Nagsaing na siya ng kanin at kumuha pa ng ibang maluluto. May marami pa silang tuyo kaya nagprito na siya. Nagprito na rin siya ng anim na piraso ng hot dog para sa kanilang dalawa ni Brandon. “Ang bango nang niluluto mo ate. Sumakit bigla ang tiyan ko sa gutom.” “Malapit na ito. Kanin na nalang ang hihintayin natin para makakain na.” Inayos na niya ang mga ulam sa mesa at nagtimpla na rin siya ng juice. “Basta ate, ha... kapag marunong na akong magluto ay hahayaan mo na ako.” “Oo naman basta huwag mo lang sunugin itong buong bahay natin,” biro niya sa kapatid. Masiyado pang bata si Brandon para iwan niya sa kusina at magiging hadlang rito ang kondisyon ng bata. Kailangan pa niya talagang sanayin ang kapatid at hindi iyon magiging madali para sa kanilang dalawa lalo pa’t may trabaho si Althea. Balak niyang ipasok sa pag-aaral ang kapatid kasama ang iba pang may Down syndrome. Ngunit natatakot siya sa siguridad nito lalo pa’t buong araw siya sa trabaho. Walang magsusundo nito kapag uwian na. Pagkaluto ng kanin ay kumain na silang dalawa. Habang kumakain si Brandon ay napaisip siya kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanyang kapatid kapag lumaki ito. Hindi pa ito nakakaranas ng bully dahil nasa bahay lang ito palagi at wala ding mga bata na malapit sa kanilang bahay. Ngunit alam ni Althea na kailangang harapin ng kapatid ang totoong mapanghusgang mundo. Hindi rin pwedeng ikulong niya na lamang si Brandon sa loob ng bahay. Kailangan nito ng social life para masanay. “Ate kumain ka na riyan at baka lumamig ang kanin mo,” pukaw ng kapatid sa kanyang nakalutang na diwa. Ngumiti siya rito, “damihan natin ang pagkain.” “Oo naman... mukhang maraming ulam ang matitira ate. Ito nalang ang kakainin ko sa tanghali.” “Sigurado kang ayaw mo nang magluto si ate?” “Yes ate, marami na rin ito,” ngumiti ang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD