Kabanata 71 HINDI na gaanong napapansin ni Althea kung ilang araw at linggo na siya sa Spain. Naaliw naman siya sa kanyang mga kasamahan sa bahay ng matandang si Melchour kaya okay na iyon kaysa maisip na naman niya si Homer. Haggang ngayon ay talagang masasabi niyang sariwa pa ang lahat sa kanya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa ibang bansa. Kung maayos na ang kanyang sarili ay babalik din naman siya sa Pinas dahil mas gusto pa niya roon manirahan hindi sa ibang bansa. “Tingnan niyo to,” biglang wika ng isang kasambahay sa mga kasamahan nito na nagpaagaw sa atensyon ni Althea. May hawak-hawak itong cellphone at mukhang curious din ang iba kaya nagsilapit. “Ikakasal na si Ma’am Clarisse sa poging lalaking ‘yan?” tila hindi makapaniwalang sabi ng isa. Mabilis na k

