Kabanata 76 LUBHANG nakasanayan na ni Althea ang presensya ni Raven dahil halos araw-araw na itong nagpupunta sa pagmamay-ari na resorts. Minsan kumakatok ito sa kanilang cottage para lang makalaro si Savier. Siyempre, tuwang-tuwa naman ang bata sa kanya kaya minsan hinihiram na ng mukong na lalabas ang mga ito sa cottage ililibot ito ni Raven sa buong resort. Noong nakaraang buwan ay inaasahan niyang dadalaw sa kanila ang pamilya ngunit sinabihan niya na huwag na lamang munang dumalaw dahil hindi pa siya handa. At paniguradong may balita na namang babanggitin ang mga ito tungkol kay Homer bagay na ayaw niyang marinig. Iwan ba niya, habang nagtatagal si Althea sa Spain ay parang unti-unting napapalitan ng galit ang kanyang nararamdaman para sa lalaki. Ngayon niya lang napagtanto na ang la

