Kabanata 70 LABIS kasiyahan ang naramdaman ni Althea habang nasa poder siya ni Melchour. Mas lalo pa niyang nagawang makilala ang matanda at totoo nga ang mga sinabi nito ukol sa negosyo. Malago at puro magaganda ang mga damit. Bagamat hindi ito kilala sa buong mundo ngunit sobrang competitive ng lahat ng presyo. Nasa quality din ang mga produkto bagay na kanyang nakita nang siya'y bumisita sa isa sa mga boutique nito. "Kung hindi niyo po natatanong Ma'am Althea ay mayroon din pong mga tinutulungang orphanage si madam dito," wika ng isang kasambahay sa kanya habang sila'y kumakain. Wala si Melchour dahil nagtungo ito sa Madrid na kung saan mayroon din itong branch ng kanyang mga damit. "Ang tanging alam ko lang po ay nasa bansa natin ang kanyang orphanage. Tumutulong pa rin siya pala r

